Trex's PoV “NAG-AWAY BA KAYO?” biglang tanong sa akin ni Drei. Hindi ko namalayan na nakatulog ako sa gazebo kagabi. Kakagising ko lang at naghihikab habang nasa harapan ko ito. “May hindi lang kami pinagkaintindihan, Drei. Nakaalis na ba sina Tella?” mabilis kong tanong dito sabay baling ng tingin sa cabin na ginamit nila Tella. “Sina Tella, Nate, Tanya, Kitty, Ryte at Sphere nakaalis na sila. Nakaalis na rin sina Manong Daryl at iba pa nating mga kasama,” seryosong sabi nito sa akin. “Nagpaiwan na lang ako dahil nandito ka pa at kailangan kong ibigay ang full payment sa renta nitong private resort.” “Eh, si Malaikah?!” malakas na tanong ko rito. Nagkibit-balikat naman ito sa akin. “Ang sabi sa akin ni Sphere maagang umalis. Siguro umuwi na o kaya naman nag-soul searching.” Matalim

