Kabanata 15

1487 Words
Malaikah’s PoV SINUNDAN namin ni Tine sina Uncle Trex at Drei. Hindi ko pa kasi nasabi rito ang ipinasasabi ni Nate. Nandito kami ngayon sa second floor kung saan ang opisina ni Uncle Trex. Habang nasa labas kami ni Tine ay naririnig ko na ang galit na galit na boses ni Uncle Trex. Malakas, at nakakapangilabot. Grabe naman pala talaga ito kung magalit. “Paulit-ulit na lang tayo, Drei! Naiinis na ako ngayon! Hindi na ito tungkol sa pera kun’di sa dignidad ng negosyo ko. Isang costumer ang bigla na lang nag-back out kung kailan finalize na ninyo iyong event! At ang nakakainis pa ay loyal costumer na natin si Misis Feliza, ilang events na niya ang hinawakan natin pero ngayon lang siya nag-back out.” Narinig ko may ibinagsak si Uncle Trex sa loob ng office nito. Nagkatinginan kami ni Tine at mabilis na sumilip sa nakauwang na pinto. “Umalis nga kayo diyan!” mataray na sabi sa amin ng secretary ni Uncle Trex na si Shaney. Lumuluwa ang dibdib nito dahil sa suot na mababang neck line ng fitted v-neck nitong damit. Tumabi kami ni Tine at pumasok si Shaney sa loob. Narinig ko ang malakas na pagmumura ni Uncle Trex nang pumasok si Shaney. “Aminin mo nga ngayon, Shaney! Hindi ba alam ni Drei ang nangyayari!” galit na galit na sabi ni Uncle Trex. Naririnig ko ang paghikbi ni Drei. “Sir, nakalimutan ko kasi na ibigay sa inyo iyong suggestion ni Misis Feliza na gusto niyang baguhin iyong date ng event. Ang sabi ko kasi dapat final na iyong date no’n at hindi na natin p’wedeng i-atras. Nagalit siya sa akin kaya siya nag-back out. Hindi kami ang may kasalanan dito kun’di ang matandang iyon,” pagpipilitan pa ni Shaney. “Ikaw ba ang boss dito, ha? Bakit ikaw nag nagdedesisyon?!” sigaw ni Uncle Trex dito. “Pero---” “Tumalbog iyong cheque na ibinayad ni Mister Lovito, at kahit na alam mong hindi p’wede ipinilit mo pa rin. At hanggang ngayon walang Mister Lovito ang nagpapakita sa atin, Shaney! Sabihin mo nga sa akin kung paano nangyari ang lahat ng ito?” “Trex, huwag mo naman sana akong pag-isipan ng masama. Wala akong ginagawa at nagtratrabaho lang ako ng maayos.” Base sa palitan ng pag-uusap mukhang may something ang dalawa. Ang boss at ang secretary nito. “Nakapag-decide na ako at kailangan mong tanggapin na aalis ka na ngayon din bilang secretary ko! Tapos na ang trabaho mo rito at hindi na magbabago pa ang isip ko!” “Sir, huwag mo naman itong gawin sa akin. Babawi naman kami sa---” “Get out, Shaney! Malinaw ang sinabi ko sa iyo na umalis ka na! Kunin mo na ang lahat ng gamit mo dahil tinatanggal na kita bilang secretary at financial advisor ko. Si Drei na ang bahalang gumawa ng paraan sa problema na iniwan mo! Tapos na ako sa iyo, Shaney kaya umalis ka na! Get lost!” sigaw pa ni Uncle Trex dito. “Halika na, Aika. Baka makita pa tayo ni Sir Trex dito at pati tayo sisantehin niya. Kasalanan ni Miss Shaney ang lahat ng ito, e. Porket siya ang close ni Sir Trex.” Kumunot naman ang noo ko sa sinabi nito. “Ka-close… ibig mong sabihin may something sila ni Un--- I mean ni Sir Trex?” Bumuga nang malalim si Tine. “What I mean is…” Lumapit ito sa akin at hinawakan ang braso ko. “Yes, may relasyon silang dalawa ni Sir Trex. Iyon ang usap-usapan dito dahil madalas silang mag-out of town o kaya naman palagi silang magkasama na mag-travel abroad at sabay din na umuuwi. Ibinibida pa ni Shaney ang mga gamit na binibili ni Sir Trex sa kanya.” Hindi ko alam kung bakit bigla akong nalungkot sa sinabi ni Tine. May bahagi ng puso ko ang nasaktan. Naglakad kami palayo sa office ni Uncle Trex. Ginamit namin ang isa pang elevator na nasa left side at bumalik na ako sa third floor kung saan naroon ang office namin. Sinamahan ako ni Tine dahil nasabi ko sa kanya na may phobia ako sa elevator kapag mag-isa lang ako na sumasakay doon. Sinalubong ako ni Nate ng may malapad na ngiti sa mga labi. “Aika, okay na rin itong computer ko.” “Mabuti naman at okay na.” Pinilit kong ngumiti at saka umupo sa may office chair ko. Malungkot akong bumuga nang malalim at inisip si Ma’am Drei. Gusto kong tulungan ito pero paano ko naman iyon gagawin? Wala naman akong kinalaman sa trabaho nito bilang wedding organizer. Hindi na tuloy ako makapag-concentrate sa aking trabaho. Idagdag pa na nasa isip ko ang nangyari sa amin kanina ni Uncle Trex sa elevator. LUNCH time at pinili kong magtungo sa cafeteria sa first floor ng building. Kinuha ko ang cellphone ko at tinawagan si Angelo pero hanggang ngayon hindi ko pa rin siya makontak. Gusto ko sanang sabihin dito na mag-isa na lang akong pupunta sa amin sa Tarlac. Ayokong maabala si Uncle Trex na sobrang stress ngayon sa negosyo nito. Serve your own ang patakaran sa cafeteria. Nakalatag ang mga pagkain sa mahabang table. Kumuha ako ng ulam na chopsuey at saka isang fried chicken. Kumuha na rin ako ng isang slice na pakwan at inilagay iyon sa aking tray. Bawat isang empleyado may kanya-kanyanh hawak na tray. Naroon na ang plato, kutsara at tinidor pati na rin ang isang mangkok na lagayan ng appetizer. Kumuha ako ng bottled water at saka nagtungo sa bakanteng lamesa. Ibinaba ko ang tray na hawak ko at saka umupo para magsimulang kumain. Hindi ko inaasahan na uupo sa tapat ko sina Ma’am Drei at si Tella. Mukhang kakagaling lamang sa pag-iyak si Ma’am Drei dahil nabura ang make up nito. Nahihiya naman akong magsalita kaya nagpatuloy na lang ako sa aking pagkain. “Dapat lang talaga sa Shaney na iyon ang matanggal sa trabaho. Nadadamay ka pa sa mga kapalpakan niya. Siya ang may hawak ng mga schedules ni Sir Trex. Nasa kanya din ang mga listahan ng mga events na paparating. Hindi ko naman alam na iyong ini-approve natin hindi pala niya ipinasa kay Sir Trex. Tayo pa ngayon ang lumabas na may kasalanan,” nagngingitngit na sabi ni Tella. Mahigpit ang hawak nito sa tinidor. “Bruha kasi ang babaeng iyon! Porket may relasyon sila ni Sir Trex, pakiramdam niya boss na rin siya! Naiinis ako! Ang sarap niyang sakaling sa pelvic bones!” Natawa ako sa huling sinabi nito. Ngunjt nanatili lang akong nakayuko at ipinagpatuloy ang pagkain. “Wala na si Shaney at ikaw na ang papalit sa position na iniwan niya. Humanda ka lang,” may kasungitan na sabi nito. Napaangat ako ng ulo at tumingin dito. Nakairap ito sa akin at mukhang hindi talaga niya ako gusto. Nginitian naman ako ni Tella. “Huwag mong pansinin si Drei at nagtatampo lang. Si Angelo naman talaga ang papalit sa puwesto ni Shaney kaso wala siya kaya ikaw na muna ang bahala. Kapag nasabihan ka na ni Sir Trex kailangan mong maging ready. Araw-araw mong makikita at maririnig kung paano siya magalit. Magkaroon ka ng matinding trauma… sigurado iyon,” pananakot pa sa akin ni Tella. “Ma-Ma’am Drei…” Siniko ni Tella ang kaibigan nito. “Ma’am pa pala ang tawag mo rito sa baklang ‘to. Drei, lang ang itawag mo sa kanya. Kapag narinig pa iyan ni Angelo baka pagalitan pa niya kami. Baka isipin niya na inaapi namin ang fiancee niya.” “Tama si Tella, Miss Ventura. Drei na lang ang itawag mo sa akin.” Nangalumbaba ito sa lamesa at tumingin sa akin. “Bakit nga pala kayo magkasama ni Sir Trex kanina sa loob ng na-stock na elevator?” “Na-Nagkataon lang po. Papunta na sana ako rito sa first floor dahil hinahanap ko kayo nagloloko kasi ang computer ni Nate kaya naman inutusan niya ako para magpatawag kayo ng IT. Pagkatapos, nakasabay ko sa elevator si Sir Trex, at sabi niya nasa seventh floor daw kayo tuwing break time. Biglang na-stock iyong elevator kaya magkasama po kami,” nakayukong pagpapaliwanag ko. “Mag-iingat ka kay Sir Trex dahil marami na siyang napaibig na empleyado. Huwag kang padadala sa mga matatamis niyang salita,” bulong sa akin ni Tella. “Matagal na ako rito kaya kabisado ko na.” Kumagat ito ng isang slice na pakwan pagkatapos magsalita. Nakinig ako rito at bigla akong kinabahan. Paano kung kaya lang mabait sa akin si Uncle Trex dahil may binabalak siya sa akin? Paano kung kaya niya gustong makipaglapit sa akin dahil may plinaplano siyang masama? Kailangan kong idistansya ang aking sarili kay Uncle Trex baka ito pa ang maging dahilan kung bakit kami magkakasira ni Angelo. Napailing ako at nawalan ng ganang kumain ng tanghalian. Kung ano-ano na kasi ang pumasok sa isip ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD