DANIELLE’S POV Kinabukasan. Maaga akong pumunta kila James. Gusto ko nang malaman ang katotohan. Tama si papa. Kailangan kong malaman. Pagdating ko doon, nakailang doorbell na ako pero wala pa ring sumasagot. Mukhang walang tao. “Sino ka?” Nagulat ako sa nagsalita mula sa likuran ko.Nakita ko ang isang lalaki na halos kasing edaran ni papa,pero kamukhang kamukha siya ni James.Siya na ba si James?Bakit mukhang tumanda siya? "James, ikaw na ba yan? Anong nangyari sayo? Bakit ganyan na ang itsura mo?" "Bakit, ano bang itsura ko?" "Parang.. parang tumanda ka nang kaunti.” Ngumiti bigla si James. "Ikaw nga." Napakunot ang ulo ko sa sinabi niya. Hindi ko maintindihan. "Ano pong ako nga?" "Ikaw.Ikaw yung nililigawan ng anak ko." "Anak niyo po?" "Oo. Anak ko si James." Nagulat ak

