DANIELLE'S POV
PTC na ngayon. Ibigsabihin kuhaan na ng card. Oo, tapos na ang 3rd grading examination namin at nakapasa ako. Hindi mataas pero nakapasa. Paano? Tinuruan pa rin ako ni James. Kung minsan, hindi na siya pinapansin pero patuloy pa rin siya sa pagsasalita. Tapos isang araw bago ang exam namin, nagpaalam siya na hindi niya ako matuturuan pero nagbigay siya ng sobrang kapal na mga papel. Partida, nakafolder pa! Mga questions yun na posibleng lumabas sa exams at mga reminders. Pagkatapos nang time na iyon, hindi na ulit kami nagpansinan.
“Dan, sino pala ang kukuha ng card mo mamaya? Pupunta ba ang mama mo?” tanong sa akin ni Mark.
Andito kami sa room ng F ngayon at nakitambay lang ako habang breaktime.
Nagkibit-balikat na lang ako sa tanong ni Mark.
“Ewan, baka 4th grading ko na makita ang grades ko.”
Sinabihan ko si mama kaninang umaga na may PTC, pero parang wala siyang narinig. Hindi niya kasi ako pinansin. Hindi ko tuloy alam kung pupunta siya o hindi. Sabagay, kahit kailan, hindi pa siya kumukuha ng card ko. Mahirap mang paniwalaan, pero oo, never siyang umattend sa meetings at PTC. Kaya nga lagi akong napapalabas ng room kinabukasan. Ibigsabihin kasi noon, walang pumunta para sa iyo.
3PM, tinapos na ang klase namin. Lumabas ako ng room at doon naghintay. Baka sakaling dumating si mama. Padami na nang padami ang mga magulang na nagsisidatingan. Wala pa rin si mama. Pumunta na ako sa school gate. Naalala ko kasing hindi pa siya nakakapunta dito kaya baka hindi niya alam ang room ko. Mahigit isang oras din akong nakatayo doon pero hindi talaga siya dumating. Bakit nga ba ako umasa? Alam ko namang ganito lang ang mangyayari.
Bumalik ako sa room at ang mama na lang ni James ang natitira kausap si Sir Domit. Umupo na lang ako sa bench sa tapat ng room.
“Danny!”
Napatingin ako sa mama ni James na ngiting-ngiti habang papalapit sa akin.
“T-tita.”
“Congrats!”
Ipinakita niya ang card ko. Tumaas ang mga grades ko kahit papaano. Nakakatuwa. May pag-asang magawa ko yung kondisyon ni papa. Napatingin ako kay tita.
“Tita, salamat po sa pagkuha ng card ko. Pero, paano niyo po nalaman na hindi pupunta si mama?”
May tinuro si tita sa kaliwang bahagi ako at nakita ko si James na nakasandal sa pader, nakapamulsa at may nakalagay na earphone sa tainga. Cool na sana eh! Wala lang reaksyon ang mukha niya.
“Humingi siya ng pabor sa akin. Kuhanin ko raw ang card mo.”
Napakunot ang noo ko sa sinabi ni tita pero hindi ako nakapagsalita.
“O siya, uuwi na ako ha? Pakisabi na lang sa lalaking iyan Dan."
Pagkaalis ni tita, lumapit ako kay James na mukhang hindi ako napansin. Sinipa ko siya sa binti. Mahina lang pero masakit pa rin. Napahawak siya sa binti niya at inis na inis na tumingin sa akin. Ano pa nga ba, edi sinigawan na naman ako at kung anu-no na naman ang pinagsasasabi. Nagtransform na naman siya sa pagiging parang nanay ko. GMRC na naman ang bibig.
“Apologize accepted.” sambit ko matapos nang mahaba siyang sermon.
“Ano?”
“Ang sabi ko, apologize accepted. Doon sa sinabihan mo akong dumb! Sige na, pinapatawad na kita.”
“Alam kong hindi mo matitiis ang kagwapuhan ko pero ano ulit ang sabi mo?”
“Apologize accepted at ang yabang mo ha! Tigas ng mukha mo.”
Hindi niya ako pinansin at nagsimula na namang tumawa. Ayan na naman siya sa tawang nakakabwiset. Ibigsabihin, may mali na naman akong nasabi. Alam na alam ko na ito eh.
“Apology accepted iyon! Noob!”
Inakbayan niya ako habang tumatawa siya. Napatingin ako sa kamay niya at napahawak ako sa puso ko. Ang lakas na naman ng t***k nito.
Biglang tumigil si James at inalis ang pagkaka-akbay niya sa akin. Umupo siya sa bench at humawak sa dibdib niya.
“James. Bakit?Ok ka lang?”
“Ha?Ah, oo, ok lang. Medyo parang may sumakit lang sa puso ko. Kakatawa siguro.”
“Tsk! Ayan, tanga ka kasi. Tatawanan mo pa ako ha?”
“Apologize accepted ba naman!”
Tatawa na naman sana siya pero bigla ulit siyang napahawak sa dibdib niya.
“Uy James!”
“Ok lang. Ok lang ako. Umuwi na nga tayo.”
Dahan–dahan siyang tumayo. Huminga siya nang malalim at pilit pinakalma ang sarili niya. Namumutla na siya, sa totoo lang.
“Okay ka na?”
“Oo, tara na!”
Naglalakad na kami nang may biglang tumawag kay James. Napalingon kaming pareho sa kaniya.
Siya yun. Siya ang babaeng gustong kumausap kay James noon.
“JM.”
“James, please. James. Listen to me.”
“Miss, hindi nga kita kilala. Ano bang problema mo?”
“Alam kong kilala mo ako! Please, mage-explain ako sa iyo.”
“Ayoko ngang maki---.”
Hinawakan ko sa braso si James kaya napatigil siya.
“Makinig ka sa kaniya.”
“What?”
“Pakinggan mo siya. Wala namang mawawala, hindi ba?”
“Pero amasona---"
“Please?”
Napairap na lang sa akin si James.
“Bilisan mo!”
“James, sa tingin ko kasi, mas makakabuti kung sasabihin ko ito in front of tita Eliza and ate Jamie.”
“Bakit naman nadamay ang pamilya ko sa pang-iiwan mo sa akin?”
“Because it’s about your father.”
Biglang natigilan si James. Nag-isip siya saglit. Sa huli, pumayag din siya sa gustong mangyari ni Rhiane.
Habang naglalakad, nasa kaliwa ni James si Rhiane at ako naman ay nasa kanan. Lumayo ako nang kaunti. Hindi ko kasi alam kung magkaanu-ano sila. Malay ko ba kung may relasyon sila. Baka iyon ang dahilan kung bakit kanina pa ako iniirapan ng babaeng ito.
Maya-maya lang, nauuna na akong maglakad. Bigla akong hinatak ni James pabalik sa pwesto ko kanina at inakbayan na naman ako.
“Dito ka lang, para hindi ka malayo sa akin.” usal niya.
Muli na namang naging wild ang puso ko. Sa sobrang wild, feeling ko lalabas na. Ang bilis at ang lakas ng t***k nito.