Trex's PoV
Palihim kong pinagmamasdan si Malaikah mula sa may bar area na kinaroroonan ko. Kasama nito ang boyfriend na si Angelo habang nakaupo sa couch. Magkatabi ang dalawa habang nakatingin sa Ipad ko na hawak ni Malaikah. Napailing na lamang ako habang nakatingin sa babae dahil hindi nito magawang tumingin sa akin kanina. Pakiramdam ko iniiwasan niya ako o naiilang lang siya sa akin.
Fifteen years ang agwat ng edad ko sa kanila, thirty eight years old na ako at parehong twenty three years old naman ang mga ito. Hindi ako tutol sa pagpapakasal ng pamangkin ko dahil alam kong mahal na mahal niya si Malaikah. Ang hindi ko lang maintindihan ay itong nararamdaman ko para sa dalaga.
Kumuha ako ng isang brandy na galing pa sa France Nagpakuha ako ng square shot glass at ice cubes sa kasambahay ko na si Aling Wes. Siya lamang ang kasama ko rito sa bahay ang asawa nito na si Mang Sendo. Tuwing weekends may naglilinis dito sa buong bahay ko at naglalaba na rin. Walang ginagawa si Aling Wes kun'di pagsilbihan lang ako sa mga kailangan ko. Madalang din naman ako dito sa bahay dahil palagi akong nasa company building ko at may pinagawa na rin akong penthouse ko sa pinakataas ng building.
Binalikan ko ang magkasintahan na dala ang brandy na ipapatikim ko kay Angelo at ang wine na para naman kay Malaikah.
Umupo ako sa right side ng couch at nagsimulang salinan ang mga baso. Pati na rin ang wine glass na para kay Malaikah.
"Kasama iyan sa wedding preparations. Gusto kong ipatikim sa inyo ang mga ise-serve na alak sa mga guest during the reception. At may ipinagawa akong menu sa staff ko na nariyan na sa Ipad," pagpapaliwanag ko sa mga ito.
"Uncle Trex, baka naman hindi kayanin ng budget ko," nahihiyang sabi ni Angelo sa akin.
Nginitian ko siya at ibinigay dito ang shot glass na hawak ko. "No need to worry, Angelo. Ako na ang bahala sa ibang mga gastos, itinuring na kita na parang anak ko."
Binalingan ko si Malaikah na tila nahihiya pa rin sa akin.
"Pamilya na tayo ngayon kaya ang gusto ko sana walang ilangan sa pagitan nating tatlo. Gusto kong maging masaya kayo sa araw ng kasal ninyong dalawa."
"Salamat, Uncle Trex!" Bulalas ni Angelo at mabilis na lumipat sa aking tabi para akbayan ako.
"You're welcome!" Malapad akong ngumiti sa aking pamangkin.
Ininom kaagad ni Malaikah ang wine nang iabot ko iyon sa kanya. Mukhang hindi ito sanay kaya naman bigla itong nasamid at mabilis naman na nilapitan ni Angelo.
"Babe, okay ka lang ba?" nag-aalalang tanong ng pamangkin ko rito.
Nabasa ang bestida na suot ni Malaikah sa tapat ng dibdib nito. Napatayo ang dalaga at kaagad naman na kumuha ng tissue si Angelo para iabot sa kasintahan nito.
"Okay ka lang ba, Malaikah?" pakikisimpatyang tanong ko naman at saka tumayo na rin.
Nilingon ako nito at mabilis na tumango. "Oo, sorry."
"It's okay. Ang mabuti pa pupuntahan ko na lang muna si Aling Wes para ihanda ang lunch natin," pagpapaalam ko sa kanila.
"Gamitin mo na kaya muna itong jacket ko, babe?" Narinig ko pa na pag-aalok ni Angelo sa kasintahan nito.
Ipinamulsa ko ang aking mga kamay at naglakad patungo sa kusina. Nakahanda na sa dining table ang masarap na pananghalian namin. Spicy buttered shrimps na maraming garlic at ang ini-request ni Angelo na adobong manok na may gata na paborito naman ni Malaikah. May vegetable salad din at ang ginawang relyenong bangus ni Aling Wes.
Nang balikan ko sina Malaikah at Angelo sa receiving area ay nakita ko na mag-isa na lamang ang dalaga. Nagtungo daw si Angelo sa sasakyan nito at extrang mga damit niya na nasa bag.
"Ano nga pala ang pinagkakaabalahan mo, Malaikah?" tanong ko ng hindi nakatingin dito. Pareho kaming dalawa na nasa may main door nakatingin.
"Sa ngayon... kasi..." nauutal sa pagsasalita ang dalaga na kausap ko. a
"It's okay, hindi mo namang kailangan iyong sagutin. Curious lang kasi ako dahil walang nabanggit sa akin si Angelo na trabaho mo."
"Wala po kasi akong permanenteng trabaho ngayon." Nahimigan ko ang nahihiyang boses ni Malaikah.
Binalingan ko siya at hindi ko alam na nakatingin din pala siya akin. Nagtama ang aming mga mata at napatingin ako sa mapupulang mga labi nito.
Tumikhim ako at muling ibinaling sa main door ang aking mga mata. Pakiramdam ko nag-iinit ang aking lalamunan.
"Nasabi sa akin ni Angelo na bukod sa namayapa mong Lola ay wala ka na ngayong ibang pamilya? Nasaan ang ibang kamag-anak mo?" pag-iiba ko ng tanong dito.
"Nasa Tarlac po ang mga tiyahin ko. Bata pa lang ako noong naulila ako sa Ina at ang tanging Lola Anisha ko ang nagpalaki sa akin. Iniwan po kasi ako rito ng Tatay ko noong limang taong gulang ako para mangibang bansa... kaso nga lang hindi na niya ako binalikan."
Nahimigan ko ang malungkot na tinig ni Malaikah habang nagkukuwento ito sa akin.
"Oh, I see. I'm sorry. Gusto ko lang naman na malaman para malinaw sa akin ang magiging set up ng kasal ninyo ni Angelo. Gusto ko rin kasi na maging masaya ang pamangkin ko sa araw na iyon."
"Salamat po."
"Malaikah, nahihiya ka pa ba sa akin?" mahinang tanong ko sa kanya.
Nilingon niya ako at nagtama ang aming mga mata. Hanggang balikat ko lamang ang dalaga na nasa tabi ko. Habang nakatayo sa may gilid ng couch.
"Ti-Tito?" mahinang usal nito.
"That's good. Tito or Uncle Trex, that's fine with me. Ituring mo na akong bahagi ng pamilya na bubuuin ninyo ni Angelo. Okay ba iyon?"
Tumango naman ito sa akin sabay kagat sa ibaba nitong labi.
Idinistansiya ko ang aking sarili kay Malaikah. Hindi ko alam pero bigla akong nahihipnotismo kapag nakatingin ako sa maamong mukha nito.
Mayamaya pa ay bumungad na sa amin si Angelo na may dalang bagpack.
Nginitian ko siya at saka naglakad na patungo rito. Tinapik ko ang balikat nito. "Ready na ang lunch natin. Pagkatapos magbihis ni Malaikah, sumunod na kayo sa amin sa dining area."
"Opo, Uncle Trex," nakangiting sagot sa akin ni Angelo.
Inalalayan nito ang kasintahan na magtungo sa banyo. Nanatili lang akong nakatingin sa kanila.
"Oh man." Sinabunutan ko ang aking sariling buhok.
Hindi ko gusto ang nararamdaman ko. Bigla akong nakaramdam ng bigat sa loob ko.