Chapter 3-1: The Devil In Disguise

968 Words
MAGMULA ng araw na maiwan si Ysabel ni Jaden ay hindi na talaga inihiwalay ni Ysabel ang paningin sa amo niya. Wala siyang pakialam kung nagmumukha na siyang buntot nito. Oo nga at hindi naman siya napagalitan ni Senyora Beatrice ngunit ayaw naman niyang abusuhin ang kabaitan nito. Kaya siya naroon at nakakapag-aral sa mamahaling eskwelahan ay para magbantay sa unico hijo nito. Banas na banas naman si Jaden dahil kahit saan siya magpunta ay sinusundan siya ni Ysa na parang buntot. ''Ano ka ba, para kang buntot! Huwag mong sabihin na pati sa C.R ay susundan mo pa ako?'' Natauhan naman si Ysabel. Nasa pinto na pala sila ng comfort room ng mga lalaki. Mabuti nalang at pinagsabihan siya ni Jaden. ''J-Jaden huwag mo na naman akong tatakasan ha!” Jaden lang ang tawag niya rito kapag nasa eskwelahan sila hindi kasi gusto ni Jaden na malaman ng mga kamag-aral na may katulong siyang kasama maski sa eskwelahan. Hindi sumagot si Jaden at iniwan siya nito at pumasok na sa comfort room. Naiwan si Ysabel na parang tanga na naghihintay sa labas. ''Napaka possessive mo naman kay Jaden! Maski ba naman sa comfort room ay gusto mo parin sundan?'' boses iyon ni Kara. Isa ito sa tatlong babae na lumapit sa kanya dati at nagtanong kung magsyota raw ba sila ni Jaden. ''May nakalimutan kasi akong sabihin sa kanya,'' pagpapalusot ni Ysabel. ''Sabi mo hindi mo siya boyfriend bakit kung makadikit ka daig mo pa ang asawa?'' mataray na sabi ni Kara. Nainis si Ysabel sa tono ng pananalita ni Kara. Kahit ayaw niya itong patulan ay hindi niya napigilang sagutin ito. ''Bakit ba? Ano naman sayo?'' ''Hindi ba't sinabi ko naman sayo na may gusto ako kay Jaden tapos patuloy ka pa rin bumubuntot sa kanya na parang langaw. Bangaw ka ba? Doon ka sa tae bumuntot at hindi sa Jaden ko.'' ''Eh may gusto kalang pala. Bakit siya ba gusto ka? Kung hindi ka naman pala gusto ng tao, huwag mo akong pakialaman.'' Hindi na napigilan ni Ysabel ang sarili. Nakakapag-init kasi ng ulo ang tono ng babaeng kaharap. ''Abah at lumalaban ka na! Tangkang aabutin ng babae ang buhok ni Ysabel para sabunutan ng magsalita si Jaden. ''What's going on here?'' Bigla naman nagbago ang mukha ni Kara. Ang kaninang matapang nitong mukha ay pinasweet sa harap ni Jaden. ''Jaden, inaaway ako ni Ysabek. Sabi niya layuan daw kita dahil magsyota raw kayo.'' Nanlaki naman ang mga mata ni Ysabel sa sinabi ni Kara. Hindi siya makapaniwala na napaka sinungaling pala nito. ''Sinabi mo iyon?'' tanong ni Jaden kay Ysabel. ''Hindi! Wala akong sinasabing ganoon.'' Sinamahan pa ni Ysa ng sunod-sunod na iling. ''Gagawin mo pa akong sinungaling ngayon?'' mataray na wika ni Kara. ''Yes, you’re lying Kara at huwag na huwag mong tangkain saktan si Ysa dahil ako ang makakalaban mo,'' galit na sabi ni Jaden kay Kara. Nakita niya kasi na muntik nang sabunutan nito si Ysa. Para sa kanya ay walang kahit na sino ang pwedeng mang-api kay Ysabel lalo at wala naman itong ginagawang masama. Siya lang ang pwedeng mang away dito pero hindi siya papayag na apihin ito ng iba. ''Sorry, Jaden! Nagseselos lang naman ako kasi lagi kayong magkasama,'' parang maamong tupa na sabi ni Kara. Si Ysabel naman ay hindi makapaniwala na siya ang kakampihan ni Jaden. May natatago rin naman pala itong bait sa katawan para sa kanya kahit papano. Hindi naman pinansin pa ni Jaden si Kara at tumalikod na. Si Ysabel ay tahimik na sumunod lang dito. Samantalang naiwan si Kara na nagngingitngit sa galit dahil sa napahiya ito. ''S-salamat sa pagtatanggol sa akin!'' sabi ni Ysabel ng makaagapay sa paglalakad ni Jaden. ''Huwag kang magpasalamat hindi ko iyon ginawa para sayo. Ginawa ko iyon para sa sarili ko. Hindi ko rin kasi gusto ang pagsunod-sunod sa akin ni Kara,'' walang emosyon na sabi ni Jaden. Natahimik naman si Ysa. Akala niya ay mabait na ito sa kanya. Iyon pala ay ginawa lang nito iyon para maitaboy si Kara. Sa mga sumunod pang mga araw ay hindi lang si Kara ang nagkokompronta kay Ysabel. Marami pa ang hindi natutuwa sa pagsunod-sunod ni Ysabel kay Jaden sa pag-aakala ng mga ito na may relasyon sila. Ang mahirap pa ay pati ang mga babaeng nagkakagusto kay Bryan ay inaaway din siya dahil sa pagiging malapit nila. ''Ang kiri niya hindi na nakuntento na may Jaden na siya pati ba naman si Bryan ay inaakit niya rin,'' dinig na dinig ni Ysa ang usapan ng isang grupong nadaanan niya. ''Mukha lang palang mahinhin iyon naman pala ay hindotin,'' sabi ng isa pa sa grupo. Inis na inis si Ysa alam na alam niya talaga na siya ang pinag-uusapan at walang pakialam ang mga ito kahit na marinig niya pa. Hindi naman niya gustong gumawa ng gulo kaya iniwasan nalang niya. Bakit malungkot ka? Sinungitan ka nanaman ba ni Jaden?” Puna ni Sabrina kay Ysa. Nanunuod sila ng practice ng basketball kung saan kasali ang lima nilang mga kaibigan. ''Wala naman bago doon eh. Lagi naman talagang masungit iyon sa akin. Nasanay na ako. At isa pa, hindi siya ang nagpapalungkot sa akin,'' sagot ni Ysabel. ''Eh ano pala?'' curios na tanong ni Sabrina. 'Kwenento ni Ysabel ang narinig na usapan ng isang grupo ng kababaihan kanina.'' ''Hay nako, bes huwag mo ngang intindihin ang mga iyon. Inggit lang ang mga iyon dahil hindi sila pinapansin ng mga boys nating kaibigan. Kahit nga sa akin ay ganoon din sila noon, nagsawa nalang sila at hindi naman ako nagpapaapekto. Ngayon naman ay ikaw ang pinag-iinitan nila.'' ''Hindi ko naman gustong patulan nakakainis lang talaga minsan,'' sabi ni Ysabel. "Huwag mo na nga isipin ang mga iyon, insecure lang ang mga iyon kasi maganda tayo," nagbibirong sabi ni Sabrina.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD