Chapter 1-2

1048 Words
MAAYOS naman ang lahat ng lumipat si Ysabel at Anna sa mansion ng mga Aragon. May sarili silang kwarto mag-ina na ipinagpapasalamat nila. Kahit maliit iyon hindi hamak naman na mas maayos at komportable kaysa sa kwartong inuupahan nila dati. Mababait din ang apat pang katulong na kasama nila. Kahit ang hardinero at dalawang driver ng mga Aragon ay mababait din sa kanila. Hindi pa nila nakikilala si Senyor Rafael Aragon dahil may business trip daw ito na pinuntahan at isang Linggo sa HongKong. Sabi ng mga kasamahan nilang mga katulong ay mabait din daw ang asawa ni Senyora Beatrice na katulad nito. Wala pa naman gaanong trabaho si Ysabel dahil wala pa naman pasok at sa tatlong araw na pananatili nila sa Mansion ay lagi lang nasa kwarto nito si Jaden. Addict din ito sa laro sa computer at sa loob ng tatlong araw ay nasa kwarto lang ito at nasa harap ng computer nito. Lumalabas lang ito kapag oras ng pagkain at sa meryenda naman ay nagpapahatid lang ito ng pagkain. ''Ysa, pinapatawag ka ni Senyora Beatrice,'' si Lani iyon ang isa pang katulong sa mansion. Sa tingin ni Ysa ay nasa Bente uno palang ito. Huminto ni Ysa ang pagdidilig ng mga halaman. Nagpresenta kasi siya sa hardinero na tutulungan niya ito total ay wala naman siyang ginagawa at tulog pa ang alaga niya at sigurado siyang tanghali pa iyon magigising. ''Bakit daw po ate Lani?'' nagtatakang tanong ni Ysabel. ''Hindi ko alam eh. Puntahan mo nalang nasa dining area siya at kumakain ng breakfast.'' Tumalikod na ito. Nagpaalam naman si Ysabel kay Manong Lito at pinuntahan na si Senyora Beatrice. ''Magandang umaga po Seyora Beatrice! Pinapatawag niyo daw po ako?'' nahihiyang bati ni Ysabel ng makalapit sa Senyora. Inangat ng Senyora ang tingin mula sa binabasa nitong fashion magazine. ''Magandang umaga rin sayo, Ysa. Gusto ko lang ipaalam sayo na kahapon ay na enroll na kita sa San Martin High School at gusto ko sanang sumama ka sa amin ni Jaden at papatahian kita ng uniporme. Mamimili na rin tayo ng mga gamit niyo ni Jaden sa eskwela dahil malapit na ang pasukan,'' nakangiting saad nito. Kitang kita ni Senyora Beatrice ang tuwa sa mga mata ni Ysabel ng marinig nito ang magandang balita. Magaan ang loob niya sa dalagita at sa unang tingin niya palang dito ay alam niyang hindi lang ito maganda ngunit mukha rin itong mabait na bata. ''Salamat po Senyora!'' kiming pasasalamat ni Ysa. ''Walang anuman Ysa. Gisingin mo na rin ang Senyorito mo at para makakain na at makaalis tayo ng maaga.'' ''O-Opo Senyora!'' nauutal na sagot ni Ysabel at nagpaalam para puntahan sa kwarto nito ang batang amo. Pagdating sa harap ng kwarto ni Jaden ay huminga muna ng malalim si Ysabel bago mahinang kumatok. Ilang minuto na siyang kumakatok ngunit wala pa rin sumasagot. Nang pihitin niya ang door knob ay hindi iyon nakalock. Dahan-dahan siyang sumilip sa loob at ng makitang tulog pa ang amo ay tuluyan na siyang pumasok. ''Paano ko kaya siya gigisingin? Baka sungitan na naman ako,'' bulong ni Ysa sa sarili habang nakatunghay sa tulog na amo. Nakadapa ito at himbing pa rin na natutulog. Sa totoo lang ay nangingilag siya sa batang amo. Napakasuplado at napakasungit kasi nito sa kanya. Ngunit wala siyang magagawa kundi tiisin ang ugali ng batang amo kung kapalit naman iyon ng magandang kinabukasan para sa kanila ng Mama niya kung makakatapos siya ng pag-aaral. ''S-Senyorito J-Jaden...'' mahinang tawag ni Ysabel ngunit hindi manlang ito gumalaw. Naiisip niya kung hindi ito magigising agad ay baka mapagalitan siya ni Senyora Beatrice kung paghihinatayin niya ito. Kaya mahina niyang inalog ang tulog na amo. ''Senyorito gising na po! Mag breakfast na daw po kayo sabi ng Mommy mo,'' ngunit wala pa rin sagot.   Kinakabahan na si Ysabel. Bakit ayaw gumising ng amo niya? Medyo nag-aalala na siya kaya inalog niya pa ng inalog  si Jaden para magising. Nanginginig na ang mga kamay niya. Hindi na normal na tulog lang ito dahil kung talagang natutulog lang ito ay nagising na ito sa pag-aalog at pagtawag niya dito. ''S-Senyorito! Gising naman po. Huwag naman kayong ganyan! sige na po gising na naman po!'' Maluha luha na si Ysabel. Nanginginig na rin ang mga kamay niya sa takot. Paano kung hindi na magising ang amo? Iyon na rin ang katapusan ng mga pangarap nila ng Mama niya dahil ano pa ang silbi nila sa mansion kung wala naman ang aalagaan nila. Hindi na napigilan ni Ysabel na tumulo ang mga luha niya sa mata. Kahit anong yugyog ang gawin niya sa amo ay hindi talaga ito nagigising. Takot na takot talaga siya paano kung siya ang pagbintangan kung hindi na talaga ito magising. Baka makulong sila ng Mama niya kahit wala naman talaga silang kasalanan.Isa pa napakabata pa ng amo niya para kunin ng maykapal. ''S-Sen...yorito gising naman po! Maawa na kayo g-gising po!'' hindi na halos makapagsalita si Ysa sa takot hindi rin kasi gumagalaw ang amo at animo wala na itong buhay. Isa pang malakas na yugyog at magrereport na sana si Ysabel sa mga kasama sa bahay ng bigla nalang bumangon si Jaden at ginulat siya nito at nag-akto pa itong zombie na bumangon mula sa hukay. "Wahhhhh!" "Ayyyy kwago!" gulat na gulat siya at napalundag.Pakiramdam niya ay humiwalay ang kaluluwa niya sa katawan at kung mahina lang ang puso niya ay baka inatake na siya sa puso at natigok sa pinaghalong takot kanina nung inakala niyang hindi na magigising ang amo at sa pagkagulat dito. Malakas naman ang tawa ni Jaden. Tuwang-tuwa itong sa nakitang reaksyon ni Ysabel. Pumapadyak pa ito sa ere habang nakatihaya sa kama. Alam niyang sobrang takot nito na baka patay na nga siya. Hindi naman alam ni Ysabel kung matutuwa o maiinis. Matutuwa sa kaalaman na buhay ito o mainis dahil pinaglalaruan siya nito. Pinahid ni Ysabel ang mga luha niya at kinuntrol ang inis niya. Amo niya ang nasa harap niya at hindi siya pwedeng magalit dito at baka mawalan siya ng trabaho. "Pinapatawag ka ng Mommy mo. Magbreakfast na daw po kayo at aalis daw po tayo." Tumalikod na siya at lumabas ng kwarto nito bago niya pa ito masakal sa inis niya dahil tumatawa ito na parang wala nang bukas.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD