"HIMALA! Wala ba kayong mga chicks ngayon at nandito kayong lahat at ginugulo ang katahimikan namin ni Ysabel?" litanya ni Sabrina sa barkada. Breaktime at nasa Canteen sila ni Ysabel ng maglapitan ang mga barkadang lalaki. "Baka kasi namimiss niyo na kami kaya sainyo muna kami ngayon!" nakangising sagot ni Adam na tumabi kay Sabrina. "Wow chocolate paborito ko ‘to. Pahingi ha!" wika Austin na kinuha ang box ng chocolate na nasa harap ni Ysabel. Si Ysabel ay marahan namang tumango. "S-Sige!" "Mahal to ah. Kanino galing?" tanong ni Nathan na nakikuha na rin ng chocolate. "Hoy ang kakapal niyo ha! Hindi kayo ang binigyan kayo ang kakain?" saway ni Sabrina sa boys. "Sinong galanting manliligaw ang nagbigay nito? Sabihin mo sa susunod damihan niya kamu!" nakangiting sabi ni Austin

