JAMES’ POV
Si ate Jamie lang ang naabutan namin sa bahay nang dumating kami ni Rhiane. Wala pa si mama dahil nasa trabaho pa. Napilitan kasi siyang gawin iyon para may panggastos kami. Wala kasing sustento ang magaling kong ama.
Nang makita ni ate si Rhiane, tinarayan niya ito. Alam niya kasing isa si Rhiane sa mga dahilan kung bakit nagbago ako.
Maya-maya, dumating na rin si mama. Gulat na gulat siya nang makitang nandito si Rhiane. Sampung taon na rin kasi ang nakalipas. SAMPUNG TAON! Ganoon niya ako katagal iniwan.
RHIANE'S POV
Nandito na ako kaya wala ng atrasan ito. Paulit-ulit ko na lang binubulong sa isipan ko ang ‘I am sorry mom, but they really have to know.’
Nagkumustahan pa kami ni tita pero nainis na si James. Hindi daw iyon ang dahilan ng pinunta ko rito kaya magsimula na raw akong magsalita.
Sinabi ko sa kanilang lahat na tungkol ito kay Tito Mervin. Ang papa ni James. Tinanong naman ako ni Tita Jaira kung anong meron kay tito Mervin Sinabi kong si Tita Eliza ang kinakasama niya ngayon. Si Tita Jaira na mama ni James, si mommy, at si Tita Eliza ay magbebestfriend simula noong high school pa lamang sila.
Napasigaw sa gulat si ate Jamie, kumunot naman ang noo ni James samantalang si Tita Jaira ay nananatiling walang reaksyon. Napansin naman ito ni ate Jamie.
“Ma? Hindi ka ba nagulat? I mean, tita Eliza? She’s your bestfriend, and yet siya ang kabit ni papa! That’s ridiculous!"
Bakas ang galit kay ate Jamie pero nananatiling kalmado si tita Jaira. Nagulat na lang kaming tatlo nang sabihin ni tita na matagal niya ng alam yun.
“He said, he loves Eliza and not me anymore, and so be it!”
Biglang umiyak si ate Jamie samantalang seryoso lang si James.
“I can’t believe you ma! You were so selfish! What about us? Hindi niyo ba naiisip ang mararamdaman namin?"
“Of couse I did! I did Jamie! Pero hindi ba mas mahirap para sa atin kung makakasama nga natin ang papa niyo pero wala naman sa atin ang pagmamahal niya?”
“No, tita. Don’t say that. He loves you. Tito Mervin loves you.”
“What do you mean?”
There, I started to tell them the story I have witnessed.
"Tita Eliza had this mental problem. It was like a psychological disorder and it started when tito Job left her.”
Si tito Job ang asawa ni tita Eliza. Hiniwalayan siya nito nang matuklasan niya na hindi magkakaanak si tita Eliza.
“Maybe, that was because of her depression. Hindi kinaya ni tita ang pag-iwan sa kanya ni Tito Job that’s why naapektuhan ang pag-iisip niya. Tito Mervin was there when Tito Job left tita Eliza. He witnessed it. Siya po ang unang tao na lumapit kay tita that time kaya siya na rin ang naging sandalan nito. Dahil nga mayroong sakit si Tita Eliza sa pag-iisip, naging paranoid siya. Everytime na uuwi si tito sa inyo, nagagalit si Tita Eliza, iniisip niyang iiwan na naman siya.”
“Are you expecting us to believe you?” nanggigigil na tanong ni ate Jamie.
“What happened next?” tanong ni tita Jaira na parang hindi napansin si ate Jamie.
“Nagkagusto si Tita kay Tito Mervin. Obsessed is the right term. Simula noon, ayaw niya nang umalis si tito sa tabi niya. Nagagalit din siya kapag nakikita kayong masayang magkakasama. Nagwawala siya at tanging si tito Mervin lang ang nakakapagpatigil sa kaniya. One time, umamin siya kay tito, pero tinanggihan siya nito. Sinabi niyang kayo ang mahal niya, but then, nagalit si tita Eliza at pinagbantaan ang buhay ninyong mag–iina.”
“Lier! Hindi ko akalaing gagawa ka ng ganyang istorya para pagtakpan lang ang kasalanang nagawa mo kay James! Dinamay mo pa sina tita Eliza at papa! Umalis si tita Eliza dito dahil kinailangan niyang umuwi sa probinsiya.”
“That’s the lie ate Jamie!I am not here para pagtakpan ang kasalanan ko kay James. Andito ako para sabihin ang mga nalalaman ko! It’s up to you kung maniniwala ka o hindi.”
“How did you know all of these?” mahinahong tanong ni James pero hindi niya maitatago sa akin ang nararamdaman niya. After all, we’ve been bestfriends.
“I witnessed it.”
“How?”
Si James na ang patuloy na nagtatanong dahil umiiyak na sina Tita Jaira at Ate Jamie.
“I was five years old back then. Papunta ako sa inyo nang mga oras na iyon. Sa kabilang street lang naman kayo kaya pinayagan ako ni mommy na lumakad mag-isa. Bago ako makarating sa inyo,madadaanan ko ang bahay ni tita Eliza. I stopped there because I am planning to say hi to her, pero iba ang naabutan ko. Nagtago agad ako sa isang poste nang makita kong lumabas si Tito Mervin sa bahay ni tita Eliza habang sumisigaw ng ‘hindi!Iba ang pagkaintindi mo! Hindi kita mahal!.’ Sumunod si tita Eliza na humawak sa kanya sa braso at nakikiusap na huwag siyang iiwan. Ang iniisip niya, mahal din siya ni tito Mervin since si tito ang naging sandalan niya ng mawala si tito Job.”
“Anong ginawa ni papa?”
“Of course, tinanggihan niya si tito. Ang sabi niya, hindi niya kayo kayang iwan. Pinagbantaan ni tita Eliza si tito na papatayin kayo kapag hindi siya sumama sa kaniya. Hindi naniwala si tito dahil para sa kanya, hindi iyon kayang gawin ni tita Eliza. Biglang tumawa ng nakakakilabot si tita. Ang sumunod na nangyari ay naging dahilan din para matakot ako sa kanya. Naglabas siya ng isang balisong mula sa bulsa niya. Hindi ko na nakita ang ginawa niya dahil may isang batang lalaki ang humatak sa akin at pinapalayo ako doon. Habang nag-uusap kami, bigla na lang may pusang tumalsik sa tabi namin. Puno ng dugo at wala ng buhay. Tumakbo ako papunta dito noon at hindi na umimik sa nakita ko. Natatakot kasi ako kay tita. Parang hindi siya ang bestfriend ni tita Jaira at mommy ng mga oras na iyon.”
Pagkatapos kong sabihin iyon, umalis si tita Jaira at hindi na nagawang magpaalam sa amin. Naiintindihan ko naman siya dahil buong buhay niya, iniisip niyang niloko lang siya ni tito.
“Bakit hindi natin puntahan si papa? Sampung taon na ang nakaraan! Magaling na siguro si tita!”
“I’ve searched about that before ate. Depende pa rin. May mga tumatagal nang mahigit sampung taon bago gumaling. Kung magaling na si tita Eliza, I am sure, bumalik na dapat sa atin si papa.”
Tumayo na rin si ate Jamie at nagtatatakbo papunta sa taas. Umiiyak din siya katulad ni tita Jaira. Alam ko namang nasasaktan sila.
JAMES’ POV
Hindi ako makapaniwala sa mga narinig ko. Buong buhay ko, naniniwala akong iniwan lang kami ni papa para sa ibang babae. Hindi ko alam na ganun ang pinagdadaanan niya.
"That day, noong pumunta ka sa amin, iyon din ang araw na iniwan kami ni papa.”
Napatungo si Rhiane.
"Kaya ba parang takot na takot ka nung dumating ka sa amin nang araw na yun? Dahil ba yun sa nakita mo?"
"O-oo. So-sorry kung hindi ko sinabi. Sorry talaga.Natakot kasi ako eh. Natakot ako na baka saktan din ako ni Tita Eliza, I am really sorry. Naging selfish ako."
"I understand."
"Thank you. Thank you James."
"Pero hindi pa rin sa akin malinaw ang lahat."
"What do you mean?"
"Ikaw? Bakit bigla kang nawala? Bakit bigla kang umalis nung sinabi ko sayo yung problema ko? Tapos nalaman pa ng mga kaklase natin? Anong nangyari sayo?"
Sandaling natahimik si Rhiane na para bang may inalala. Napabuntong hininga siya bago sumagot.
"After that day, nung pumunta ako sa inyo,hindi ko alam na umalis na ang papa mo. Pagkauwi ko, takot na takot pa rin ako. Kahit kay mommy, hindi ko masabi yung nakita ko. Kinabukasan ko pa lang nalaman ang nangyari sayo dahil sinabi mo sa akin.Hinayaan kong umiyak ka sa harapan ko noon. Hindi ako nagsalita. Pero binabagabag ako ng konsensya ko dahil alam ko sa sarili kong may alam ako sa dahilan kung bakit kayo iniwan ni Tito.”
Tumigil siya saglit sa akin at ngumiti.
“Naaalala mo pa ba ang sinabi mo pagkatapos mong sabihin sa akin ang lahat ng problema mo sa pamilya niyo nang mga panahon na iyon?”
Umiling ako bilang tugon.
“Tsk. Ang sabi mo, gusto mo ako kaya ka nagtitiwala sa akin. Nang gabing iyon, hindi ako makatulog! Paulit-ulit sa utak ko yung sinabi mo at narealize ko na lang na gusto rin kita. Balak ko sanang sabihin sa iyo ang tungkol doon pati ang nalalaman ko kay tito Mervin kinabukasan pero hindi ko alam na aalis na din pala kami ni mama.”
“What do you mean?”
“Nang araw na iyon, bigla na lang nag-impake ng gamit namin si mama. Ang sabi niya, magbabakasyon lang kami sa Baguio. Gustung-gusto kong pumunta doon kaya pumayag ako. Hindi ko naman alam na doon na kami magsstay nang walong taon. Gusto kitang kausapin noon. Pero pinutol ni mama ang lahat ng communications sa inyo. Sinabihan niya lang si tita Jaira na may emergency sa kamag-anak namin.”
“Bakit kayo umalis?”
“Dahil kay Tita Eliza din. Nang araw na iyon, tumawag ang mama mo kay mommy habang umiiyak. Tinawagan din ni mommy si tita Eliza para sana damayan si tita Jaira, pero hindi siya makontak. Pinuntahan niya na lang si tita sa bahay nila, Doon niya naabutan si tito Mervin at tita Eliza na paalis na. Sinubukan niyang pigilan sila tita, pero pinagbantaan niya rin si mama na ipapahamak niya ako. Sa takot ni mama, mas pinili niyang lumayo at huwag makisali sa gulo. I am really sorry."
Hindi na ako umimik sa kaniya kaya nagkaroon nang sandaling katahimikan bago siya nagsalitang muli.
“Yung kasama mo kanina? I guess, she knows everything about you.”
“Hindi pa niya alam ito.”
“Are you planning to tell her?”
“Why not?”
“You like her. don't you?You like---what’s her name?”
“Danielle. Daniella Lou---Wait! Her? No! I don't like her. No! Never.”
“Ah... I see. You don’t like her!”
"Oo nga! I don't like her! I really don't!"
“I still like you.”
Natigilan ako sa sinabi ni Rhiane, masiyado siyang naging seryoso.
“But don’t worry, hindi ko ugaling ipilit ang sarili ko sa taong may iba ng gusto.”
“Tch. Ang drama mo. Saan ba ang bahay mo? Hahatid na kita.”
“Doon sa barangay nila Danielle. Llipat kami dito next year. Hindi alam ni mommy na nakikipagkita ako sa inyo.”
“Talaga? Nasaan ba si Tita Reina?”
“Nandoon sa isang bahay. Walang taon kami sa Baguio, dalawang taon dito sa Cavite pero iba pa ring lugar, ngayon, lilipat na naman kami dito, pero hindi sa dating bahay.Dito ako mag-aaral kapag 4th year na tayo. Hindi pa alam ni mommy na magiging schoolmate kita. Akala yata niya, sa private ka nag-aral.”
“Ang daldal mo! Tara na!”
Hindi ko alam kung bakit nang nasa barangay na kami nila Danielle, hinihintay ko na lumiko kami sa street nila. Bigo ako. Medyo malayo sa bahay nila ang bahay nila Rhiane. Nadisappoint ako. Ano? Hindi ah! Bakit naman ako madidisappoint? Tsk.
“JM, dito na ako.”
“James.”
“Fine, fine! James!”
“Sige, hanapin mo na yung knight without shining armor mo!”
“Tsk. Wala dito iyon! Nakakabwiset lang ang mga nakilala ko dito, lalo na iyang nakatira sa katabing bahay namin. Diyan ka na nga!”
“Sige. Pasok na.”
“James, are we okay now?”
“Not really but we’re better.”
Ngumiti lang siya at tuluyan nang pumasok. Bago ako umalis, napadako ang tingin ko doon sa bahay na katabi nila Rhiane.
‘HERRERA’S RESIDENCE’