SINISIKAP ni Ysabel dumestansiya kay Jaden mula noong araw na magkasagutan sila. Mahirap dahil trabaho niya na asikasuhin ang mga pangangailangan nito pero dahil mukhang si Jaden ay umiiwas din sa kanya hindi siya gaanong nahihirapan. Sa gabi habang nagdidiner ito ay saka naman niya hinahanda ang mga isusuot nito. Imbes na gisingin niya ito sa umaga. Ang ginagawa niya ay siniset niya ang alarm clock nito. Habang nag-aagahan naman ito doon siya pumapasok sa kwarto nito para ayusin ang higaan nito. Sa kotse ay hindi naman sila nag-uusap. Papasok at pauwi ay wala sa kanila ang kumikibo. Hindi narin tulad noon na sinusundan niya ito kung nasaan ito. Ayaw niyang makakita ulit ng rated X tulad ng nakita niya sa rooftop. Sa kotse nalang siya naghihintay. Ang mga boys ang madalas na kasama ni Ja

