Angelo‘s PoV
“Kanina pa ring nang ring ang cellphone mo, babe!” naiinis at naiiritang sabi ni Jaya sa akin. Kasama ko siya ngayon papuntang Cebu para magbakasyon sa probinsya nito.
Hindi totoo na sa Zambales ako pupunta para magpatayo ng negosyo. At ang business partner na sinasabi ko ay ang pinsan ni Jaya na si Lukan. Si Lukan ang may-ari ng motorshop sa Zambales, pinakiusapan ko lang siya na kapag nabanggit ako ni Tito Trex ay pagtakpan na lamang niya ako. Binigyan ko siya ng pera kapalit ng pagsunod nito sa gusto ko.
Si Malaikah ang tumawag at text nang text sa akin. Sinasabi nito ang nangyayari ngayon sa office. Ikinukuwento nito sa kanya ang ginagawa nito at ang product proposal na ginawa nito kasama ni Nate.
Masasabi ko na talagang loyal sa akin si Malaikah. Bigla akong nakonsensya sa ginagawa ko ngayon dahil nagsinungaling ako sa kanya. Hindi ko kasi kayang mahindian si Jaya dahil mahal ko siya at nasisiyahan ako sa ginagawa naming dalawa.
“Sa trabaho lang ito, babe.” Ini-off ko ang cellphone ko at inilagay sa bulsa ng travelling bag ko. Inakbayan ko si Jaya dahil patungo na kami sa bahay bakasyunan ng mga ito. Ilang linggo din kami rito Sahil kailangang asikasuhin ni Jaya ang burol ng namayapa nitong Ina. At dahil mahal ko siya ay ako ang gagastos ng lahat ng mga kailangan. Nakapag-withdraw na ako kanina ng two hundred thousand peos. Hindi ko akalain na nasa three million pala ang pera sa savings account na iniwan sa akin ng aking namayapang ama.
Hindi ko ipinaalam kay Jaya kung magkano ang laman ng savings account ko. Ayokong maubos lang iyon at baka pagalitan pa ako ng tiyuhin ko.
Wala akong dapat na ipag-alala kay Malaikah dahil naroon si Uncle Trex. Alam ko na hindi nito pababayaan ang kasintahan ko.
“Trabaho? Baka ang babaeng iyon na naman ang tumatawag at nagte-text sa iyo, babe. Nasa iyo na ang pera mo ‘di ba? Bakit hindi na lang tayo magpakasal dito? Magsama na lang tayong dalawa at huwag ka nang babalik sa Manila. Dito na lang tayong dalawa, babe,” malambing na sabi sa akin ni Jaya.
Gusto ko sana kaso hindi ko magawa. Para bang sinasabi ng isip ko na kailangan kong balikan si Malaikah at tuparin ang plano naming dalawa. Bigla tuloy akong naguguluhan ngayon.
“Hindi ka na umimik, babe?” may pagtatampong tanong ni Jaya sa akin na kinabig pa ang aking batok.
Nasa tapat na kami ng pinto ng vacation house. May kaya naman ang pamilya ni Jaya dito sa Cebu. May family business ang mga ito, nagpaparenta ng mga bangka para sa mga turista. Malapit lang kami sa dagat ng Talisay. At excited na rin ako mamaya na mag-dive at mag-surf. Lalo na’t nakikita ko na maraming magagandang pasyalan dito sa Cebu.
Binuksan ni Jaya ang pinto at saka nito ini-lock iyon. Ibinaba ko ang travelling bag ko sa gilid ng couch. Itinulak naman ako sa upuan ni Jaya.
Kumandong siya sa akin at ipinulupot ang braso sa aking batok.
“Babe, ako lang ba ang mahal mo o mahal mo na rin si Malaikah?” nagseselos na tanong nito sa akin.
Hinawakan ko ang bewang nito. Nakasuot lang ng strapless dress si Jaya na hanggang p’wetan nito ang haba. Backless ang likod ng dress nito at kitang-kita ang kaputian. Lalo na’t hulmang-hulma ang balakang. Nakikita din ang cleavage nito na tanging silicon br* lang ang ginamit.
“Sige na… dito na lang tayo mag-stay kapag nailibing na si Mama. Please, babe?” Pangungumbinsi pa nito sa akin. Hinapløs nito ang aking dibdib at inalis ang suot na polo t-shirt ko. Nang maalis nito ay sinimulan nitong halikan ang aking leeg habang hinahaplos ang aking dibdib.
“Babe… ituloy na natin iyong matagal na nating plano. Hayaan mo na ang tiyuhin mo na walang ginawa kun’di kontrolin ang buhay mo. Natatakot ako na kapag nalaman niya na ipinagpaoatuloy mo ang pakikipagrelasyon sa akin baka ilayo ka na naman niya sa akin ulit. Babe, hindi ko na kayang malayo sa iyo. Mahal na mahal kita.” Pinaglandas nito ang kamay patungo sa aking pagitan. Itinukod nito ang magkabilang hita sa couch at iniangat nito ang p’wetan. Inalis nito ang butones ng pants ko at ibinaba ang zipper ng pants ko. Iniangat ko naman ang aking p’wetan para tuluyan nitong maibaba iyon.
Bumaba si Jaya sa couch at inalis ang suot nitong pant*. ‘Tsaka muling umupo sa kandungan ko. Ipinasok nito sa basang lagusan ang aking kahabaan at nagsimula itong magtaas-baba sa kandungan ko.
Hinalikan ko ang mga labi ni Jaya habang patuloy ito sa paggalaw sa aking ibabaw.
“Babe… ohhh… maligaya ka naman sa kin, ‘di ba?” umuungol na tanong nito sa akin.
“Bi-Bigyan mo pa ako ng… ahhh… kaunting panahon… babe…” humihingal na sambit ko habang gumigiling ito sa aking ibabaw.
“Pagkatapos nito… pupunta na tayo sa burol ni Mama. Hindi ko lang mapigil ang sarili ko na magpa-angkin sa iyo babe. Alam mo naman na kapag magkasama tayo dalawa sobra akong nanabik sa iyo… sa haplos mo at sa yakap mo. Mabuti na lang pumayag ka na sumama sa akin.”
Inalis ko ang pagkakabuhol ng tali ng dress ni Jaya sa batok nito at saka ko tinanggal ang silicon br* na suot nito. Sinalo ng aking dila ang malulusog na dibdib ng dalagang katalik ko.
Huminto ako sa pagdila sa dibdib nito at tumingin sa mga mata ni Jaya. “Alam mo naman na noon pa lang… kinababaliwan na kita, babe.”
Himagikhik si Jaya at mas lalo lamang nitong pinatirik ang aking mga mata. Enjoy na enjoy ako sa ginagawa nito sa akin at nakakalimutan ko na engaged na ako at may babaeng naghihintay sa pagbabalik ko.
HAPON na nang magtungo kami ni Jaya sa bahay ng Mama nito kung saan ito nakaburol. Kilala ako ng mga kapatid ni Jaya at masaya sila na makita ako.
Habang nakikipag-usap si Jaya sa mga pinsan at kamag-anak nito ay lumabas ako ng bahay upang buksan ang aking cellphone.
Pumasok ang sampung text messages ni Malaikah.
Isa-isa kong binasa iyon na may ngiti sa aking mga labi.
“Babe… hindi ko na talaga matagalan ang ugali ng tiyuhin mo. Grabe siya sa akin, babe. Hanggang kailan ka ba diyan sa Zambales? Ano ang address mo at dadalaw ako kapag hindi na busy dito sa office. Isang araw pa lang tayong hindi magkasama pero miss na miss na kita. Mag-isa ako ngayon dito sa apartment, walang kausap, at walang kasama. Noodles nga lang ang kinain ko dahil wala kang tagapagluto ko. Babe, I miss you so much. I love you so much.” Nakangiti ako habang binabasa ang long sweet message nito sa akin.
Isang taon kaming magkasintahan ni Malaikah at itinuring na best friend ang isa’t isa. Ngunit nangako ako na hindi ko siya gagalawin alang-alang sa pangako nito sa namayapang Lola. At iyon ang isang bagay na hindi ko kayang tiisin bilang isang lalaki.
Sabik akong maangkin si Malaikah ngunit… kailangan kong mapanindigan ang pagiging gentleman ko kapag kami ang magkasama. Minahal niya ako dahil doon kaya dapat lang na hindi ko baguhin ang nakasanayan nitong ugali ko.
Imbes na sumagot sa text ni Malaikah ay tinawagan ko na lang ang aking Uncle Trex.
Ilang minuto ang lumipas bago nito sagutin ang tawag ko. Next Sunday ang plano namin ni dumalaw sa Tarlac para pormal na imbitahin ang tiyahin ni Malaikah. At hindi ako makakauwi dahil nandito ako sa Cebu kasama ni Jaya.
“Angelo, kumusta ang business partnership?” pagbungad na tanong ni Uncle Trex sa akin.
“Sobrang busy ko ngayon, uncle. Ahmmm, p’wede bang humingi ng favor?”
Sandali itong natahimik sa kabilang linya bago sumagot. “Yes, sure. Ano ba iyon, Angelo?”
“Next Sunday kasi uuwi sa Tarlac si Malaikah. P’wede mo ba siyang samahan, uncle… p’wede mo ba iyong gawin para sa akin?” Nakapameywang pa ako habang kausap ito.
“O-Okay… pero kailangan pa rin na ikaw ang pormal na mag-imbita sa in laws mo, okay? Uuwi din ako sa Tarlac para bisitahin sina Mom at Dad. Kailangan ko kasing ipapirma iyong mga papers na kailangan para sa renewal ng mga business permits.”
“Thanks, Uncle Trex. Ikaw talaga ang saviour ko,” natutuwang sabi ko pa rito.
“Okay lang iyon. Mag-iiingat ka diyan at huwag mong pabayaan ang sarili mo. Kapag may nangyari tawagan mo lang ako, okay?”
Ngumiti ako nang malapad habang kausap ito sa kabilang linya. “Yes, Uncle Trex. Thanks. Take care too.”
Tinapos ko na ang aming pag-uusap. Nilingon ko si Jaya na nakikipag-usap sa nakakatandang kapatid nito na babae.
Ini-off ko muli ang cellphone ko at inilagay sa aking bulsa bago lumapit kay Jaya.
“I’m so sorry, Malaikah. Babawi na lang ako sa iyo kapag nakapagdesisyon na ako kung dapat pa ba nating ituloy ang kasal natin o hindi na,” malungkot na sambit ko sa kawalan.