KUNG kanina ay conscious na conscious si Ysabel sa suot niya. Hindi na ngayon. Paano eh si Diana ay sobrang sexy ng suot. Naka two piece swim suit ito at walang kahit na anong doble. Si Kara at ang mga kasama nito ay two piece ang mga suot ngunit may doble na short shorts. "Akala niya porket kakarampot nalang ang suot niya mas sexy at maganda siya sa atin," bulong ni Sabrina kay Ysabel habang tinitingnan nila ang grupo ni Diana galing comfort room kung saan nagbihis ang mga ito. Ang mga boys ay halos maluwa yata ang mga mata sa kakatingin sa mga ito. Tinakpan ni Sabrina ang mata ni Adam. "Umaandar na naman ka-maniacan mo, Mr. Ramirez!" "Ang damot naman!" kunwari ay reklamo ni Adam na umani ng batok mula kay Sabrina. "Swerte mo talaga, dude! Ang lalaki ng hinaharap ni Diana!" wika ni

