NAPADAING si Ysabel ng pagbaba niya ng kotse ay naramdaman ang sakit ng resulta ng pag-bagsak niya kanina sa hagdan. "Arayyy. Putik naman oh!" Kumunot ang noo ni Jaden ng makita ang hindi normal na paglakad ni Ysabel. Habang naglalakad sila papasok ng mansion. "Anong nangyari sayo?" tinangka niyang alalayan si Ysabel ng bigla itong umiwas na para bang may nakakahawa siyang sakit at nandidiri ito sa kanya. "H-Huwag na po Senyorito kaya ko po ang sarili ko!" mahina ngunit may diin sa tinig nito. Never pa siyang ginamitan nito ng ganoong tono. Hindi siya nakagalaw o nakapagsalita. Sinundan nalang niya ito ng tingin habang papasok ito sa kitchen. "Anong problema noon?" napapailing niyang tanong. "Oh anak, bakit ngayon lang kayo?" salubong ni Senyora Beatrice sa anak at tinanggap ang hali

