BREAKTIME sinadya ni Sabrina na mapagsolo sila ni Ysabel at gusto niya itong makausap. Sinadya nilang humiwalay sa mga kaibigang lalaki at unang pumunta sa canteen para mag merienda.
''Pagpasensyahan mo nalang si Jaden. Sa totoo lang ay maski ako ay hindi makapaniwala na kayang magsalita ni Jaden ng ganoon kanina. Mabait din naman iyon kaso lang sa tingin ko ay hindi niya talaga nagustuhan na pati ngayong high school na kami ay may yaya pa rin siya,' paninimula nito. '
Nakatungo lang si Ysabel at nakikinig sa sinasabi ni Sabrina. Hindi niya alam kung ano ang sasabihin kaya pinili nalang niyang manahimik. Sa totoo lang sa nakalipas na mahigit isang buwan ay nakasanayan na niya ang trato sa kanya ni Jaden. Sino ba naman ang hindi kung sa araw-araw nalang na ginawa ng Diyos ay wala na itong ibang napapansin kundi ang mali niya para magkaroon ito ng dahilan na masinghalan siya.
Nagpatuloy si Sabrina. "Magkakaibigan kaming anim simula pa noong kindergarten kami kaya halos magkakapatid na rin ang turingan naming lahat. Alam namin kung gaano ka over protective ni tita Beatrice kay Jaden. Noon nga si tita pa talaga ang nagbabantay kay Jaden sa eskwelahan. Kaya madalas napapaaway si Jaden kasi lagi siyang tinutukso na Mama's boy. Kaya hininto ni tita ang pagpapakita sa school namin pero may yaya pa rin si Jaden na siyang pumalit dito. Noong mag-asawa at nagresign ang dati niyang yaya sobrang pasalamat ni Jaden. Inakala niya siguro na nakawala na siya sa pagkakaroon ng yaya. Hindi niya siguro akalain kukuha ng kapalit si tita Beatrice at papa bantayan pa talaga siya pati sa loob ng eskwelahan.''
''B-Bakit over protective si Senyora Beatrice kay Senyorito Jaden? curious na tanong ni Ysabel.
''Alam mo naman na nag-iisang anak lang din si Jaden. Siya rin ang nag-iisang taga pagmana ng pamilya niya. Nagkasakit daw kasi noon si tita Beatrice at naoperahan sa ovary at hindi na nagkaroon ng kapatid si Jaden. Lagi daw ata takot si tita Beatrice na mawala ang nag-iisang anak at tagapagmana ng lahat ng kayamanan ng pamilya kaya naman napaka over protective nito na kinaiinisan naman ni Jaden. Malamang kaya ka sinusungitan ni Jaden para ikaw mismo ang mag resign,'' naiiling na kwento ni Sabrina.
''Kailangan namin ng Mama ko ang trabahong ibinigay sa amin ni Senyora Beatrice. Kung hindi dahil sa kanya ay baka hindi pa ako makapag-aral dahil hindi makahanap ng permanenteng trabaho si Mama.Ang kinikita naman namin sa paglalako ng isda ay hindi sapat. Kaya kahit anong trato niya sa akin titiisin ko nalang,'' nahihiyang amin ni Ysa.
''Huwag kang mag-alala nandito naman kami. Kaibigan mo na rin kami at hindi kami papayag na apihin ka ni Jaden gayong wala ka naman kasalanan sa kanya.''
''Talaga? Kaibigan na tayo?'' hindi makapaniwala na tanong ni Ysabel.
''Oo naman kung gusto mo pa nga ikaw nalang ang best friend ko. Puro kasi lalaki ang mga kaibigan ko tapos si Adam ang lalaki kung best friend. Wala kasing nakikipagkaibigan sa akin na babae kaya lalaki nalang ang mga kaibigan ko.''
''Bakit?'' nagtatakang tanong ni Ysabel. Maganda at mabait si Sabrina kaya hindi niya maintindihan kung bakit walang gustong makipagkaibigan dito katulad ng sinabi nito.
''Ewan ko ba. Sabi ni Mommy insecure daw ang mga girls sa beauty ko.” Tumawa ito. “Since magkasing level ang ganda natin baka hindi rin makipagkaibigan sayo ang mga girls kaya tayo nalang ang mag best friend,'' nakangiting paliwanag ni Sabrina.
Natutuwa si Ysabel dito napaka daldal kasi nito at diretso kung magsalita. ''S-Sige gusto rin kitang maging best friend. Lalaki din kasi ang best friend ko tapos sa ibang school pa siya nag-aaral,'' nakangiting sabi ni Ysabel. Hindi siya makapaniwala na may isang katulad ni Sabrina na makikipagkaibigan sa kanya at hindi lang kaibigan kundi gusto pa siyang maging best friend.
Tuwang-tuwa naman si Sabrina. Sa wakas ay may girl best friend na siya. Hindi na si Adam lagi ang kukulitin niya. Napagkakamalan na kasi tuloy silang magsyota dahil ito ang madalas niyang kasama.
Natigil ang pagkakatuwaan ng dalawa ng dumating si Jaden kasabay ng mga kaibigan nito.
"Akala ko ba kaya ka binabayaran para asikasuhin ako? Mukhang ngayon pa lang ay nakakalimutan mo na agad ang trabaho mo ah," masungit na paninita nito kay Ysabel.
"Hindi na po mauulit Senyorito," mahinang sabi ni Ysabel na napatayo mula sa kinauupuan. "May kailangan po ba kayo?"
''Ako ang naghatak sa kanya dito. Huwag mo siyang pagalitan," pagtatanggol naman ni Sabrina kay Ysabel.
Hindi manlang ito pinansin ni Jaden. "Ibili mo ako ng meryenda at nagugutom na ako." Nagbigay ito kay Ysabel ng pera at sinabi kung anong ipapabili.
Inabot ni Ysabel ang pera at tumalikod na papunta sa kinalalagyan ng mga binebentang mga pagkain.
Sumunod naman si Bryan dito. "Samahan na kita Ysa," nakangiting sabi nito.
Lalo naman nadagdagan ang inis ni Jaden ng makita niyang si Bryan ang may dala sa pagkain na pinabili niya kay Ysa.
"Hindi ba’t ikaw ang inutusan ko?" agad na wika nito kay Ysa.
"Relax, dude! Sinabay ko lang naman sa mga binili ko," si Bryan napapailing sa tratong ginagawa ng kaibigan kay Ysabel.
Wala naman imik si Ysabel at siya na ang naglagay ng mga pagkain sa harap ng masungit na amo. Pagkatapos mailapag ng pagkain ay may naisip siyang pang-iinis sa amo.
"Gusto niyo po bang subuan ko kayo, Senyorito?" tanong ni Ysabel at iniumang ang tinidor na may lasagna. ''Say ahhh.''
Nagtawanan naman ang mga kaibigan ni Jaden sa ginawa ni Ysabel.
"Oh, baby damulag nganga na susubuan kana ng yaya mo," nang-aasar na sabi ni Austin. Nakipag high five pa ito kay Nathan.
"Ako na!" At inagaw ang tinidor kay Ysabel sabay tapon ng naiinis na tingin sa mga kaibigan.
Alam ni Ysabel na lagot siya sa amo ngunit sumosobra na ito. Kailangan niya rin itong gantihan paminsan minsan.
"Lagot ka! Ginalit mo ang kamahalan," bulong ni Sabrina kay Ysabel.
Kahit nag-aalala sa galit ng amo sa kanya ay hindi maiwasan ni Ysabel na matuwa. Kahit paano ay naka ganti siyang inisin ito. Iniiwasan niya nalang mapatingin dito kasi kung nakamamatay ang tingin baka kanina pa yata siya tumihaya sa animo may patalim na mga titig ni Jaden.