Chapter 6-1: Jealous Heart'

1373 Words
ILANG na ilang si Ysabel paano ba naman ay masama ang tingin na ipinupukol sa kanya ng grupo nina Kara sa hindi kalayuan sa kinauupuan niya sa covered court. Hinihintay niya na matapos sa practice game ng basketball sila Jaden. Kaya naman naroon siya at parang tanga na naghihintay sa amo. Wala si Sabrina nauna na itong umuwi dahil may lakad daw ito at ang parents nito. Kung siya lang ang masusunod ay nagbabad na siya sa library o kaya ay umuwi na at mag-aral ng leksiyon sa kwarto nila ng ina ngunit syempre ay hindi naman maaari ang gusto niya. May responsibilidad siya na kailangan gawin at iyon ay bantayan ang amo niya. Lalo at baka iwanan na naman siya nito. Baga man at mabait si Senyora Beatrice ay takot parin siya na mapagalitan nito kapag hindi na naman sila magkasabay umuwi ng ni Jaden. Hindi nalang pinansin ni Ysabel ang masamang tingin sa kanya ng grupo ni Kara. Mabubwisit lang siya kung papatulan niya ang mga ito. Oo nga at magmula nang bantaan ang mga ito ni Jaden na huwag nang lumapit sa kanya ay hindi na nga ang mga ito lumapit para awayin siya ngunit hindi parin sila friends. Kapag ganitong nag-iisa siya ay nakikita niya parin ang mga irap ng grupo nila Kara at mukhang may nadagdag pa sa grupo ng mga ito. Iyon ay walang iba kundi ang transferee student na si Diana. Para pa ngang nakakaloko ang tingin ng isang iyon sa kanya. Pinilit niyang magconcentrate sa binabasang libro ngunit dahil sa tili ng mga kababaihan sa paligid na nanonood ng basketball ay wala siyang maintindihan sa binabasa. Kaya tiniklop nalang niya iyon at ipinasok sa bag. Habang abala siya sa paglalagay ng libro sa bag niya ay may nagsalita naman sa may tagiliran niya. ''Hi Ysang! Pwedeng umupo sa tabi mo?'' Hindi sana papansinin ni Ysabel ang boses ng kung sino na lumapit sa kanya ngunit pamilyar ang boses nito at iisang tao lang ang kilala niyang tumatawag sa kanya ng Ysang. Bigla siyang napalingon sa may ari ng boses at ganoon nalang ang gulat niya ng makita ang matalik na kaibigan. ''Gab? OMG, Gabriel Sandoval!” Napatayo siya sabay yakap sa matalik na kaibigan. Sobrang tuwa niya at nakita niya ito ulit. “Anong ginagawa mo dito?'' ''Grabe, touch naman ako doon. Nag-aalangan pa akong lumapit sayo kanina dahil akala ko hindi mo na ako pansinin,'' nakangiting wika ng binatilyo. ''Sus ikaw pa! Bakit naman kita makakalimutan eh ikaw ang knight in shining armor ko. Ang laging nagtatanggol sa akin kapag may nangbubully sa akin noon,” nakangiti niyang sagot dito. Hindi talaga maitago ni Ysabel ang sobrang tuwa ng makita niya ang matalik na kaibigan. Ilang taon din kasi silang hindi nagkita nito. ''Mukhang asensado ka na ata ah. Don't get me wrong pero hindi ko talaga inaasahan na dito kita makikita sa eskwelahan ng mga Senyorito at mga Senyorita. Ng San Martin'' ''Woahhh, nose bleed. Nag e-english kana ata ngayon ah,'' balik pagbibiro naman ni Ysabel dito. ''Napulot ko sa daan buti nga at naibulsa ko sayang naman kung hindi mapapakinabangan,'' nagkakamot pa sa ulo na sagot ni Gabriel. Nakyutan naman si Ysabel sa sagot ng kaibigan at nilapirot niya ito sa magkabilang pisngi. Baga man at matagal silang hindi nagkita para sa kanya ay wala parin nagbago sa pagkakaibigan nila. ''Ano pala ang ginagawa mo dito, Mr. Nice Guy?'' Iyon ang tawag niya dito dahil talaga namang napakabait nito sa kanya. ''Kasama ko ang mga kaibigan at mga kaklase ko.'' Itinuro pa nito ang isang grupo. Base sa uniporme na suot nito at ng mga kasama nito ay sa isang pribadong paaralan din ito nag-aaral at ang grupong kalaban sa practice game ng basketball nila Jaden ay mga kaeskwela rin nito. “Naks naman iba nang mayaman,'' pagbibiro ulit ni Ysabel dito. Ngiti lang ang itinugon ni Gabriel kay Ysabel. Sa ibang pagkakataon nalang niya ikukwento kung paanong nabago ang buhay nila. ''Kung alam ko lang na dito ka nag-aaral sana dito na rin ako nag-aral,'' nasa boses nito ang panghihinayang. ''Kaya nga noh? Magkasama rin sana tayo ngayong high school tulad noong elementary palang tayo.” “Kaya nga.” “Grabe na Miss talaga kita! Parang mas gwapo tayo ngayon ah! Binatang binata na ang datingan eh.'' Ginulo pa ni Ysabel ang buhok ng kaibigan bilang pang aasar niya dito. 'Ysang, naman eh. Huwag ang buhok ko,'' natatawang iwas nito. “Bakit ba? Talagang nagbibinata ka na--- ayaw mo nang pahawak ng buhok?” Lalo namang ginulo ni Ysabel ang buhok nito bilang pang-iinis. Samantalang si Jaden ay hindi makapag concentrate sa paglalaro paano ay kitang kita niya ang pagyayakapan ni Ysabel at ng kung sinong lalaking lumapit dito. Mukhang tuwang-tuwa talaga si Ysabel. Never niya pa itong nakita na ganun kasaya. Sa tuwina ay tahimik at napakahinhin nito kapag siya ang kasama. Ngunit sa harap ng lalaking kausap nito ay ibang-iba ito. Nakukuha pa nga nitong makipagbiruan. Mukhang matagal na nitong kakilala ang kausap dahil kitang kita niya rin ng lapirutin ni Ysabel ang pisngi ng lalaki. May bumangon na inis siyang naramdaman sa kung sino mang lalaking iyon na kausap nito. Dahil na kay Ysabel ang attention ni Jaden ay hindi nito napansin ang lalaki na biglang sumulpot sa kanan bahagi niya. Buong akala niya ay iisa lang ang nagbabantay sa kanya mula sa kalaban na kuponan. Nawala ang ngiti sa mga labi ni Ysabel at napalitan iyon nang nag-aalalang sigaw. Paano ay kitang kita niya ang pagbagsak ni Jaden mula sa ere habang nagshoshoot ng bola dahil may isang lalaki mula sa kalaban na team ang pumigil sa gagawin sanang pagshoot ni Jaden sa bola at nagbanggan ang mga katawan nito sa ere at nawalan ng balanse. Parehong bumagsak ang dalawa sa semento. Nagkukumahog na lumapit si Ysabel. Wala siyang pakialam kung may na bangga man siya o natapakan dahil sa pagmamadali niyang makalapit kay Jaden. Parehong umaaray ang dalawang lalaki ngunit mukhang mas malala ang nangyari kay Jaden dahil nadaganan ito ng lalaking kasabay niyang bumagsak. Mabilis na dumalo naman ang coach at mga kaibigan ni Jaden. Nang makalapit si Ysabel ay nakaupo na si Jaden sa upuan sa gilid ng court. Alalang alala si Ysabel daig niya pa ang syota kung makapag-alala dito. ''Okey ka lang ba? Nasaktan ka ba?'' magkasunod niyang tanong kay Jaden. ''Tanga ka ba? Nakita mo nang namimilipit ako sa sakit tapos itatanong mo kung okay lang ako?'' masungit na sagot ni Jaden. Namula naman sa sobrang kahihiyan si Ysabel lalo at kitang kita niya ang ngisi ng grupo ni Kara na napalapit rin dahil sa nangyari kay Jaden. Parang sinasabi ng mga ito na buti nga sa kanya! Nang tingnan niya ang kaibigan na si Gabriel ay kumunot ang noo njito at halatang hindi nagustohan ang pamamahiya sa kanya ni Jaden. Sinulyapan niya ito na parang sinasabi niya na huwag itong makialam. Animo naintindihan naman iyon ni Gabriel at tahimik lang na nagmamasid. Tinapik naman siya sa balikat ni Bryan at nakikiramay sa pamamahiya sa kanya ni Jaden. ''You worry too much, Ysa. He’s fine. Nakita mo nga at kaya niya pang mamahiya ng taong concern sa kanya.'' Sinalubong pa nito ang masamang tingin ni Jaden. Si Ysabel ay umatras. Akala niya ay okay na sila ng amo niya. Akala niya mabait na ito ng tuluyan sa kanya. Bakit parang bigla nalang ulit siyang sinisinghalan nito ngayon? Mabuti nalang at laging naroroon si Bryan para sa kanya. Malaking tulong talaga ang presensiya nito sa kanya. Paano ay maliban kay Sabrina ay ito lang ang may lakas ng loob na ipagtanggol siya sa kaibigan nito. Si Nathan ay napailing sa ginawang pagsusungit ng kaibigan kay Ysabel. "Aragon patingnan mo iyan sa clinic at baka may injury ka! Utos ng coach kay Jaden. Wong, sab ka kay Aragon," harap naman ng coach kay Bryan. "Yes, coach!" Si Bryan at tumakbo na papunta sa gitna ng court. Tuloy parin kasi ang practice game. Si Adam at Austin ay kasalukuyan naglalaro kasama ang tatlo pang Senior para sa koponan ng SMHS. "Ocampo, don't go anywhere at kailangan ni Ramirez ng sab," ang coach ulit at kausap si Nathan. "Okay po coach," sagot ni Nathan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD