PAIKOT-IKOT si Ysabel at Sabrina para hanapin si Jaden sa loob ng campus. Wala silang pasok sa last subject. Dahil may meeting daw ang mga guro sa eskwelahan para sa darating na anniversary ng San Martin High School. Si Ysabel at Sabrina ay nagpunta ng library para magresearh para sa science project nila ngunit ang boys ay as usual nagliliwaliw at malamang na babae nanaman ang inaatupag. "Ano ba yan sinabi ko nang huwag silang lalayo para hindi sila mahirap hanapin eh! Kasama pa naman nila si Gregory baka kung ano-ano na ang itinuturo ng mga iyon sa Prince charming ko!" litanya ni Sabrina na ang tinutukoy na Prince Charming na si Gregory ay ang transferee na kaklase nila. Na love at first sight dito si Sabrina noong minsan makasakay niya ito sa jeep. Napailing nalang si Ysabel sa matalik

