Kabanata 13

1134 Words
Malaikah’s PoV NAKATINGIN ako sa kisame habang nakahiga ako sa kama namin ni Angelo. Mula kaninang umaga hanggang ngayon ay wala pa rin siyang paramdam sa akin. Hindi ito online sa social media account nito at naka-off pa ang cellphone. Hindi ko naman alam kung sino ang dapat kong lapitan para magtanong kung nasaan ito ngayon sa Zambales. Ayoko naman na istorbohin si Uncle Trex. Pagkatapos ng nangyari kaninang tanghali sa production room pakiramdam ko nawala ako sa aking sarili. Hanggang ngayon nararamdaman ko pa rin ang init ng mga palad nito sa aking balat. Muntik na niya akong mahalikan kanina mabuti na lang kusa din itong umatras. Ipinikit ko ang aking mga mata. Mukha ni Uncle Trex ang aking nakikita. Ang malapad nitong balikat, ang maugat nitong kamay, at ang magandang hubog ng mukha nito, ang matangos na ilong, malamlam na mga mata at katamtamang kapal ng mga kilay. Mas lalo akong napapikit nang maalala ang mga labi nito… at ang mga labi na iyon na muntik nang dumampi sa aking mga labi. Umiling ako nang mabilis at niyakap ang unan ni Angelo sa aking tabi. Hindi ko ito dapat na maramdaman. Naa-attract ako kay Uncle Trex at hindi ko mapigilan. Simula noong araw na magkita kaming dalawa hindi na lang pagkainis at pagkaasar ang nararamdaman ko rito kun’di… mas nagiging mabilis na ang pagtibok ng aking puso. Hindi ko pa nakukuha ang kuwintas ko kay Uncle Trex at hindi ko alam kung paano ko iyon makukuha dito. Ayoko naman na pumunta sa bahay nito dahil baka pag-isipan lang ako ng masama ng mga kasama nito sa bahay. Bumuga ako nang malalim at muling nagmulat ng mga mata. Next Sunday uuwi ako sa amin para kausapin ang aking Tita Lella, at hindi ko pa alam kung masasamahan ba ako ni Angelo o ako lang talaga ang mag-isang pupunta. Sigurado ako na masesermunan ako ni Tita Lella kapag wala si Angelo. Nangako pa naman ako sa kanya na sabay kaming uuwi para na rin personal na makilala ng mga ito ang nobyo ko. Muli kong tinawagan si Angelo pero out of coverage area nag cellphone nito. Minsan gusto kong sisihin ang sarili ko dahil masiyado akong maluwag sa aming relasyon ni Angelo. Sobra akong magtiwala dahil mahal na mahal ko siya o talagang ganito lang ako dahil naging magkaibigan kaming dalawa bago ko pa man siya sagutin? Hindi ko namalayan na nakatulog ako sa dami ng aking iniisip. KINABUKASAN maaga akong gumayak dahil papasok na naman ako sa office. Gray na skirt ang suot ko at strapless white top na satin. Itinack-in ko iyon sa skirt na suot ko at saka ko pinatungan ng blazer ko. Tumingin ako sa sarili ko sa salamin at saka naglagay ng light na make up pati na rin lipstick . Inayos ko ang silicon br* na suot ko at saka muling tinignan ang aking sarili sa salamin. Ipinusod ko ang aking lampas balikat na buhok at saka nag-spray ng pabango sa aking leeg, batok at bandang dibdib. Kinuha ko ang hand bag ko at saka laptop. Magko-commute pa ako ngayon patungo sa Makati. Bago ako lumabas ng apartment siniguro ko muna na wala akong nakalimutan. Gusto ko kasing malinis nag bahay, walang kalat bago ko iwan. Ganoon ako ka-OZ pagdating sa apartment namin ni Angelo. Pagbaba ko ng elevator sa first floor ay nakita ko si Uncle Trex. Nakasandal ito sa may labas ng apartment building namin at mukhang may hinihintay. Nakapamulsa ang mga kamay nito sa suot na gray pants. Nakasampay sa balikat ang suit nito na kulay black at kumikinang ang black shoes nitong suot. Malayo pa lang ako ay naamoy ko na ang mabango nitong pabango. Halos lahat ng mga kababaihan sa building ng apartment namin ay nakatingin kay Uncle Trex. May iba pa na kumukuha ng picture dito na napagkamalan itong artista. Malapit na ako sa kanya nang magsalita ito. “Sumabay ka na sa akin, Malaikah. Ayoko naman na mahirapan ka pa na mag-commute. Ibinilin ka sa akin ni Angelo kaya ako nandito,” seryosong sabi nito sa akin. “Na-Nagkausap kayo ni Angelo, sir?” Tumango naman ito sa akin. “Matatagalan pa siya bago bumalik. At sinabi niya rin na samahan kita sa Sunday. Ayoko sana kaso mapilit si Angelo kaya pumayag na ako. Uuwi din kasi ako sa parents ko,” pagpapatuloy nito. Nakatingin si Uncle Trex sa akin at dumako ang tingin nito sa aking dibdib. Bigla akong napatakip sa aking dibdib. Masama ko siyang tinignan. May dinukot ito sa bulsa at ipinakita nito ang aking kuwintas. “Heto, huwag mo na ulit iwawala dahil mahirap palitan ang isang bagay na importante sa iyo kapag nawala na ito,” makahulugang sabi nito bago ako talikuran. “Lumakad ka na at aalis na tayo,” muling sabi nito bago magpatuloy sa paglalakad. Napailing na lamang ako. Inilagay ko sa bulsa ng aking suot na blazer ang kuwintas ko. Mamaya ko na lang iyon isusuot kapag nasa kotse na ako ni Uncle Trex. Binuksan nito ang pinto ng driver‘s seat. Pumasok si Uncle Trex sa loob. Binuksan ko naman ang pinto sa likod ng sasakyan nito pero masama niya akong nilingon. “Malaikah, gusto mo bang magmukha akong driver mo?” nakasalubong ang kilay na tanong nito. Nahihiya na isinara ko iyon at binuksan ang pinto sa tabi ng driver’s seat. Inayos ko ang aking gamit sa kandungan ko at saka ko inilagay ang seatbelt. Bumibilis ang t***k ng aking puso kapag malapit kami ni Uncle Trex sa isa’t isa. Pinaandar naman nito ang sasakyan nang makasakay na ako. Habang tumatakbo ang kotse inilalagay ko ang kuwintas ko. Biglang tumigil ang sasakyan nito sa gilid ng daan at binalingan ako. Nakita kasi nito na nahihirapan ako na isuot iyon. “Akin na… tumalikod ka at ilalagay ko,” maawtoridad na sabi nito sa akin. Sumunod ako sa utos nito. Hinawi ko ang aking buhok na nakasayad sa aking batok. Habang inilalagay ni Uncle Trex ang aking kuwintas sa leeg ko ay napadikit ang kamay nito sa aking leeg. Gumapang ang init sa aking katawan. Hindi ko alam kung bakit ganoon na lamang ang reaksiyon ng katawan ko kapag madidikit ako sa kanya. “Okay na…” mahinang sabi pa nito. Mainit ang pagbuga nito ng hangin sa aking batok. “Than---” Sa aking paglingon hindi ko inakalang kaunti lang ang distansiya ng mga mukha naming dalawa. Nagkadikit ang aming mga labi at nagulat din ito. Mabilis na umatras si Uncle Trex at napatalikod naman ako. Ipinagpatuloy nito ang pagmamaneho ng sasakyan. Narinig ko na lang ang pagbuga nito ng hangin. Kinagat ko naman ang aking ibabang labi. Hindi ko alam kung paano ko pa ito kakausapin o haharapin. Pakiramdam ko… sasabog ang puso ko at hindi ako makahinga.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD