Chapter 1-3

1259 Words
ILANG na ilang si Ysabel sa mga kasama niya paano hindi niya alam kung paano kikilos sa harap ng mag-inang amo. Kaya naman nasa likod lang siya ng mga ito hindi siya sumasabay. Lalo at kanina bago sila umalis ay sinabihan siya ni Jaden na mukha daw siyang palaboy sa suot niya.  Ang bestidang suot niya ang pinaka matino nang damit na mayroon siya ngunit kompara nga naman sa suot ng mag-inang amo ay mukha siyang gusgusin. "Mommy, bilhan mo nga ng matinong damit si Ysa. Nakakahiya mukhang palaboy sa suot niya. Baka isipin ng mga tao na may kasama tayong pulubi na napulot sa daan." Lalong nanliit si Ysabel ng marinig ang sabi ni Jaden sa ina nito. Mas linakihan niya pa ang agwat niya para hindi isipin ng mga tao na kasama siya ng mag-ina. Baka nga nabibigyan niya ng kahihiyan ang mga ito. "Anak, don't be like that! Nakakasakit ka ng damdamin ni Ysa at hindi kita pinalaki para maging matapobre at bastos," sita naman ni  Senyora Beatrice sa anak. "Mommy, I'm just stating a fact!" nakasimangot na sabi ni Jaden. Napailing nalang si Senyora Beatrice. Hindi niya gusto ang inaasal ng anak ngunit ayaw naman niyang sa maraming tao sila magdiskusyon. Pumasok ang mag-ina sa isang mamahaling boutique. Nagpaiwan si Ysabel sa labas niyon. "Anong ginagawa mo dyan? Baka mapagkamalan kang nanlilimos," exaggerated na wika ni Jaden. Sumunod nalang si Ysa dito. Pulang-pula ang mukha sa hiya. Mukha ba talaga siyang pulubi sa itsura niya? Bakit ganoon nalang magsalita sa kanya ang batang amo. Hindi niya tuloy maiwasan ikumpara ang trato nito sa kanya sa mga kaibigan niya at mga kaklase dati. Parang prinsesa siya kung ituring ng mga ito. Lalo na ang mga lalaking kaklase. Paano ay maliban sa matalino siya at nangunguna sa klase, napakaganda niya daw  na parang prinsesa. Hindi issue sa mga ito ang suot niya dahil halos pare-pareho lang naman sila, isang kahig isang tuka. Samantalang ngayong napunta sila sa mansyon ng mga Aragon. Lagi nalang ipinaparamdam sa kanya ni Jaden ang agwat nila sa buhay. Ngunit wala siyang karapatan magreklamo. Kundi dahil dito ay walang trabaho ang mama niya. Hanggang ngayon ay baka pinoproblema parin nila kung saan kukuha ng kakainin sa araw-araw at ipangbabayad sa inuupahan nilang kwarto. Hindi rin siya makakapag-aral sa susunod na pasukan, kaya titiisin niya nalang ang mga panlalait nito sa kanya. Tama din naman kasi ito, kung ikukumpara nga naman siya dito ay mukha nga naman siyang palaboy. Naabutan nila si Senyora Beatrice na inaabot sa sales lady ang mga bestida na napipili nito. "Ysa, isukat mo iyang mga damit." "A-Ako po?" itinuro pa ni Ysabel ang sarili.  Si Jaden ang sumagot. "Hindi! Ako ang magsusukat niyan--- Tanga ka ba? Nakita mo nang pambabae magtatanong ka pa! Alangan naman para sa akin ang mga iyan eh mga bestida nga yan.” Umiling-iling ito. ”Tsk. Akala ko matalino, bobita naman pala…" bulong nito na umabot sa pandinig ng ina at Ysabel .  "Jaden, stop it!" saway ni Senyora Beatrice sa anak. Napayuko naman si Ysabel sa sobrang hiya. Nungka sa buhay niya may nagsabi sa kanya ng tanga at bobita. Ngayon lang! Parang gusto niyang umiyak ngunit pinigil niya ang pagtulo ng mga luha. “Okay, lang ‘yan Ysabel. Para ‘to sa kinabukasan ninyo ng mama mo. Kaya mo pa!” paalala niya sa sarili. "Come-on Ysa, huwag mong pansinin ang anak ko. Isukat mo na iyong mga damit na napili ko," nasa boses nito ang pagpapaumanhin sa inaasal ng anak. "Miss, paki assist nalang siya," wika nito sa sales lady. Nakayukong sumunod naman si Ysabel sa sales lady papuntang fitting room. Kahit masama ang loob niya sa batang amo ay hindi naman iyon naging hadlang para hindi niya ma enjoy ang pagsusukat ng mga damit. Ngayon niya lang ito nararanasan na makapag sukat ng magaganda at mamahaling klase ng mga bestida.  Habang nagsusukat siya ng mga damit pinangako niya sa sarili na balang araw gagawa rin siya ng magagandang mga damit. Pangarap niya ang maging fashion designer. Pagdating ng araw igagawa niya ng magagandang mga damit ang mama niya katulad ng mga sinusuot ni Senyora Beatrice. Bawat isukat ni Ysabel ay ipinapakita niya kay Senyora Beatrice. Ito ang namimili kung alin ang kasama sa mga bibilhin at hindi. Pakiramdam ni Ysabel ay isa siyang modelo at minumodel niya ang mga damit nasinusukat niya sa harap ni Senyora Beatrice.  Ang huling isinukat niyang damit ay hindi na pinahubad sa kanya ni Senyora Beatrice. Iyon na daw ang isusuot niya. Isang simpleng light yelong bestida iyon. Pinaparisan ng puting doll shoes.   "Napakaganda mo talaga, Ysa. Para kang manika. Sana naging anak nalang kita," nakangiting wika ni Senyora Beatrice.  Sobrang na flatter naman si Ysa sa sinabi ng amo. "S-Salamat po!" kiming pasalamat ni Ysa. Napakabait talaga nito sa kanya taliwas sa trato ng anak nito sa kanya.  Nakakunot ang noo si Jaden. Hindi siya makapaniwala sa narinig habang palapit siya sa ina. Pakiramdam niya ay pinagpapalit na siya ng ina sa katulong lang nila at pinagsisihan nito na siya ang naging anak at hindi si Ysabel. "Hindi ba Jaden at napaka ganda ni, Ysa? Bagay sa kanya ang suot niyang damit," kausap ni Senyora Beatrice sa anak ng mapansin niya ito. Tinapunan ni Jaden si Ysabel ng tingin. Aaminin niya napakaganda nga nito at totoong bagay talaga dito ang suot na damit. Kahit kaninang mumurahin lang ang suot nito ay hindi iyon nakabawas sa ganda ni Ysabel. Sinasadya niya lang talaga itong pasakitan sa inis niya dahil maski sa eskwela ay may kasama pa siyang yaya dahil dito at ang masaklap pa siguradong kaklase niya rin ito. "Okay lang--- Mukha ka nang tao kahit paano," wika ni Jaden kay Ysabel. Ibinaling nalang ni Ysabel ang tingin sa ibang direksyon. Hindi yata talaga siya sasabihan ng magandang salita ni Jaden. Napailing naman si Senyora Beatrice sa inaasal ng anak. "Nakapili ka na ba ng mga bibilhin mo, anak?" tanong nalang niya at ayaw niyang patulan ang ipinapakitang ugali nito kay Ysabel.  "Nasa counter na. Ang tagal niyo kasi. Hindi pa ba tapos mamili si Seyorita Ysabel?" may halong pang-iinsulto na sabi ni Jaden. "Tapos na kami," sagot niya sa anak at hindi nalang pinansin ang sinabi nito. "Miss paki dala nalang sa counter ang mga napili ko," kausap naman nito sa saleslady na nag assist sa kanila.  Nagulantang si Ysabel. Hindi niya akalain na ganoon kadami ang bibilhin na damit para sa kanya ni Senyora Beatrice. Ang akala niya ibibili lang siya ng isusuot niya ngayong araw. "S-Seyora m-marami naman po yata iyong mga damit na bibilhin niyo para sa akin. Tama na po sa akin itong suot ko, sobra na nga po ito," pahayag ni Ysabel sa nararamdaman. Baka kasi isipin ng damuhong si Jaden na hinuhuthutan niya ang ina nito. Magsasalita sana si Jaden ng maanghang na salita ng pandilatan na ito ng ina kaya tinalikuran nalang niya ang mga ito. Kailangan mo kasi ang mga iyan Ysa. Sa San Martin High School kasi ay may araw na hindi naka uniporme. Ayaw ng Senyorito mo na ipaalam na may kasama siyang yaya pati sa eskwelahan. Kaya ipapakilala ka niyang pinsan sa eskwelahan. Kung pinsan ang ipapakilala sayo hindi pwede ang mga dati mong damit ang isusuot mo mahahalata ang totoo niyong sitwasyon," pagpapaliwanag nito kay Ysabel na marahan nalang tumango. Pagdating nila sa counter ay napansin rin ni Ysabel na may iba pang mga pambabaeng gamit ang naroon at tingin niya ay para din sa kanya ang mga iyon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD