Malaikah’s PoV
Pagdating namin sa office ni Uncle Trex ay hindi na niya ako pinansin. Kanina pagbaba ko sa sasakyan nito ay wala siyang sinabi sa akin. Nauna rin itong pumasok sa loob ng building at iniwan ako.
Hanggang ngayon mabilis pa rin ang pagtibok ng puso ko.
“Malaikah… enhale… exhale… iyong kanina wala iyon, okay?” mahinang sermon ko sa aking sarili habang patungo ako sa office ng Team Love.
“Good morning, Aika!” pagbati sa akin ni Nate. Hindi ko namalayan na nakasabay pala ito sa akin at siya pang nagbukas ng glass door ng office namin.
“Good morning din. Salamat, Nate.” Matipid ko itong nginitian bago ako magtungo sa table ko.
“Okay ka lang ba, Aika? Kanina kasi para kang nakakita ng multo at para bang namumutla ka rin. May nangyari ba sa iyo na hindi maganda?”
Masasabi ko ba na hindi maganda ang nangyari kanina?
Bumuga ako nang malalim at muling ngumiti dito. “Okay lang ako, Nate. Salamat sa pag-aalala sa akin.” Hinila ko ang aking upuan at nagsimula nang buksan ang computer sa aking harapan. Inayos ko rin ang mga folder na nasa lamesa ko. Tambak pala ako ngayon sa gawain at mukhang aabutin pa yata ako ng gabi dito sa office. Lahat kasi ng product reviews and plan kailangan bukas.
Napahawak ako sa aking sintido. Nilingon ko si Nate sa likod ko at busy rin ito ngayon. Maraming nakatambak na papers sa mga table namin. Tumingin ako sa calendar na nasa may announcement board.
February 5 nga pala ngayon kaya naman maraming trabaho dahil next week valentine’s day na. Naitapat pa naman na sa Sunday ay valentine’s day. Naalala ko ang sinabi kanina ni Uncle Trex. Sasamahan niya ako next sunday dahil iyon ang pakiusap ni Angelo. Mas lalo kong nati-tense dahil hindi ordinaryong araw iyon.
Bigla akong nakaramdam ng inis sa nobyo ko. Hindi niya ako tinatawagan o tini-text man lang pagkatapos ipinaubaya pa ako sa masungit na uncle nito.
Napabuga ako ng hangin at sineryoso na lamang ang aking trabaho. Mayamaya pa nangalay na ako at isinandal ko sandali ang aking likuran sa likod ng office chair ko.
“Aika, p’wede bang makahingi ng favor? Pakipuntahan mo naman si Drei. Nagloloko itong computer ko, kailangan ko ng IT ngayon,” malungkot na sabi nito.
Kanina pa nga blink nang blink ang computer nito.
“Okay sige tutal tapos na ako sa isang proposal na ginagawa ko. PH Refillers na naman ang hawak ko ngayon kaya nagagamay ko na ang produkto. Sandali lang at pupuntahan ko si Ma’am Drei.”
“Thank you, Aika!” Nginitian ako ni Nate at lumabas ang naka-brace nitong mga ngipin.
Inalis ko ang blazer na suot ko at inilagay iyon sa likod ng upuan ko. Lumabas ako sa office at nagtungo sa may elevator. Pupuntahan ko si Ma’am Drei na ansa first floor.
Nasa harapan na ako ng elevator nang bumukas iyon at bumungad sa akin ang seryosong mukha ni Uncle Trex.
Tumingin siya sa akin at nagkatitigan kaming dalawa. Napatingin pa ako sa mga labi nito na nadampian ko ng halik kanina.
“Tatayo ka lang ba riyan at hindi ka papasok, Miss Ventura?” seryosong tanong nito sa akin.
Luminga ako sa aking paligid at wala akong makakasabay. Talagang si Uncle Trex lang ang laman ng elevator.
Nagdalawang-isip ako kung sasabay ba ako o hindi. Ngunit ano naman ang maidadahilan ko kung sakali?
“Miss Ventura?” muling untag nito sa akin.
Mabilis akong pumasok sa elevator at tumayo sa likuran nito.
Hanggang dibdib lang ako ng Uncle Trex. Nasa 6 feet ang taas nito at may malaki pang pangangatawan na alagang-alaga sa gym.
Pinindot nito ang tenth floor at saka ako nilingon. “Saang floor ka?”
“Sa ground floor, kailangan ko kasing puntahan si Ma’am Drei, sir.” Kinagat ko ang aking ibabang labi at yumuko pagkatapos makipag-usap dito.
Pinindot naman nito ang seventh floor at saka ipinamulsa muli ang isang kamay sa pants. Tumingin din ito sa wrist watch na suot.
“Kapag ganitong oras na break time… naroon si Drei sa office ng mga call center agents.”
“O-Okay po, sir.” Nakayuko pa rin ako sa likuran nito.
“Huwag mo nang bigyan ng malisya iyong nangyari kanina sa kotse. Hindi mo naman iyon sinasaadya at hindi rin natin ginusto. Malaikah, ayokong makarating kay---”
Napahinto ito sa pagsasalita nang biglang mag-black out sa loob ng elevator. Huminto ang elevator na para bang babagsak ito.
Napakapit ako nang husto sa braso ni Uncle Trex. Hindi ko mapigilan ang aking sarili na umiyak.
“Hey, baka nawalan lang ng current. Huwag kang umiyak dahil hindi pa katapusan ng---”
“Ayoko rito… ilabas mo ako!” Umiiyak na pakiusap ko. “Please… hindi ako makahinga natatakot ako…” humihikbing sambit ko habang inaalog pa ang braso nito.
Naramdaman ko ang kamay nito na yumakap sa akin. Inilabas din nito ang cellphone at ini-on ang flash light no’n. Tumingin sa aking mga mata si Uncle Trex at pinahid ang luha na lumandas sa aking magkabilang pisngi.
“Calm yourself, okay. Hindi pa katapusan ng mundo kaya huwag kang umiyak. Makakalabas din tayo rito.”
Nanghihina ako na napaupo sa gilid ng elevator. Muli akong umiyak nang malakas na mistulang isang bata na takot na takot. Nanginginig ang aking buong katawan at sobrang bilis pa ng pagtibok ng aking puso.
“Malaikah…” Kinabig ni Uncle Trex ang balikat ko at umiyak ako sa balikat nito.
“Natatakot ako… paano kung bumagsak itong elevator, pagtapos madanagan tayo nitong building, ma-stock tayo sa ilalim ng lupa," hysterical kong sabi rito.
Narinig ko ang mahinang pagtawa ni Uncle Trex.
“Matibay itong building at hindi ito ganoon kadaling masira. May technical problem lang siguro kaya ganito itong elevator. Huwag ka ng umiyak, okay? Hindi ka pa dito m*matay at huwag kang matakot dahil kasama mo ako."
Hindi na lang ako nagsalita at ipinikit ang aking mga mata. Bumuga ako nang malalim at muling idinilat ang aking mga mata habang pinapahid ang aking mga luha sa pisngi.
“Heto.” Inabot nito sa akin ang panyo nito. Tinanggap ko iyon at ginamit para punasan ang luha at sipon ko.
Binalingan ko si Uncle Trex.
Umupo sa ito sa aking tabi. Inilapag nito ang hawak na cellphone sa sahig ng elevator at saka inalis ang suit nito na suot. Inalis din nito ang kurbata at saka binuksan ang dalawang b*tunes ng suot nitong puting long sleeves.
Nilingon naman niya ako na nagpapahid ng sipon.
"Tahan na... everything will be fine."
Hinawakan pa nito ang bumbunan ko. Ginawa pa talaga niya akong bata.
“Nag-text na ako sa maintainance team. Sigurado ako na gumagawa na sila ng paraan para makalabas tayo rito. Gusto kong malaman kung bakit ka takot na takot? Alam mo may kaibigan din ako na palaging takot sumakay ng elevator noon dahil may claustrophobia. Same kayo ng situation... ganyan na ganyan din siya.”
Babae ba ang tinutukoy nito na kaibigan?
“Sir, noong bata pa kasi ako, nahulog ako sa malalim na balon at buong araw ako na na-stock doon. Mabuti na lang walang tubig iyong balon pero maraming palaka. Sigaw ako nang sigaw pero walang nakakarinig sa akin. After 24 hours nakita din ako nila Mama. At simula no’n takot na akong mag-isa,” pagkukuwento mo rito.
“Malikot ka siguro noong bata ka kaya ka nahulog sa balon.”
Natawa ako sa sinabi nito. Gumaan ang bigat na nararamdaman ko ngayon. Pakiramdam ko nawala ang takot ko dahil sa pagbibiro ni Uncle Trex.
“Alam ba ni Angelo na may phobia ka sa elevator at sa mga madidilim na lugar?”
Umiling ako sa tanong nitong iyon. Nahihiya akong sabihin iyon kay Angelo dahil baka sabihin nito na napakaarte ko.
“Sekreto mo pala iyan na dapat kong ingatan, Miss Ventura. Hayaan mo wala akong pagsasabihan na kahit kanino. Hindi ko sasabihin na inisip mong babagsak itong elevator na kasama ako.”
Natawa ako sa sinabi nito. “Salamat, sir.” Tumingin ako sa kanya at nilingon naman niya ako. Naghinang ang aming mga mata at nangusap. Sabay kaming napatingin sa labi ng isa’t isa.
Inilapit nito ang mukha sa mukha ko at ipinikit ko naman ang aking mga mata. Akala ko hahalikan niya ako ngunit nagkamali ako.
Narinig ko na bumuga ito nang malalim. Mayamaya pa ay bumukas na ang elevator. Tumayo si Uncle Trex at dinampot ang suit at cellphone nito sa sahig.
“Sir?!” Bulalas ni Drei nang makita kami nito, kasama nito si Tine.
Tumayo naman ako at inalalayan ako ni Tine. Nagtataka pa ito na tumingin sa akin dahil magulo ang buhok ko ay sumisinghot pa ako.
Naglakad palayo si Uncle Trex na sinundan naman ni Drei.
“Aika, okay ka lang ba? Tinakot ka ba ni Sir Trex kaya ka umiiyak?” nag-aalalang tanong nito sa akin.
“Wala naman akong kasalanan sa kanya Tine." Hindi ko alam kung bakit iyon ang nasabi ko. P'wede ko namang sabihin dito na okay lang ako at walang ginawa sa akin si Uncle Trex.
“Naku, kanina pa nga mainit ang ulo niya. May trabaho na naman kasi na pumalpak na hawak ni Ma'am Shaney. Pagpasensyahan mo na lang ang boss natin, Aika. Ang ugali niya kasi parang weather natin… hindi mo maipaliwanag.”
Hindi na ako kumibo.
Ngunit kanina, naramdaman ko na nag-alala siya sa akin. Pinagaan niya ang loob ko at inalis ang takot na nararamdaman ko.
Mahigpit kong hinawakan ang mabangong panyo ni Uncle Trex.
Nararamdaman ko na hindi talaga siya kasing sama ng iniisip ko. Nagkamali lang ako ng pagkilala sa kanya.