DANIELLE'S POV “Danielle! Hintayin mo kami!” Hindi ko na pinansin ang sigaw nila Neil dahil nagmamadali na ako.Sabay sabay na sana kaming pauwi galing sa school nang biglang nagtext si Tita Jaira.Sinugod daw sa hospital si James at nasa ICU siya ngayon. Pagdating sa ICU, nakita ko sila tito Mervin at tita Jaira sa labas. "Tita, ano po ang nangyari?” Hindi ako sinagot ni tita dahil patuloy lang siya sa pag iyak. "S-sinugod si James dito da-dahil kanina, habang kausap namin siya sa HFHF, bigla umatake yung sakit niya sa puso. A-ayaw niya sanang magpadala sa hospital kaso namimilipit na siya sa sakit.Hindi na rin siya makahinga k-kaya dinala na namin siya dito." Kinabahan ako bigla. Ang lakas ng kabog ng dibdib ko. "A-ano daw p-pong sabi ng doktor?" "Under observation pa rin siya k

