Angelo's PoV “SIMULA noong bumalik ka dito sa Cebu ganyan ka na, Angelo?! Hindi mo man lang iniisip na buntis ako!” galit na galit na sigaw sa akin ni Jaya. Madaling araw na naman akong umuwi sa bahay dahil sa kalasingan ko. “Huwag mo nga akong sinesermunan, Jaya! Pinakasalan lang kita dahil iyon ang gusto mo at hindi ko ipinarehistro ang kasal nating dalawa!” singhal ko naman dito ‘tsaka ako nagtakip ng unan sa ulo. “Naririndi na ako sa iyo dahil paulit-ulit na lang tayo!” Niyugyog ako ni Jaya habang nakahiga ako sa aming kama. Muntik na akong mahulog at pagtayo ko itinaas ko ang aking palad at akmang sasampalin ito. “Sige! Gawin mo! Saktan mo ako!” muling sigaw nito sa akin. Napatingin na lamang ako sa umbok na tiyan nito. Naiinis kong ibinaba ang aking kamay at masamang tumingin

