Malaikah’s PoV
NAIINIS ako habang ipinagtitimpla ko ng kape si Uncle Trex. Hindi lang siya bossy na boss kun’di super sa kasamaan. Noong umulan ng kabutihan sa mundo marahil nakatulog ito.
Hindi maipinta ang mukha ko sa inis habang nasa office ako ng secret nito na si Shaney. Hindi naman ako dapat na nagtitimpla ng kape ni Uncle Trex, kun’di ito. Market strategies ang trabaho ko rito ay hindi isang utusan!
Bumuga ako nang malalim.
Enhale. Exhale. Alang-alang sa boyfriend ko na si Angelo magiging mabait pa rin ako.
Bumalik ako sa office ni Uncle Trex at inilapag sa lamesa ang itinimpla kong kape nito.
Nakalagay iyon sa puting tray. Malinis at presentable. Sanay akong magtimpla ng mga kape dahil nagtrabaho ako noon sa isang BPO company bilang sales representative at assistant ng manager.
“Tulungan mo na si Tine. Kailangan makagawa kayo ng invitation na nasa one thousand pieces. Apat na copy iyon at ilagay na rin ninyo sa sealed plastics,” utos pa nito sa akin.
“Yes, sir,” mahinang sagot ko at saka tumalikod dito.
“Free ang foods na nasa cafeteria, Malaikah. Serve on your own. At ayoko rin ng nagsasayang ng pagkain.”
Tumaas ang sulok ng labi ko. Seryoso ba talaga ito sa salitang pagsasayang? Kung ito nga hindi nag-uulit ng ulam, e!
“Yes, sir. Naiintindihan ko po.” Nagpatuloy ako sa aking paglalakad palabas kahit na naiinis ako rito.
Palabas na akong office nito nang makasalubong ko si Shaney na palaging nakasimangot kapag nakikita ako. Mukhang hindi pa nito gustong papasukin ako kanina sa office ni Uncle Trex. At base sa mukha nito kanina mukhang may nangyari sa loob at para bang sinabunutan ang buhok nito dahil magulo.
“Ano na naman ang ginawa mo sa loob ng office ni Sir Trex?” paninita nito sa akin.
Matapang ko siyang tinignan. Mabait ako pero hindi naman ako pumapayag na inaapi ako ng kahit na sino. Ang hindi ko lang naman kayang labanan ay si Uncle Trex dahil tiyuhin siya ni Angelo at nahihiya din ako sa kanya dahil baka kung ano pa ang isipin niya sa akin.
“Ma’am, inutusan niya ako na ipagtimpla ko siya ng kape. Siya ang tiyuhin ng fiancé ko at dapat lang na sumunod ako sa kanya. Huwag mo sanang bibigyan ng malisya, ma’am. Kung wala ka ng sasabihin sa akin ay aalis na ako. Marami pa kasi akong trabaho na dapat tapusin,” seryoso kong sagot dito. Hindi ako makangiti kahit peke lang dahil naiinis na ako kay Uncle Trex pagkatapos may selosa pa akong secretary na kaharap.
“Siguraduhin mo lang na wala kang ginagawang masama dahil kung may nalaman ako…” Inilapit nito ang mukha sa tenga ko. “Isusumbong kita kay Angelo,” pabulong pa na sabi nito sa akin.
Inirapan niya ako bago talikuran.
Maldita talaga ito.
Bumuga na lang ako nang malalim at nagtungo sa may elevator. Hindi naman ako natatakot na sumakay kapag may kasama ako. Hindi lang talaga ako nakakasakay ng elevator kapag ako lang mag-isa. Pakiramdam ko kasi para akong nasa loob ng isang madilim na kuwarto at hindi ako makahinga.
Bata pa lang ako may claustrophobia na ako dahil naranasan ko nang makulong noon sa loob ng balon dahil sa kakulitan ko noong bata pa ako. Isang buong araw din akong umiiyak at hinanap ng mga magulang ko.
Tatlong babae ang nakasabay ko papasok ng elevator. Humabol pa si Nate na ngumiti nang makita ako.
“Bababa ka rin ba?” nakangiting tanong nito sa akin.
Marahan naman akong tumango. Mabait si Nate at mabilis ko siyang nakasundo. Nag-update na ako kay Angelo na si Nate ang tumutulong ngayon sa akin at wala pa itong reply ngayon. Tatlong oras na mula noong umalis ito at hanggang ngayon wala man lang itong text sa akin.
“Oo, pupunta ako sa office ng wedding and events. May ipinapagawa sa akin si Uncle Trex. Marami kasing ipini-print si Tine na mga wedding invitations at kailangan na raw iyon bukas.”
“Sige, tapos na rin naman ako sa trabaho ko kaya tutulong na ako sa iyo. Hindi na iyan sakop ng trabaho mo rito pero ipinapagawa pa rin sa iyo ni Sir Trex,” mahinang sabi nito sa akin upang hindi marinig ng mga kasama namin sa elevator.
Napabuga na lamang ako nang malalim. “Sabi mo pa. Salamat ha.”
Nararamdaman ko na gusto lang talaga akong pahirapan ni Uncle Trex. Ganito naman talaga kapag mayaman ang angkan ng mapapangasawa. Gusto siguro nilang makita kung ano ba talaga ang motibo ko para pakasalan si Angelo. Hindi ko inaalis sa isip ko na marahil dahil natatakot si Uncle Trex na pera lang ni Angelo ang habol ko.
Bigla akong nalungkot dahil sa iniisip ko.
Bumukas ang elevator at sinamahan ako ni Nate sa office ng wedding and events. Binati ko sila at ganoon din sila sa akin. Maaliwalas ang mukha ng mga staffs dito hindi katulad sa Team Love na para kaming binagsakan ng langit at lupa.
“Malaikah, bakit ka nandito?” nagtatakang tanong sa akin ni Ma’am Drei. Assistant ito ni Sir Trex kaya nag-iikot din ito sa lahat ng offices.
“Ma’am, inutusan ako ni Sir Trex na tulungan ko si Tine,” nakangiting sabi ko.
“Ako rin, Drei.” Itinaas ni Nate ang kamay nito. Nasa likuran ko si Nate at nagsi-cellphone.
“Nasa may production room si Tine, Malaikah,” sabi naman nito na mukhang nagulat din sa sinabi kong utos ni Uncle Trex.
“Salamat po, ma’am.” Nakangiting tinalikuran ko siya at sinundan ko naman si Nate. Itinuro nito sa akin ang production room. Nasa dulong bahagi iyon ng first floor. Pumasok kami ni Nate at nakita namin at dalawang printers na sabay-sabay na gumagana. May mahabang table kung saan naroon naman ang mga nakakahon na pang-give aways para sa wedding.
Mag-isa lamang ni Tine na naroon sa may production room. Chubby si Tine at nasa four feet ang height. Curly ang buhok nito na hanggang balikat, may hairband na kulay red at nakasuot ng peach na office attire. Nakaupo ito sa may puting lamesa at naabutan namin na sumisipsip ng juice.
“Tine, nandito kami ni Malaikah para tumulong,” ani Nate na tinungo na kaagad ang printer.
Nilapitan ko si Tine at inilahad ang kamay sa harapan nito. “Ako nga pala si Malaikah, ako ang pumalit pansamantala kay Angelo,” nakangiting pagpapakilala ko.
Tinignan niya ako mula ulo hanggang paa. Tinanggap nito ang kamay ko at nag-shake hands kami sandali.
“Ikaw iyong girlfriend ni Angelo?” nagtataka pang tanong nito sa akin.
“Fiancee ni Angelo, Tine,” pagtatama naman ni Nate dito.
Tumango lang si Tine. Pinagmamasdan lang niya ako at napapailing ito habang nakatingin sa akin.
“4 copies bawat isang invitation, Nate. At glossy paper ang gamit diyan. Iyong A4 na size hahatiin na lang natin pagkatapos nalalagyan ng white ribbon at perfume oil. Pagkatapos ipa-pack na para ready na bukas,” paliwanag ni Tine kay Nate.
Nakikinig naman ako habang nagsasalita si Tine. Marami pa itong ipri-print dahil sa nakita kong number kanina nasa one hundred pieces pa lang ang natatapos.
“Bonggang kasalanan ba ito? Ang dami naman yatang wedding invitation?” nagtatakang tanong ko.
“Anak ni Governor ang ikakasal, Malaikah. Iyong bagong Mayor ng San Luis. Mayaman ang pamilya no’n. At alam mo ba na sa Forevermore Grounds ang venue? Naroon nga ngayon sina River at Ryte dahil sila ang umaayos wedding place. Six months din ang preparation ng kasal nila.”
Grabe. Talagang pinaghandaan nga ang kasalan dahil bongga ang wedding venue.
Bigla tuloy akong nalungkot. Samantalang kami ni Angelo two months na lang ikakasal na kami pero hindi ko pa nagagawang umuwi sa amin para sabihin sa mga tiyahin ko na ikakasal na ako. Nangako sa akin si Angelo na uuwi kami ng Tarlac pero hindi iyon nangyari dahil busy na naman ito.
“Bigla kang natahimik, Malaikah.” Tinabig ni Tine ang braso ko. “Ano nga ba ang nickname mo? Ako kasi ang pangalan ko Kristine kaya Tine. Ikaw ba, Malaikah?”
Nginitian ko ito. “Aika, na lang Tine. Iyan talaga ang palayaw ko.”
“Sige, Aika. Mas okay iyan kaysa bigkasin ko pa buong pangalan mo.” Kinuha nito ang mga na-print na wedding invitations at dinala sa mahabang lamesa. Tinulungan ko si Tine sa ginagawa nito.
Isang oras ang lumipas, lunch time na.
“Aika, hindi ka pa ba kakain?” tanong sa akin ni Nate. Naunang nagpaalam sa amin si Tine kanina.
“Sige, mauna ka na, Nate. Ako muna ang bahala rito habang wala pa kayo. Hindi pa naman ako nagugutom.”
“Okay, sige. Hintayin mo na lang si Tine kapag nandito na siya kumain ka na rin, okay?”
Tinanguhan ko naman si Nate at inihatid ito ng tingin palabas ng pintuan.
Naiwan ako mag-isa sa production room. Umupo ako sa harap ng printer at nangalumbaba. Binasa ko ang wedding invitations. Thirty na pares ang mga Ninong at Ninang. At bigatin ang mga bisita dahil puro abogado at mga engineers.
Ilang minuto ako sa ganoong posisyon nang bumukas ang pinto. Inakala ko na dumating na si Tine kaya hindi na ako magdalawang-isip na lumingon dito.
Palapit na ito sa akin.
“Tine, ang bilis mo naman yatang kumain?” tanong ko rito na hindi tumitingin dito.
“Workaholic ka pala, Malaikah.”
Napapitlag ako sa boses ni Uncle Trex. Nilingon ko siya at nasagi ko ang upuan. Nawalan ako ng balanse.
Sinalo ako ni Uncle Trex. Hinawakan nito ang bewang ko at inalalayan ang aking batok.
Nakayuko ito sa akin habang naka-bend naman ako. Napakapit ako sa batok ni Uncle Trex at nagtama ang aming mga mata.
Dumako ang aking mga mata sa mga labi ni Uncle Trex. Ngunit mabilis kong binawi ang tingin ko at tumingin dito.
Nakatitig ito sa akin at nakatingin din ito sa aking mga labi.
Bumilis ang t***k ng puso ko at nanginig ang aking katawan.
“You’re trembling, Miss Ventura,” nakangiting sabi nito sa akin.
Sino ba naman ang hindi manginginig kung ganito ba naman ka-hot ang nakasalo sa akin?