INIP NA INIP na si Ysabel. Kanina pa nagsiuwi ang mga teammates ni Jaden ngunit si Jaden ay wala pa. Maski si Austin ay kanina pa rin dumaan sa may kinauupuan niya at nagpaalam na uuwi na.
Tumayo siya at plano niyang puntahan si Jaden sa locker room. Nagtataka na talaga siya kung saan na napunta ito.
Kumunot ang noo ni Ysabel ng mapansin ang paglabas ng isang babae sa locker room ng mga lalaki.
Nang makasalubong niya ito ay tsaka niya lang nakilala na si Diana iyon, ang transferee student. Basa ang buhok nito na parang kagagaling lang nito maligo.
Bahagya lang itong ngumiti sa kanya at tuloy-tuloy na naglakad. ''Ano ang ginagawa ng babaeng iyon sa locker room ng mga lalaki at mukhang doon pa yata nagshower?” tanong ni Ysabel sa sarili at sinundan niya ng tingin ang likod nito.
Hindi niya tuloy napansin ang lalaking makakasalubong niya. Bumangga siya sa malapad nitong dibdib dahil naglalakad siya na hindi tumitingin sa dinadaanan.
''Ayyyy kalabaw.'' gulat na bulalas niya.
''Heyyy. It's me,'' si Jaden at nahawakan sa braso si Ysabel.
Tinitigan ni Ysabel si Jaden basa rin ang buhok nito at halatang kagagaling lang sa shower. Tiningnan niya ang pinanggalingan nito sabay tingin sa likod ng babaeng nakasalubong niya.
Sa parehong lugar nanggaling ang dalawa. May hinalang nabuo sa isip niya. Malamang may kababalaghan na ginawa ang dalawang ito.
''What are you looking at?'' tanong ni Jaden nang mapansin na palipat-lipat ang tingin ni Ysabel.
''M-may tao pa ba sa locker room na iba liban sayo?'' hindi niya napigilang itanong kay Jaden.
Umiwas naman ng tingin si Jaden. ''Ewan ko! Kung gusto mo tingnan mo doon.'' At nagpatuloy na sa paglalakad. ''Bilisan mo na at nandiyan na ang driver at naghihintay.''
Ilang beses pang lingon ang ginawa ni Ysabel habang nakasunod kay Jaden. Gusto niyang malaman kung may iba pa bang tao sa locker room na pinanggalingan ni Jaden at Diana ngunit wala siyang makitang lumabas doon hanggang sa lumiko sila papuntang parking lot kung saan naghihintay ang driver.
Kinukurot ang puso niya sa isiping may kababalaghan na ginawa ang dalawa. Bakit parehong basa ang mga buhok nito at sa iisang lugar lang ang pinanggalingan ng dalawa?
Habang nasa daan ay tahimik lang sila katulad na madalas na nangyayari. Sa tabi ulit siya ng driver umupo. Pero pasulyap sulyap siya kay Jaden na nasa likod.
Parang may kakaiba rito. Something new na hindi niya maipaliwanag.
---
"SO ano, Dude? Magaling ba?" bungad ni Austin sa kabilang linya. Kapapasok lang ni Jaden sa kwarto ng tumunog ang cellphone niya.
"Anong pinagsasabi mo diyan?" pagmamaang maangan ni Jaden at inilapag ang backpack niya sa kama.
"Dude, don't deny it! Utang na loob mo sa amin ng tropa ang pagkakabinyag sayo, Dude! Bakit sa tingin mo dalawa lang tayong pumasok sa locker room?" Nakatawang tanong ni Austin.
"Kasi nga gabi na at nagmamadali nang umuwi iyong iba nating kasama," sagot ni Jaden.
"Dude, don’t be stupid! Hinarang sila nila Adam at Nathan. I don't know how they did that pero kita mo naman ako lang ang sumama sayo! At sa tingin mo sira ba talaga ang shower heater? Nope, Dude! Sabi ko lang iyon to make an excuse para maiwan ka sa locker mag-isa. We knew na gagapangin ka ni Diana kung maiiwan ka sa locker ng mag-isa," mahabang paliwanag ni Austin.
"Gago! Pinagkaisahan niyo pala ako. Hindi na kayo naawa at pinagsamantalahan ako ni Diana!" nakatawang sagot ni Jaden.
"So ano, magaling ba? Baka naman ipinahiya mo kami!" panunudyo ni Austin.
"Ulol! Anong akala mo sa akin mahinang tuhod? Syempre tumitirik ang mga mata niya sa sarap!" sabay nagtawanan ang dalawa.
"So ano kwento ka pa! Huwag mo akong ibitin pagkatapos ka namin tulongan makarating sa ibang klasing langit!" tumatawa na wika ni Austin.
"Sandali nga tumatawag si Adam...I'll put you on call waiting," pagkasabi niyon ay si Adam naman ang kausap ni Jaden.
"Dude, kamusta sa langit? Ayos ba? Magaling ba? Ano tumirik bang mata mo sa sarap?" excited at sunod-sunod na tanong ni Adam.
"Experto, Dude! Mukhang kumuha ng course sa s*x education," tumatawang sagot ni Jaden.
"Sabi ko na nga ba eh. Mukhang magaling ang isang iyon... Ano nag hello ba kay Junior?" curious na tanong ni Adam.
"What do you mean?" hindi maintindihan tanong ni Jaden.
"Lol Dude. Isinubo daw ba si Junior?" sabat ni Nathan na nakikinig lang pala sa tabi ni Adam.
"Nope. It was quick natakot akong mahuli kami. And Ysabel were just on the gate baka maisipang sundan ako sa locker room."
"Sayang naman..." disappointed na wika ni Bryan.
"Hey... Anong meron at magkakasama kayong tatlo?" Tanong ni Jaden.
"Wala tumatambay lang kami dito sa bahay nila Adam. Wala kasi ang parents niya at nagpasama lang si Adam," sagot ni Bryan.
"Sino pang nandiyan?" Asked Jaden.
"Chicks, dude! Mamaya kapag tulog na ang mga katulong!" sabat ni Adam.
"Punta mamaya si Austin. You want to join us?" asked Nathan.
"Grrrrr. Alam niyo naman mahigpit si Mommy siguradong pagsasamahin noon si Ysabel," said Jaden.
"Dude, don't you dare bring Ysabel here," said Bryan.
"Ewan mo kayla Sabrina, dude!" si Adam.
"Ewan. I'll try kung pumayag si Ysabel magpaiwan kayla Sabrina. Oh sige na, bye! Tawag nalang ako ulit kausap ko pa si Austin eh," nagpaalam naman ang tatlo. Saka si Austin naman kinausap ni Jaden.
"Diyan ka pa, Dude?" Asked Jaden.
"Ang tagal mo naman! Muntikan na akong makatulog dito ah..." reklamo ni Austin.
"Kausap ko pa kasi ang tatlo. Punta ka daw mamaya kayla Adam?"
"Syempre, pupunta ako! Ako pa hindi ko papalampasin iyon. Chicks, Dude... Chick!" Kailangan na rin ni Junior ng hasa. Pumupurol na eh."
"Mga manyak talaga kayo!"
Tumawa si Austin. Pare now that you already experienced heaven will you say no kapag may pagkakataon makarating ulit doon?"
"Yes!"
"Ohhhsss, maniwala. Ngayon pa ngalang nararamdaman ko nang gusto mo ulit bumalik doon eh."
"I said YES... Hindi ko tatanggihan ang langit!"
Nagtawanan ang dalawa na natigil lang ng kumatok si Ysabel at pumasok sa kwarto.
"Ihahanda ko lang ang bihisan mo," kiming sabi ni Ysabel at duneretso na sa walk-in closet niya."
"Iba nang may asawa!" panunukso ni Austin. Narinig kasi nito ang boses ni Ysabel.
"Gago!"
Humalakhak lang si Austin. Saka nagpaalam.