DANIELLE'S POV
Tatlong linggo na ang nakalilipas simula noong nagkausap si Rhiane at James.
Kinwento sa akin ni James ang nangyari. Naaawa ako sa pamilya niya lalo na sa papa niya. Kung tutuusin, parang pangtelenobela ang mga ganun. Hindi ko naman akalaing nangyayari pala talaga yun.
Nandito kami sa SB ngayon at patuloy lang inaasar ng mga tropa ko si Chris. Nainlove na daw kasi si Chris sa huling nililigawan niya sa text. Nakipagkita siya kasi balak na sana niyang magseryoso. Pagdating niya sa meeting place, bakla pala ang katext niya. Ang sabi niya, nagtatatakbo siya paalis. Hinabol daw siya pero ang sabi na lang ni Chris, hindi siya ang katext niya. Hanggang ngayon , lugmok pa rin siya. Andun na daw eh! First love niya na, bakla pa. Dinadamayan siya ni Mark samantalang si Chris at Bryan ay nang-aasar nang todo. Si Daren at Neil naman, nag-uusap sa isang tabi. Hindi ko alam kung ano ang pinag-uusapan nila dahil may sarili akong iniisip.
Sa tatlong linggong lumipas, dalawang araw lang ang ipinasok ni James. Ibigsabihin, magtatalong linggo na rin siyang ABSENT! Oo, absent siya. Nagkalagnat daw. Hindi ko naman maintindihan ang sarili ko kung bakit ako nag-aalala. Gusto ko siyang puntahan sa kanila kaso naiilang ako. Isa pa, baka kung anong isipin ng mama niya.
Sa totoo lang, kahit may lagnat iyon, pumapasok pa rin. Ibigsabihin, hindi niya talaga kaya ang sakit niya ngayon. Nakakapagtaka tuloy.
Pagkatapos ng klase nadatnan ko na lang ang sarili kong naglalakad papunta sa bahay nila.
Maya maya, naramdaman kong may kasabay na akong maglakad. Si Rhiane. Binati niya ako at tinanong kung pwede daw ba akong makausap. Siyempre tinanggihan ko. Hindi naman kami close no. Pero nagpumilit siya. Naiinis ako sa kanya. Ang arte niyang magsalita.
"Hindi na ako magpapaligoy ligoy pa. Dan-Dany, what's your name again?"
"Danielle."
"No. Full name."
"Daniella Louise."
"Ok. I'll call you DL."
"DL?”
"Yeah. Sorry, mahina ako sa pagmememorize ng names kaya gumagawa ako ng sarili kong nickname."
Inirapan ko lang siya. Nagpakilala na naman siya ulit sa akin at sinabing RJ ang itawag ko sa kaniya. Ang baduy ng mga nicknames niya. Nakakabwiset.
“Alam mo ba kung sino ako sa buhay ni James ha, DL?”
"Pakialam ko naman?!"
"I know you care."
Kahit patuloy ako sa pagsabi nang walang pakialam, pinilit niya pa rin na gusto ko din makinig sa kanya. Sabagay. Tama din naman siya. May parte sa utak ko ang gusting making sa sasabihin niya.
"I am his childhood friend. Magbebestfriend ang mga magulang namin. Sabay kaming lumaki, so we treated each other as bestfriends actually.Pero alam mo, kung sakaling hindi namin kinailangang umalis, baka more than bestfriends na kami."
Nakuha ang atensyon ko sa huling sinabi niya. Ngumiti siya sa akin. Ngiting kinabubwisitan ko.
"I am his first love, you know."
Bigla akong may naramdaman sa dibdib ko. Kakaiba at hindi ko iyon gusto.
"Bakit mo sinasabi sakin ang bagay na iyan?”
"Because I know that you care. Pero huwag kang mag-alala, mukhang malabo pang mangyari yun, and it's because of you."
"Sakin? Ano namang kasalanan ko?! Kung gusto ka niya at gusto mo siya, edi maging kayo! Pakialam ko naman!"
"Oh really? I can see, he's not inlove with me anymore, but---"
Tumingin siya sakin at ngumiti.
"I'll promise you, I will make him fall inlove with me. I am WILLING to do everything just to make him fall inlove with me AGAIN. Just so you know."
“Iyon lang naman ang sasabihin ko. Pupunta sana ako kila James kaya lang masiyadong masikip ang bahay nila para sa ating dalawa. DL, bear it on your mind. Siguraduhin mo sa sarili mo kung wala ka talagang pakialam, dahil once na nakasama ko siya, I won't let go of him again."
Umalis na siya at iniwan akong nag-iisip? Bakit ako apektado? Bakit pakiramdam ko, malaki talaga ang impact ng sinabi niya sa akin?
Naglakad na lang ulit ako papunta kila James, pero hindi pa rin iyon maalis sa isipan ko.
Pagdating ko sa bahay nila, naabutan ko siyang nanonood ng TV. Halatang badtrip ang mukha. Ang sabi ni tita Jaira, naiinis daw si James dahil ilang linggo na daw siyang hindi nakakapasok. May sakit na nga, school pa rin ang iniisip.
Napatingin siya sa akin at natulala. Nye? Parang iba ang dating. Pero, wala, mukha siyang tanga!
“Ano?” tanong ko.
“W-wala. Bakit ka nandito?”
Hindi ko siya pinansin sa halip ay lumapit ako sa kaniya. Hahawakan ko ang noo niya para tingnan kung mataas pa ang lagnat niya.
Bigla siyang pinagpawisan at parang namumutla.
“James Bond, okay ka lang?”
“Ha?Ugh. Ano?”
“Bahala ka nga sa buhay mo! Nakakabobo ka kausap!”
“Guys, cupcakes here. Binake ko ito.”
Lumapit si tita sa amin at nilagay ang isang tray ng cupcakes. Sarap nito. Masarap kasi talagang magbake si tita.
Kami na lang muna ang nag-usap ni tita. Talkshit kasi si James ngayon eh. Si ate Jamie naman daw, hindi pa rin okay simula noong nalaman niya ang totoo about sa papa nila.
“Bakit daw po ba ito nagkasakit tita?”
“Ang sabi ng doctor, over fatigue daw dahil sa sobrang stress sa pag–aaral.”
“Ayan! Ayan! Tama ako! Isa ka sa mga estudyanteng buwis buhay para lang makakuha ng mataas na grades.”
“Shut up.” tugon ni James saka umirap sa akin.
Nagkwentuhan na lang kami ulit ni tita Jaira. Kung saan-saang topic na kami napunta. Kahit nga yung gulo na nangyari daw sa kanto nila noong isang araw, naikwento niya.
"May lola't lolo pa po ba itong epal na ito?" tanong ko kay tita noong naubusan na kami ng topic. Si James ang tiinuturing ko. Narinig ko siyang nag ‘tsk’ pero hindi ko na pinansin.
"Lola't lolo? Ahhmm.Wala na eh. Ang lola't lolo niya sa side ko, namatay na dahil sa katandaan. Ganun din ang lolo niya sa side ng papa niya. Ang lola niya naman which is yung mother ng papa niya, maaga daw namatay, bata pa lang sila."
“Bakit po?”
“Ahmmm, ang alam ko lang,may sakit siya. Something about movement?”
"Movement po? May ganun po bang sakit?”
“Oo. Unti-unting nawala ang kakayahan niya sa paggalaw. Hindi ko masiyadong alam yun dahil hindi naman sa akin naipaliwanag ng papa niya at bata pa sila noon. Ang alam ko lang, talagang nagdusa ang lola niya sa sakit na iyon. Bihira nga lang daw sa tao ang tamaan ng ganoong sakit eh. Malas lang at nasama ang lola niya."
“Ah. Pasensiya na po kung marami akong tanong ha?”
“Naku! Wala yun! Nag-eenjoy talaga akong kakwentuhan ka eh.”
Nagpaalam na rin ako ako agad dahil baka matalakan na naman ako ni mama sa bahay. Sa
Sabagay, kahit naman maaga ako umuwi, sesermunan niya pa rin ako. Naalala ko na naman tuloy yung ginawa niya sa card ko na kinuha ni tita Jaira para sa akin. Ang lakas ng loob kong ipakita sa kaniya iyon dahil baka matuwa siya pero inihagis niya lang ulit at sinabing wala pa ring kwenta.
“Hey, are you okay?” tanong ni James sa akin. Nandito kami sa gate nila ngayon. Ewan ko ba kung bakit nagpumilit pa ang lalaking ito na ihatid pa ako sa gate.
“Wala. May naalala lang. Pagaling ka. Nakakamiss ka din.”
Bigla siyang natulala sa sinabi ko. Tiyaka ko lang napagtanto ang sinabi ko kaya binawi ko kaagad.
“Joke lang, asa ka naman.” sambit ko sabay nagmadaling lumabas. Nakakahiya!
JAMES’ POV
Lunes na ngayon at sa wakas, nakapasok na ako! F*ck that fever nag-enjoy sa katawan ko!
Sobrang busy ko dahil naghahabol ako ng lessons at mga notes. Buong araw ko ding hindi nakausap si Danielle. Pero kahit may ginagawa ako, napapansin kong tuwing vacant time ay nagmamadali siyang lumabas. Hindi naman siya ganoon dati. Oo, tumatambay siya sa room ng F pero hindi ko pa siya nakitang ganun ka nagmamadali. Parang laging may pupuntahan.
Lumipas ang dalawang araw at ganoon pa rin siya. Natapos na ako sa mga note ko kaya mas napapansin ko na siya. Hindi ko rin alam sa sarili ko kung bakit masiyado akong apektado.
“Hey! James.”
Napalingon ako sa pinanggalingan ng boses.
“Oh, bakit nandito ka naman Rhiane?”
“May I talk to you?”
“About what? Alam ba ni Tita Reina na nandito ka? Kapag ikaw nahuli, yari ka talaga.”
“Tsk. Hindi iyan.”
“Hindi iyan, eh noong mga bata pa lang tayo, lagi ka namang nahuhuli sa mga kalokohan mo.”
“Huwag mo na nga akong sermunan! Samahan mo muna akong mag ikut-ikot dito sa school, para naman ma-familiarize na ako kapag nagtransfer na ako dito.”
“Akala ko ba, makikipag-usap ka?”
“Oo nga, habang naglalakad-lakad. Bawal ba iyon?”
Sumunod na lang ako sa gusto niya. Wala naman akong magagawa dahil mapilit itong babaeng ito.
"Malapit na VALENTINES James, ha? 10 na ngayon!"
"So what?!"
"Anung so what? What's your plan?"
"Wala."
"Bakit wala?"
“Rhiane, una sa lahat, wala akong pakialam sa Valentines! Pangalawa, boring at corny ang mga ganyan.”
“Tsk. Pagbigyan mo na ako dito. Sige na.”
"Ano na naman?"
“May Feb.fair kayo sa 14 hindi ba?”
"Oo. Mga booth lang yun. Walang kwenta. Magbabasa na lang ako."
"Huwag! Pumunta ka!"
“No!”
"Yes, at ako ang magiging date mo!"
"Anong date? Baliw ka ba? Wala namang party iyon.Booths lang!”
“Okay lang iyon! Sige na! Please James. Hindi ba, pwede ang outsiders sa araw na iyon? Please.Please. Please.Last na ito.”
“Oo na! Just shut the hell up! Ang ingay mo.”
“Thanks JM.”
“James.”
Hindi na siya sumagot. Napadpad na kami sa school garden.
“Seriously Rhiane, iyon lang ang ipinunta mo rito?”
“Yeah. I just have some unfinished business here.”
“What?”
"Oh, is that DL?" sabi niya sabay turo doon sa isang kubo.
Napatingin din ako sa tinuro niya.DL.Daniella Louise.
"That guy!" Humarap sa akin ni Rhiane. Hindi ko siya pinansin dahil napako ang tingin ko kay Danielle na kasama ngayon si Daren. Ito pala ang pinagkakaabalahan niya? Magkatabi sila ni Daren. Magkaharap sa isa’t-isa at kumakanta si Daren habang naggigitara.
I felt something within my heart. Bakit nasasaktan ako? Kitang-kita ko kung paano tingnan ni Danielle si Daren habang kumakanta.
"I have to go." sabi ko na lang kay Rhiane sabay takbo, pero hinabol niya ako.
"Wait! Wait! Uuwi na rin ako. Sabay na tayo please."
Hindi ko na pinansin si Rhiane at binilisan ko na lang ang paglalakad.
"Wait lang JM! I mean, James, ang bilis mong maglakad eh!Wait."
Naiinis ako sa sarili ko.Naiinis ako sa nakita ko. Naiinis ako sa nararamdaman ko. Naiinis ako, dahil ngayon, tanggap ko ng nagseselos ako.
"That Daren guy seems to like Danielle a lot ha?" bulong ni Rhiane nang makasabay siya sakin.
Hindi na ako nagtaka na magkakilala sila dahil magkatabi sila ng bahay. Nabanggit pa nga ni Rhiane na madalas niyang makaaway iyan.
"Actually they look good together.Parang gustung-gusto nila ang isa't-isa sa way ng pagkakatitig nila. Akala ko, walang lovelife ang boyish b***h na iyon!Infairness, good choice."
"They're just friends." hindi ko na napigilan ang sarili kong magsalita.
"Is that so? Ahhh.Baka liligawan pa lang ni Daren si Danielle. Anyway, mukha naman siyang di mabibi---- Wait! James!"
Hindi ko na kasi pinatapos magsalita si Rhiane at tumakbo na ako pauwi sa bahay. Kung ganoon nga ang mangyayari, hindi ako papayag.