ITINUKOD ni Ysabel ang isang kamay sa kama at ang isang kamay naman na may hawak na balahibo ng manok na inihanda niya para pangiliti kay Jaden.
"Huh. Tingnan lang natin kung hindi ka magising ngayon!" Malademonyo niyang ngisi ngunit walang tunog.
Dahan-dahan niyang kiniliti ang bandang tainga nito. Parang nananaginip na ngumiti si Jaden at umayos pa ng higa patalikod sa kanya.
"Ahhhh loko ka ah! Umayos ka pa talaga ng higa?'' Umusog si Ysabel para maabot naman niya ang ilong ni Jaden. "Tingnan ko lang kung dika pa rin magising ngayon!"
Paglapat nang balahibo ng manok sa ilong ni Jaden ay nagpapalag ang isang kamay nito sabay patihayang nahiga. Nagulat si Ysabel dahil sa pagkakatihaya ni Jaden ay halos magkapantay na ang mukha nila. Nanlalaki ang mata niya nang hawakan pa siya nito sa batok at kabigin siya nito palapit.
Nananaginip naman si Jaden kinikiliti raw siya ni Ysabel habang nasa ibabaw niya ito at nakangiti. Kinabig niya ito para halikan para tumigil ito sa pangingiliti sa kanya.
Hindi nakagalaw si Ysabel sa kabiglaan. Lalo na ng lumapat ang mga labi niya sa labi ni Jaden. Mapusok na inaangkin nito ang mga labi niya na para bang dati na nito iyong ginagawa sa kanya.
Nakapikit pa rin ito at mukhang nanaginip habang angkin ang mga labi niya. Ninanamnam ang labi niya at kumakatok ang dila nito para makapasok sa bibig niya. Wala sa sariling pinapasok ni Ysabel ang mapangahas na dila na parang nagmamakaawang pagbuksan niya.
Hindi nakuntento si Jaden sa halik lang. Naglakbay ang mga kamay niya sa katawan ni Ysabel. Hanggang makapa niya ang kaliwang dibdib nito at marahang pinisil. Doon na natauhan si Ysabel ng maramdaman niya ang isang palad ni Jaden na pumipisil sa dibdib niya agad niyang tinulak si Jaden at nagkukumahog na nagtatakbo palabas ng kwarto nito.
Nagising naman si Jaden sa malakas na pagtulak sa kanya. Nanlaki ang mga mata niya ng narealize na hindi pala panaginip ang nangyari. Nahagip niya pa ng tingin ang likod ni Ysabel bago ito tuluyang lumabas ng pinto.
''s**t! What just happened?" lutang na tanong ni Jaden sa sarili. ''Hindi na pala ako nananaginip, totoo na palang hinahalikan ko ang malambot at matamis niyang mga labi. God, nadama ko pa yata ang kaliwang dibdib niya?'' Natampal niya ang sariling noo.
Si Ysabel ay shocked naman sa nangyari. "Oh my G!!! Ysa alam kung pangarap mo iyan kanina pero ang bilis naman yatang dininig ang kahilingan mo!" kausap ni Ysabel sa sarili. Nakatayo siya ngayon sa likod ng pinto ng kwarto nila ng mama niya. ''Goshhhh, first kiss ko iyon. Bakit naman sa ganoong tagpo ko pa nakuha iyon. Paano ako haharap nito sa lalaking iyon?'' Halos sabunutan ni Ysabel ang sariling ulo.
''Ano ka ba Ysabel hindi ikaw ang nanghalik! Bakit ka naman mahihiya? Dapat nga siya ang mahiya sayo dahil basta ka nalang niya kinabig at hinalikan,'' bulong ulit ni Ysa sa sarili. Para siyang may sayad sa utak na kinakausap ang sarili at siya rin ang sumasagot.
''Infairness ang sarap niyang humalik! Grabe muntik na akong nawala sa sariling katinuan.'' Isip-isp ni Ysabel at kinapa ang mga labi. ''Ano ba iyon nananaginip lang ba siya?'' tanong ni Ysa sa sarili nang maalalang nakapikit pa pala si Jaden kanina bago siya hinalikan. ''Oo noh panaginip lang kaya iyon...kaya huwag ka nang mangarap diyan! Para kang tanga! Baka nga ibang babae ang nasa isip noon habang ikaw ay parang tanga na hindi maka move on diyan sa halik na iyon!'' sagot niya rin sa sariling tanong.
May sakit na kumudlit sa puso ni Ysabel sa isiping kaya lang siya hinalikan ni Jaden ay dahil nanaginip ito at hindi naman talaga siya ang laman ng isip nito habang hinahalikan siya kanina. ''Asa ka Ysabel!'' pang-iinis niya sa sarili.