Chapter 3-2

775 Words
ABALA si Ysa sa pagbabasa ng notes niya sa Science. May long quiz kasi sila at mamaya na iyon pagkatapos ng breaktime. Kaya naman kahit nasa daan sila ni Sabrina papuntang canteen ay abala siya sa pagbabalik aral. Ayaw niyang may makalimutan siya hindi kasi siya sanay na may mali sa mga quizzes at exams. Oo isa siyang perfectionist! Kaya nga na bubwisit siya sa tuwing sasabihan siya ni Jaden ng TANGA at BOBITA dahil hindi siya iyon. "Grabe ka naman Ysa maski pa talaga sa daan ay nagbabasa ka ng notes! Hindi mo kaya hintayin nalang na makarating tayo sa canteen at doon mo yan gawin. Baka madapa ka sa ginagawa mo!" paalala ni Sabrina. Matalino rin siya at pumapangalawa kay Ysabel ngunit hindi siya kasing adik nito na kailangan palaging perfect ang quiz. "Ssshhhh. Nakikita ko naman ang nilalakaran ko eh," sagot ni Ysabel sa litanya ng kaibigan. "Ay nako, bahala ka nga! Pero pakibilisan maglakad nagugutom na ako hindi ako nakapag breakfast kanina nakalimutan ko kasi e-set iyong alarm clock ko kaya late ako nagising." "Okey po," sagot ni Ysabel ngunit sa notebook niya parin nakatingin. Napailing nalang si Sabrina. At binilisan maglakad dahil talagang gutom na siya. Dahil sa abala sa binabasa hindi napansin ni Ysabel ang malademonyong ngiti ng isang grupo na nakaupo sa madadaanang bench. Pagkatapat na pagkatapat ni Ysabel sa mga ito ay sinadya iinat ni Kara ang paa niya intensyon na patirin si Ysabel. Bulls-eye lagapak si Ysabel sa sementadong daan at humagis pa ang hawak na notebook nito. "Arraayyyy," kumawalang sigaw ni Ysabe bago siya bumagsak padapa. Muntikan pa nangudngud ang mukha niya sa daan mabuti nalang at naitukod niya ang dalawang kamay. Napalingon si Sabrina ng marinig niya ang sigaw ni Ysabel. Nagulat siya ng makita niya itong nakadapa sa dinadaanan nila. Kaya mabilis niya itong binalikan para tulungan. Nagtawanan naman ang grupo ni Kara. "Maganda nga TANGA naman!'' sabi pa ng isa.  "Bilat, buti nga sayo!" sabi naman ng isa pa. "Ayan ang napala mo sa pamamahiya mo sa akin noong isang araw!” galing iyon kay Kara. Pinilit ni Ysabel na tumayo. Ngunit bigla siyang namutla ng makita ang dugo sa tuhod niya. Takot siya sa dugo kaya imbes na tatayo para komprontahin sana si Kara ay nakalimutan na niya ang balak gawin. "Ysa, Oh my Geh! Sabi ko naman kasi sayo eh!" si Sabrina iyon at nakalapit na kay Ysabel. Hinarap ang grupo ni Kara narinig niya kasi ang mga sinabi ng mga ito. "May kinalaman kayo dito noh?" "May pruweba ka?" pagtataray ni Kara. "Huwag mo sa amin isisi ang katangahan ng kaibigan mo." "Oo! Kitang kita ko ang ginawa mong babae ka!" sabat ni Jaden na nakalapit na rin sa kanila. Namutla si Kara masyado siyang nagconcentrate sa pagganti kay Ysabel at hindi niya napansin na nasa bandang likuran lang pala ang grupo ni Jaden hindi kalayuan at kasunod nila Ysabel at Sabrina. "Hindi ba't sinabi ko sayo na huwag na huwag mong sasaktan si Ysa kundi ako ang makakalaban mo!'' pulang-pula sa galit si Jaden. Kung hindi lang babae si Kara ay baka nasapak niya ito. Natameme si Kara. Paano ay ang dami nang taong naglapitan sa kanila at nakikita kung paano siya tratuhin ng lalaking kinababaliwan niya. Tumulo ang luha nito dahil sa halo-halong emosyon na nararamdaman. "S-Sorry Jaden." Hindi pinatapos magsalita ni Jaden si Kara. "Shut up! Ayaw ko nang makita ang pagmumukha niyong umaaligid sa kahit sino sa amin lalo na kay Ysa at baka makalimutan kung babae kayo at masakal ko pa tuloy kayo!" pagbabanta ni Jaden. "Tama na yan Jaden kailangan magamot ang sugat ni Ysa." paalala ni Adam. Si Ysabel ay inalalayan na ni Bryan at Nathan papuntang Canteen mas malapit kasi kung doon nila dadalhin ito kaysa sa clinic. Nakasunod maman si Sabrina na hawak ang tumilapon na notebook ni Ysabel. Si Austin naman ang may dala sa bag ng dalaga. Lalo naman naningkit sa galit si Jaden ng marinig na may sugat si Ysabel. Isa-isang tiningnan ang grupo ni Kara ng masama saka sumunod na sa mga kaibigan. "Patay Kara mas lalo ka pa niyan nawalan ng pag-asa kay papa Jaden!'' Bulalas ng isang kasama ni Kara. "Paano na yan hindi na rin ako makakalapit kay Austin?" wika naman ng isa. "Lalo naman ako! Ang sama ng tingin sa akin ni Bryan," sabat naman ng isang obvious ang pagkagusto kay Bryan. "Shut up nga kayo! Bakit ako lang ba ang nagplano nito? Kundi ba naman kayo mga tanga-- bakit hindi niyo napansin na parating din pala iyong mga boys?'' Ibinunton ni Kara ang inis sa mga kaibigan na sabay-sabay naman nanahimik.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD