CHAPTER EIGHTEEN

1892 Words
RHIANE'S POV Job well done RJ. I am so smart, beautiful and sexy talaga. What do you think? E kasi naman, I have this feeling na tagumpay ang plano ko. Oo! Pinlano ko lahat. Parte ng plano ko ang mga pinagsasasabi ko kay DL at JM. I provoked them! Ang bagal kasi eh. Ayoko sa lahat, yung mga torpe.Halata namang gusto na nila ang isa't isa, pero ayaw pang magkaaminan. Nakakainip kapag ganoon.Hintayan forever! Base on their reactions, mukhang naapektuhan talaga sila sa mga sinabi ko.Sorry na lang kay 'Daren guy' na iyon at siya ang nakita kong kausap ni Danielle. Kanina pa din kasi ako sa school nila James.Nag inquire ako ng kailangan kapag nagtransfer at naghingi ng school manual. Tapos nakita ko si DL na tumatakbo.Sinundan ko.Tapos nakita ko siya at si Daren. Oo, I know him! Siya ang lalaking kinabubwisitan ko! Nakilala ko lang siya dito dahil sa kasamaang palad, magkatabi ang bahay namin. Actually, hindi ko siya ganoon kakilala. Pangalan niya lang ang alam ko. Saktong siya ang kasama ni Danielle, so naging helpful naman ang pangalan niya.Ni hindi ko nga alam na magkaibigan pala sila ni DL. I guess, I owe that Daren guy a lot. All in all, hindi ako kontrabida sa buhay ni Danielle at James. Ok, I like James, pero hindi ko talaga ugaling ipilit ang sarili ko sa hindi ako gusto. I hate kontrabidas actually.Isa pa, I'll focus myself in finding my knight without a shining armor. DANIELLE’S POV Valentine’s Day na ngayon at may Feb. Fair sa school. Sa totoo lang, ayokong umattend sa mga ganoon. Ang boring kasi, at isa pa, corny. Ngayon lang ang ako pupunta dahil may gagawin ako. May gagawin akong CORNY din. Tsk. Nitong mga nakaraang araw, nagpapaturo ako kay Daren maggitara. Balak kong kantahan si James ngayon. Ang corny talaga eh. Tsk. Napaisip kasi ako sa sinabi ng bitchesang Rhiane na iyon. Nagtataka ako kung bakit ako apektado. Tsk. Gusto ko na pala siya, at ayokong makuha siya ni Rhiane. Bahala na talaga mamaya! Bahala na sa kahihiyang gagawin ko. Walang nakakaalam nito. Maski si Daren, hindi alam. Ang sinabi ko lang na dahilan kung bakit ako nagpapaturo ay dahil gusto ko lang matuto. Paglabas ko ng bahay, nagulat ako nang madatnan ko ang bitchesa na masama ang tingin sa akin. Ang tagal ko daw lumabas, e una sa lahat, hindi ko naman alam na nandito siya. Pinuna niya ang damit kong pants at t-shirt lang. Civilian attire kasi ngayon at ipinagmamalaki niyang DATE siya ni James. “Pumunta ka ba dito para mang-inis?” “Hindi. Pwera na lang kung maiinis ka dahil date ko si James.” Inirapan ko lang siya. “Sumama ka sa akin. Bilis!” Hindi pa nga ako nakakasagot pero hinatak niya na ang kamay ko. Dinala niya ako sa bahay nila na nalaman kong katabi lang ng bahay ni Daren. Pinagpalit niya ako ng damit. Ang pants at t-shirt ko ay pinalitan niya ng shorts at off shoulder. Nakarubber shoes pa rin ako. Pagkatapos noon, dinala niya ako sa parlor at pinagupitan ang buhok ko. Ang kapal ng babaeng ito. Hindi naman kami close. “Bakit mo ba ginagawa ito? Nakakainis! Maikli na tuloy ang buhok ko!” “You look good! Dry na yung mahaba mong buhok, mahiya ka naman!” Dumiretso na kami sa school pagkatapos. Nakita naming sila Daren sa booth nila. Magbabayad ka ng lima para sa song dedeication. Naggigitara si Daren at si Neil ang kumakanta. Minsan, nagpapalitan sila. Wala ang atensyon ko sa mga sinasabi nila noong nag – iikot kami dahil hinahanap ko si James. Nagtataka din ako kung bakit kasama namin si Rhiane. Akala ko ba, date sila? Ayoko namang tanungin dahil baka mahalata ako. Dumating ang hapon at wala pa rin si James. Nagliligpitan na sila ng mga gamit nila sa kanya-kanyang booth. “Dan, akala ko ba, gagamitin mo ang gitara ngayon?” tanong sa akin ni Daren. “Tinamad na ako. Tsk.” sagot ko at tumakbo papuntang SB. Bwiset! Bwiset talaga! Ang tanga tanga ko! Bakit ba kasi hindi ko naisip na pwedeng hindi siya pumunta?!Sa sobrang inis ko, tinapon ko na yung letter na ginawa ko para sa kanya. Hindi ko alam kung saan ako dapat mainis!Mangyayari ba ulit ang nagyari sa akin noon kay Neil?Siya ang tumulong sa akin dati, ngayon, sinong tutulong? Napatingin ako sa mga daliri ko.Namumula pa rin yung dulo noon kakapilit ko sa pag-abot ng strings ng gitara. Ilang araw din kasi akong nagpractice.Hindi ko naman pala magagamit. Pinagbubunot ko ang mga damo sa ilalim ng puno dito sa SB. Hanggang sa bigla na lang nabasa ang pisngi ko.Hindi ko namalayan, umiiyak na pala ako. “DL..." May tumawag sa akin..Alam ko na kung sino yun dahil iisa lang naman ang tumatawag sa akin ng cornyng DL. "Its ok if I'll see you crying." sabi niya pero hindi ko pinansin. "DL, I know, you're waiting for him." Hindi pa rin ako sumasagot at patuloy lang sa pagbubunot ng damo. "I am sorry." sabi niya nang mahina. Nanatili kaming tahimik nang ilang minuto bago ako tumigil sa pagbubuntong ng inis ko sa damo.Pinunasan ko ang luha ko.Tumayo ako at lumapit sa kanya. "Bakit ka nagsosorry?" "Basta. I am sorry. Hindi ko naman alam na---." "Tumigil ka na. Hindi ko siya hinihintay. Ikaw? Date ka niya di ba? Dapat magalit ka dahil hindi ka niya sinipot. Lalaking yun talaga." "Dan---." "Tama na. Uuwi na ako. Mapapagalitan na naman ako. Umuwi ka na rin. Itong damit mo babalik ko na lang kapag nalabhan na." sabi ko nang walang emosyon at tuluyan na ring umalis. Habang naglalakad ako pauwi sa bahay, hindi ko pa rin maiwasang maisip ang nangyari kanina.Nangyari? E wala namang nangyari eh. Tumulo na naman ang mga peste kong luha. Papalapit na ako sa bahay ng biglang lumakas ang t***k ng puso ko.Kinakabahan ako.Siguro, dahil alam kong mapapagalitan na naman ako ni mama. Nakarating na ako sa tapat ng gate namin.Huminga muna ako ng malalim. Dahan-dahan kong binuksan ang gate. Hindi ko inaasahan, na sa pagpasok ko, lalong makakapagpalakas ng t***k ng puso ko ang nakita ko. Nagsimula siyang magstrum ng gitara. Tinutugtog at kinakanta niya ngayon ang Falling In na sa pagkakaalam ko ay kinanta ng Lifehouse.Nakatingin lang ako sa kanya habang nag sstrum siya ng gitara. Nakatingin lang din siya sa mga mata ko. 'Every time I see your face My heart takes off on a high speed chase Now don't be scared, it's only love That we're falling in I would never do you wrong Or let you down or lead you on Now don't look down, it's only love Baby, that we're falling in Don't be scared, it's only love Baby, that we're falling in' Pagkakanta niya sa last chorus, tumigil na siya sa pag strum pero nakatingin pa rin siya sakin. Ganoon din ako. Maya-maya, tumayo na siya.Papalapit siya nang papalapit sa akin. "Daniella Louise." Pakiramdam ko, kinilabutan ako nang tawagin niya ang pangalan ko. "Alam mo bang ang tanga tanga ko? Mas tanga pa yata ako kaysa sayo, sa totoo lang." sabay tawa niya ng bahagya. "Tanga ako kasi ngayon ko lang narealize ang nararamdaman ko para sayo. Sa tuwing nakikita kita, bumibilis ang t***k ng puso ko. Sa tuwing may kasama kang iba, nagseselos ako. Akalain mo iyon? Mas mahirap pa pala ito sa pagsolve ng mga angles ng geometric figures. Mas mahirap pa pala ito sa pagcombine ng mga formulas sa chemistry. Mas mahirap pa sa pag aaral ng naging buhay ni Rizal, mas mahirap pang kabisaduhin kaysa sa kasaysayan ng mun---" "Teka. Teka, pwedeng huwag mo na ikumpara sa subjects? Nahihilo na ako sa mga sinasabi mo eh!." "Huwag ka naman manira ng moment. Ang hirap hirap sabihin nito, nagrereklamo ka pa diyan?!" "S-sabi ko nga eh. Sorry naman.. Sige. Tuloy.." "Mas mahirap kabisaduhin kaysa sa kasaysayan ng mundo. In short, ito na yata ang pinakamahirap na bagay na naranasan ko. Ang hirap alamin. Pero kung sakaling ang subject na ito lang ang pag-aaralan ko, ok lang. Masaya pa rin ako. Dahil ang subject na 'to, ay tungkol sa pagmamahal ko sayo." Napayuko ako nang dahil sa sinabi niya. "Danielle, alam ko, matagal ko nang nararamdaman ito para sayo. Pero tinatago ko lang. Or should I say, ayaw ko lang talagang tanggapin. Dahil natatakot ako.Pero ngayon, hindi na. Kasi narealize ko, na.. Hinawakan niya ang baba ko at hinarap sa kanya ang mukha ko.Magkatinginan na naman kami ngayon. "Falling inlove with you is the least thing I'll be afraid of." Lumakas lalo ang t***k ng puso ko. Feeling ko nga, lalabas na sa dibdib ko. Iyon lang din ang naririnig ko. “Danielle, iba ka sa lahat ng babaeng nakilala ko, kaya naman ganito ang ginawa ko. I respect you. I really do. Kaya naman, tinanong ko muna yung parents mo about dito. Kaya hindi ako pumunta sa Feb.Fair, dahil nandito ako magdamag sa inyo para lang makiusap sa mama at papa mo, and guess what? Pumayag sila. Ikaw na lang ang kulang.. Kaya Danielle..." Mas lalo na naman siyang sumeryoso. “May I court you?” Hindi ako makapagsalita dahil sa halu-halong emosyon. Kaba, kilig, saya. Ang sarap sa pakiramdam. "I am waiting." dugtong niya gamit ang HUSKY voice. “Yes.” sambit ko at ngumiti. Ngumiti din siya sa akin at niyakap ako. “You’ll never regret this.” Ilang minuto kaming magkayakap bago siya bumitaw. “Teka, sabihin mo sa Daren na iyon, may nanliligaw na sa iyo, kaya hindi ka na pwede!” "Ano? Paano nadamay dito si Daren?" “Nililigawan ka niya, hindi ba?” “Ano? Saan mo naman nakuha iyan?” "Nakita ko kayo." "Nakita? Ano ba? Kumpletuhin mo nga." "Nakita ko kayo sa may school garden. Kinakantahan ka niya. Hindi mo ako pinapansin, yun pala, nakikipagkita ka sa kanya.” Natawa na lang ako sa sinabi niya. “Nagseselos ka ba?” “What if yes?” “Tsk! Huwag kang magselos. Nagpapaturo kasi ako sa kanya maggitara. Kakantahan sana kita ngayong Feb. Fair, hindi ka naman umattend. Engot ka talaga!” “Bakit mo ako kakantahan?” “E malamang, magtatapat! Ano ba iyan, hindi mo nakuha yung logic doon? Tsk. Bobo.” “Logic,logic na pinagsasasabi mo diyan! Ewan ko sa iyo.” Natawa na lang ako at ilang minuto ulit kaming tumahimik bago sabay na nagsalita. “James/Danielle.” Natigilan kami pareho. Hindi na ako nakapagsalita nang makita ko ang mukha niya. Hindi rin naman siya nagsasalita. Nararamdaman ko na lang na papalapit ng papalapit kami sa isa’t-isa hanggang sa... “Tama na iyan! Pumasok ka na Danielle! James gabi na, umuwi ka na.” Nagpaalam na si James sa akin at kay mama. Nakakahiya! Naabutan niya kami sa ganoong sitwasyon. Pagpasok ko sa loob, ang daming pagkain. Ang sabi ni mama, dala ni James lahat. Heart shaped cake. Heart shaped cupcakes. Nakakagutom. Tinext ko agad siya. To: James Baka naman magkadiabetes ako dito sa mga pinapakain mo. Nagreply naman siya agad. From: James Kung magkakadiabetes ka man, hindi iyon dahil sa mga pagkaing dala ko, kung hindi sa pagmamahal ko Sleeptight! Goodnight! Hindi na ako nagreply. Nadatnan ko na lang ang sarili kong nakangiti habang pinagmamasdan ang mga pagkain sa lamesang dinala niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD