DANIELLE’S POV Pagkatapos ng klase ko ngayong araw, excited akong pumunta sa hospital. Pagkatapos kasi ng isang linggong pagka-confined ni James sa ICU, nailipat na siya sa kwarto. Bumuti naman na kahit papaano ang paghinga niya. Pagdating sa ospital, tumakbo agad ako papunta sa room number na itinext ni ate Jamie.Naabutan ko siyang natutulog sa upuan.Kusa siyang nagising pagkadating ko. "Uhmm.Danielle, nandito ka na pala. Maaga ka yata ngayon?" "Ah opo. Hanggang 3PM lang po kasi ang klase ko ngayon." "Ganun ba? O siya, pwede bang maiwan muna kita dito? Bibili lang ako ng pagkain. Hindi pa kasi ako nakain ng lunch eh." "O sige po ate. Ok lang po." Nginitian lang ako ni ate Jamie tapos umalis na.Tiningnan ko lang si James at naupo sa upuan na nasa tabi ng higaan niya.Maya-maya lang

