Chapter 4 - 2

837 Words
KANINA pa pasimpleng sinusulyapan ni Jaden si Ysabel. Nasa loob sila ng classroom at nakaupo ito sa may kanang bahagi ilang upuan ang pagitan mula sa may harapang bahagi nila ni Nathan. Seryoso ito sa pakikinig sa leksiyon ng teacher nila sa History. Samantalang siya ay kanina pa ito panakaw na sinusulyapan.  Bakit ba eh para kasing napakaganda nito ngayon sa paningin niya. Mas maganda pala ito kapag naka lugay lang ang mahabang tuwid na tuwid na buhok. Ngayon niya lang kasi ito nakitang naglugay. Palagi lang kasi ito nakatali ang buhok o kaya ay naka tirintas. Parang kay bangu-bango ng buhok nito na napaka shiny rin.  Parang may sinabi ang teacher nila na nagpangiti rito. Grabe ang ganda niya lalo kapag naka ngiti. Oo at marami ang mga babaeng nagkakagusto sa kanya ngunit masasabi niyang kakaiba ang kagandahan ni Ysabel. Hindi kasi ito naglalagay ng kahit ano sa mukha at tama na ang simpleng pulbos lang. Ang mga labi naman nito ay very natural ang pagka pula kaya kahit hindi ito maglagay ng lip gloss ay kissable lips pa rin ito.  Kahit paano ay ilang labi na rin naman ang natikman niya. Hindi ngalang siya makatiyempo gawin ang all the way tulad ng mga kaibigan niya dahil lagi niyang kasabay si Ysabel pauwi at papasok sa eskwela. Kaya hindi siya makahanap ng magandang tiyempo. Sa nakikita niyang mga labi ni Ysabel ay sigurado siyang mas matamis iyon kaysa sa mga natikman na niya. Iniisip palang niya iyon ay parang nanunuyo na ang lalamunan niya at para siyang nauuhaw at ang mga labi ni Ysabel ay isang oasis. ''Pare, kanina ka pa nakatitig, baka matunaw!'' bulong ni Nathan kay Jaden na mahahalata ang panunudyo sa boses. Ipinilig ni Jaden ang ulo para burahin ang kung ano mang dumadaloy sa isip niya. Grrrrr, kung anu-ano kasing itinatanim na kabastusan sa isip niya ng mga kaibigan kaya naman pati si Ysabel ay pinagnanasaan niya na. s**t! Tama si Adam.Kailangan niya na talagang mabinyagan. Nagkunwari siyang hindi naiintindihan ang tinutukoy ni Nathan. ''Ang alin?'' ''Kunwari ka pa, pare. Baka akala mo hindi ko napapansin ang mga malalagkit mong titig kay Ysa.'' ''Huh? Paano mo naman nasabi na si Ysa ang tinititigan ko gayong nakatingin ako kay Ma'am Fernandez,'' pagpapalusot niya. Nasa mismong harap kasi ni Ysabel ang guro nila na kanina niya pa hindi maintindihan ang sinasabi nito dahil hindi naman talaga nasa teacher ang attention niya. ''Lol, pare kailan ka pa nahilig sa History?'' Oo nga naman ang History ang pinaka ayaw niyang subject. May time nga noong elementary sila na ilang beses siyang nakatulog kapag History na ang itinuturo ng teacher nila.  ''Gusto ko na siya ngayon,'' sagot nalang niya. Hindi siya pwedeng umamin na kay Ysabel siya nakatingin dahil lalo siyang aalaskahin nito. Pasalamat nga siya at hindi si Austin o kaya si Adam ang nakahuli sa kanya dahil malala kung mang alaska ang dalawang iyon. ''Si Ysa?'' nakangising tanong ni Nathan. ''Si Ysa, ang alin?'' nagulohan siya sa kausap. ''Ang sinasabi mong gusto mo na ngayon!'' nakangising sagot ni Nathan. ''Gago ka, pare! Nililito mo ako. Ang subject ang tinutukoy ko!'' Ngali-ngali na niyang batokan si Nathan. ''Sige papaniwalain mo pa ang sarili mo dahil hindi mo ako mapapaniwala!'' mahina pang tumawa si Nathan. Hindi naman maipinta ang mukha ni Jaden sa inis. Bwisit talaga ang mga kaibigan niya! Bakit pakiramdam niya ay parang siya nalang ang nakikita ng mga ito ngayon?   ---   NAGPRISINTA si Jaden na siya na ang magdadala ng mga gamit ni Ysabel. Papunta sila sa canteen para maglunch. ''H-huwag na po, Senyorito!'' kiming tanggi ni Ysabel. ''Ako na sabi eh! Saka diba sinabi ko sayong Jaden lang kapag nasa eskwela tayo?'' Sabay kinuha na ni Jaden ang dalawang libro na nasa kamay ni Ysabel. Parang napasong binitawan bigla ni Ysabel ang mga hawak na libro kahit ayaw niya sana iyon ibigay sa amo. Paano ba naman ay parang may kuryenteng nanulay sa mga kamay niya na nahawakan ni Jaden. Panandalian tuloy siyang natulala at iniisip kung ano iyon. ''Oh, bakit ka natulala diyan?'' tanong ni Jaden nang mapansin ang pagkatulala ni Ysabel. ''W-wala. S-sigurado kang okay lang na ikaw ang magdala niyan?'' nauutal na tanong ni Ysabel sa amo. Naninibago siya sa kabaitang ipinapakita ni Jaden sa kanya ngayon. Naisip niya tuloy na baka may mabait na anghel na sumapi dito kaya bigla itong bumait sa kanya. Tumango lang si Jaden. ''Kamusta ang tuhod mo? Masakit pa ba?'' Naroroon pa rin ang concern sa boses ni Jaden. Nakita niya kasing medyo nahihirapan si Ysa maglakad. ''Medyo okay na ako kaso masakit ng konti. Sabi ni Mama ganoon daw kapag sa tuhod ang sugat masakit pa rin kahit pagaling na. Naiinat daw kasi ang balat,'' paliwanag ni Ysabel. ''Halika aalalayan kita,'' sabi naman ni Jaden at hinawakan si Ysabel sa braso kaya kahit gusto sanang tumanggi ni Ysabel ay hindi na siya nakapalag. Kanina pa namimilyo naman na nagkakatinginan ang mga kaibigan nila. Kaya ng maka tiyempo ay agad na inalaska si Jaden.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD