CHAPTER NINETEEN

1737 Words
DANIELLE’S POV Andito kami sa mall ngayon ni James. Kasama sina Alexa, Neil, Rhiane, Daren at ang nakababatang kapatid niya na si Riyu. Ewan ko ba kung anong trip ni Rhiane. Bigla na lang kaming pinagsusundo at niyaya magmall. Ang alam ko, hindi pumayag si Daren. Sumama lang siya dahil gusto ni Riyu. Sabay-sabay na kaming kumain sa Jollibee. Iba-iba kami nang ginagawa. Sobrang sweet ni Neil at Alexa, si Rhiane at Daren, halos magbugbugan na, ako at si James, nagbubugbugan na. Nag-aagawan kasi kami sa pagkain. Kinukuha niya ang fries ko kaya kinuha ko ang sundae niya. Nagkahiwa-hiwalay lang kami noong manonod na ng sine. Iba-iba kasi ang papanoorin namin. Si Alexa at Neil, love story, si Rhiane at Daren naman, adventure dahil kasama nila si Riyu. Kami ni James, action movie. Naging masaya naman ang panonood namin. Maganda ang palabas. Pagkatapos noon, nagikot-ikot kami sa mall. Nakarating kami sa Watsons at nakita ko ang mga make up na may nakalagay na try me. Siyempre! Hindi ko pinalampas iyon. Pumasok kami sa loob, at minake upan ko si James. Todo tanggi siya noong una, pero magaling ako eh! Hindi siya mananalo sa akin. “Tsk! Anong ginawa mo sa mukha ko?” pagrereklamo niya ng makita ang itsura niya sa salamin. Natural, hindi ako marunong gumamit ng make up. Nagmukha tuloy siyang pokemon na sinulatan ni jiglypuff ng kung anu-ano sa mukha habang tulog. Pagkatapos noon, dumiretso kami sa CR para hugasan ang mukha niya. Badtrip na badtrip siya kasi hindi niya malaman kung paano siya haharap sa mga tao. Ako naman, mamamatay na kakatawa. Paglabas niya sa CR, tumuloy na kami sa pamamasyal. Hanggang sa may nakasalubong kaming batang babae na iyak nang iyak. Mag-isa lang siya. Nilapitan siya agad ni James. “Hey, baby, why are you crying? Where’s your mom?” “I don’t know.” Umiiyak na sagot ng bata. “Are you crying because you are lost?” “No. I am crying because my mom wants to buy me a new dog.” Tumingin sa akin si James. Umiling ako. Ibigsabihin, ayokong makipag–usap. Dumudugo na ang ilong ko sa kanila eh. “New dog? Then why are you still crying?” baling muli ni James sa bata. “Because I don’t want a new dog. I only want Spookie. I promised to love her forever.” “Where is she?” “She died yesterday.” sagot ng bata na nagdagdagan pa ang pag-iyak. “What’s your name?” “Cassie.” “Ok Cassie, listen to me. You promised to love her forever right? Don’t worry, it’s still okay if you would get a new dog. It doesn’t mean that you don’t love Spookie anymore. It’s not necessary to be with her forever physically just to prove that you will love her forever. You know why?” Umiling iling naman ang batang babae. “Because the true forever is in your heart.” Pagkasabi ni James ng sentence na iyon, humina ang pag-iyak ng bata.Sakto namang dumating ang nanay niya na alalang-alala sa kaniya. Nagpasalamat din sa amin ang babae. Natatawa na lang ako kasi pagdating ng mommy niya, ang sabi ni Cassie, excited na daw siyang bumili ng bagong aso. Lumapit na ulit sa akin si James at ngumiti. Napangiti lang din ako, kahit hindi ko naintindihan ang mga sinabi niya sa batang iyon, humanga pa rin ako sa kaniya. Oo, seryoso, hindi ko naintindihan. "Danielle, anong pangarap mo?" “Bakit mo naman naitanong iyan bigla?” “Wala naman. Just to know.” "Tsk.. Pangarap? Sa totoo lang, wala pa. Go with the flow lang. Ang gusto ko lang ngayon, mapanood ang sunset kasama ang taong magiging pinakamahalaga sa buhay ko." "Sunset??" "Oo. Sunset..Astig kasi eh!" "Sino naman ang pinakamahalagang taong iyon?" "Ewan ko. Hindi ko pa alam. Kusa ko namang mararamdaman iyon eh. Ikaw James?” "Pangarap kong maging writer eh." "Writer? Bakit naman?" "Wala lang.Hindi ko din alam. Natutuwa kasi ako kapag nagsusulat. Kahit boring man iyon para sa iyo." "Tsk.Boring naman talaga." "Pero alam mo Dan? Kung maging writer man ako, story natin ang una kong susulatin kahit anong mangyari." Napangiti na lang muli ako sa sinabi niya. Nakikita ko sa mga mata niya na gustung – gusto niya talagang matupad iyon. Pumunta kami sa quantum. Naglaro lang ng kung anu-ano hanggang sa may naalala ako. “James?” “Hmmm?” “Paano mo nga pala napapayag si mama?” JAMES’ POV Natigilan ako sa tanong ni Danielle. Inalala ko ang mga nangyari nang araw na pumunta ako sa kanila para hingiin ang permiso ng mga magulang niya. FLASHBACK Nandito na ako sa tapat ng bahay nila Danielle. Hindi ko maikakailang kinakabahan talaga ako Nakailang tawag na ako sa pero wala pa ring nagbubukas ng gate. Hanggang sa may nagsalita mula sa likuran ko. “Anong kailangan mo?” Pinapasok niya ako sa loob at pinaupo sa sofa. Pinaghanda niya rin ako ng juice. Ipinalagay niya lang ang mga pagkaing dala ko sa lamesa nila sa kusina. “Ako po si James Marvin Esquivel. Kaklase ko po ang anak niyong si Dan---.” “Diretsuhin mo ako sa kailangan mo.” “H-hihingi lang po sana ako ng p-permiso niyo.” kabadong sagot ko. “Para?” “L-ligawan po si Danielle.” Natahimik ang mama niya. Sumandal sa sofa at ngumiti. "Si Danielle? Kakaiba.Tomboyin. Ayaw sa mga babae. Tamad mag aral. Parang lahat yata ng negative traits, sinalo niya. Kaya hindi ko maisip kung anong pwedeng maging dahilan para ligawan mo siya." "I have one reason ma'am. And I guess, that reason is enough to explain why do I want to court her." "Then what is it?" "The fact that I like her. And I am falling for her." "Do you think, that's enough?" "I guess so." Tumahimik kami saglit. "That child.. I really don't know what I am going to do with her. Ang tamad niya, at parang walang pangarap sa buhay." "I guess, hindi niya pa nalalaman iyon sa sarili niya." "I don't think so. Hindi niya rin namam inaalam." Hindi ko napigilan ang sarili ko at bahagya akong napatawa sa sinabi niya. "Gusto mo bang malaman kung bakit ako ganito kay Danielle?" "Kung pwede po." Ngumiti ulit ang mama niya. "Natatakot ako." "Natatakot po? Saan?" "Natatakot ako na baka hindi niya kayanin kapag nawala ako sa kanya. That's why ayokong mapalapit sa kaniya, at hinahayaang magalit sa akin.” "What do you exactly mean?" "Don't get me wrong. Wala naman akong sakit, or whatsoever..Sadyang tinatanggap ko lang ang katotohanan na mawawala din ako, someday. Mag isa lang si Danielle. I mean, nag iisang anak ko lang siya. Natatakot ako na kapag sobrang napalapit siya samin, hindi niya kayanin ang panahong yun." "Bakit niyo naman po nasabi yan?" "Noong bata ako, sobrang close kami ni ate kay mama. Pero nung namatay siya, hindi ko kinaya. Nagalit ako sa lahat ng nasa paligid ko. Bakit kasi yung mama ko pa?Pwede namang iba na lang muna. Gusto ko na nga ring mawala nung mga panahong yun eh.Medyo OA, pero iyon ang totoo. Feeling ko, hindi ko kakayanin ng wala siya. Pero nandiyan si ate. Mas malakas siya sakin.Naging matatag siya. Tinulungan niya akong kayanin. Pero paano si Danielle? Mag isa lang siya. Hindi ko alam kung paano niya haharapin yung ganoong bagay." "S-sa t-tingin ko po, kahit ilayo niyo yung sarili niyo sa kanya, darating pa rin sa point na mararanasan niya yung ganyan. Hindi naman po yung pagiging malapit niyo sa mama niyo ang naging dahilan ng pagkalungkot niyo eh." "What do you mean?" "Kaya kayo nagkaganun, kasi you love your mom. Si Danielle, malayo siya sa inyo, pero she loves you.Kaya hindi rin po maiiwasan yun." “You really amazed me huh?" "Kung sakali man din pong dumating na yung point na yun, hindi ko rin naman po pababayaan si Danielle. " "Bakit? Nakakasiguro ka ba na mauuna akong mamatay sayo? No one can tell." Napatahimik ako sa sinabi niya. Masiyadong straightforward. "Kung sakali man pong ako ang mauna at maapektuhan si Danielle sa pagkawala ko, hindi rin po ako mag-aalala. Kasi nandiyan kayo para sa kanya." Ilang minuto na naman kaming natahimik bago siya nagsalita. "Thank you fo making me realized those things. Si Danielle? She doesn't care everything. Kung anong nakikita niya, iyon na iyon,and I think, you're the right person for her para iparealize sa kanya ang mga bagay na hindi niya maintindihan." "I know, you care for her." "Of course. She's my daughter after all. Kung wala akong pakialam, hindi ako gigising ng maaga para gisingin siya, hindi ako magtatanong kung saan siya galing kapag ginabi ng uwi. Hindi ako magtatanong kung bakit mababa ang grades niya. Pero dahil pinapaniwalaan ni Danielle ang kung ano lang ang nakikita niya, mas naniwala siya na galit ako sa kanya. Yung fact na lagi akong sumisigaw, iyon lang ang nakikita niya." "You love her." "I do." Ngumiti ako at ngumiti din ang mama niya sa akin. Nawala na ang kaba ko sa dibdib. “Pumapayag na ako.” “Po?” “I am giving you my permission to court her.” “Pero, ni hindi niyo pa po ako ganoon kakilala.” “It doesn’t matter to me. Ang paglalakas-loob mong pumunta dito ay sapat na para makilala kita.” “Salamat po ma’am.” “Tita” “T-tita.” Tumingin naman siya sa orasan, tapos pumasok sa kwarto at kinuha ang laptap. “I guess, it's now her father’s turn.” “Thank you po ulit ma’am este tita.” “Welcome, pero sana, huwag ng makarating ang pinag-usapan natin kay Danielle ha?” “O-ok po.” END OF FLASHBACK Iyon ang naging usapan namin. Maayos naman ang sa papa niya. Dinadaan sa biro ang lahat pero alam mong seryoso iyon. Alagaan ko daw si Danielle dahil nag-iisa niyang baby ang tomboy na katabi ko ngayon. “Hoy James! Tinatanong kita, aba!” “Huwag mo nang alamin!” “Dali na! Ang sungit kaya ni mama. Paano mo siya napapayag?” “Just shut up, okay? You’re so noisy.” Inirapan niya na lang ako at bumalik sa paglalaro ng basketball.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD