JAMES’ POV Pag-uwi ko sa bahay, dumating din si Rhiane at nagsabing gusto akong makausap kaya nandito kami sa garden ngayon. "Kumusta?" "Nagkita lang tayo kanina." "I mean, kayo ni Danielle. Kumusta kanina?" "Ok naman. Thanks." “Huh?” "Nag-enjoy kami, at dahil yun sayo. Salamat." "Hindi ka na ba galit sa akin?" "Pag-iisipan ko." "That line! Alam ko iyan! Kapas sinasabi mo iyan, ibigsabihin , oo ang sagot mo!." "You really know me, don't you?" "Of course I do. Bata pa lang magkasama na tayo." "Pero nawala ka." "I-I am sorry." Natahimik kami nang ilang minuto bago siya ulit nagsalita. "Last na punta ko na dito." Napatingin ako sa kanya. "Nagtataka na si tita no?" "Oo eh. Kaya matagal din akong hindi nakapunta." "Ok na yun. Sa totoo lang, nag-aalala ako sayo, baka kas

