DANIELLE'S POV
Kinabukasan, hindi kami nagpapansinan ni James. Bahala siya sa buhay niya! Hinding hindi ko na siya iiyakan. Tumatambay na lang ulit ako sa room ng F kapag vacant time. Pinatawag na naman ako ni Sir Domit sa faculty ngayong breaktime. Pagdating ko, nandoon din si James, pero nasa table siya ng English teacher namin. May pinapagawa yata sa kanya. Tsk! Pakialam ko naman.
Nagulat ako nang biglang tanungin ni sir kung kamusta daw ako. Bakit niya ako papupuntahin dito kung pangangamusta lang ang trip niya?
“I mean, nag-aaral ka naman ba?”
“Opo, kaya nga po ako nandito sa school eh.”
Biglang natahimik sa faculty. Narinig ko naman na nag’tsk’ si James. Tiyaka ko lang narealize na binara ko pala si sir.
“Ah, sir, sorry po.”
“Ok Danielle,natutuwa naman ako at naging maganda naman ang resulta ng special exams mo. Gusto kong magtuloy-tuloy na iyon, kaya ngayong halos isang linggo na lang ang exam, napagdesisyunan kong ipatutor ka ulit kay James. Napansin ko kasing siya lang ang nakakatulong sa iyo. Huwag kang mag-aala, lahat ng sectipn, may tutorial program.”
“Sir, bakit ba ako lang ang palagi niyong sinasabihan sa class A?” hindi ko na napigilan ang sarili kong magtanong.
Ngumiti naman si sir.
“Ikaw lang naman kasi ang hindi nag-aaral sa A.”
Nababadtrip ako pero pinigilan ko ang sarili ko dahil baka mabara ko na naman si sir. Sa kabilang banda, alam kong nakasimungot ako kahit na pumayag ako sa pesteng tutorial na iyan! Paglabas ko, sakto ding palabas na si James.
“Kailan ka magtuturo?” Halata sa tono ng tanong ko ang labi na pagka-inis.
“Bukas na.” sabi niya nang walang emosyon at nauna nang maglakad.
Tibay talaga nito eh! Ang kapal ng mukha. Nakakabwiset!
Pagkatapos ng klase, nagulat ako nang sunduin ako ni Daren sa room at may dalang bola ng basketball.
“Saan galing iyan?”
“Dala ng classmate ko. Hiniram ko lang, bukas ko na daw ibabalik. Ano? Laro tayo nila Neil?”
Agad-agad akong pumayag dahil buko basketball ang pinakagusto naming laruin maliban sa pogs.
“Tara, game ako diyan!”
Ngumiti lang si Daren at nagsimula na kaming maglakad.Nagkukwentuhan pa kami pero pareho laming natigilan nang may biglang humatak sa braso ko at iniharap ako sa kanya. Si James. Badtrip! Ano na namang kailangan nito?
Halata sa mukha ko ang pagka –inis.
“Library. Now.” usal niya nang walang emosyon ang mukha.
“Akala ko ba, bukas pa?”
“I said now.”
“Nawnawin mo mukha mo! Bitawan mo nga ako, maglalaro pa kami nila Daren.” hinatak ko ang braso ko mula sa pagkakahawak niya at muling humarap kay Daren.
Maglalakad na sana ulit kami nang hatakin na naman ni James ang braso ko at kinaladkad na ako palayo kay Daren.
“Bitawan mo nga ako!”
Hindi niya ako pinansin hanggang sa makarating kami sa loob ng library. Doon niya lang din binitawan ang pagkakahawak niya sa akin.
“Ano bang problema mo?” inis na sigaw ko.
Bigla namang tumingin sa amin ang librarian at sinaway ako. Nakalimutan kong nasa library nga pala kami. Inis na inis akong tumingin kay James. Hindi niya naman ako pinansin sa halip ay umupo na lang table. Wala din akong nagawa kung hindi ang sumunod. Konti pa, napipikon na ako sa lalaking ito eh.
Nilabas niya ang lahat ng libro niya sa bag at unang nilatag ang libro sa Math.
“Ano sa lahat ng lesson natin ang hindi mo maintindihan?Iyon ang uunahin natin.”
“Malamang lahat!”
Napahilamos siya sa mukha niya.
“Pinaka hindi mo naintindihan.”
“Tsk. Yung may radium.”
Biglang nagtaka ang mukha niya at sinabing hindi Chemistry ang pag-aaralan naming kung hindi ay Math.
“Alam ko! Tinatanong mo ako tapos magtataka ka? Bahala ka sa buhay mo!”
“Isipin mo ngang mabuti!”
Inirapan ko siya at napaisip din. May kadugtong pa kasi iyon eh.
“Radium and deg---Nakalimutan ko talaga!”
“Degrees?”
“Oo, oo, iyon nga! Radium and Degrees.”
“Tsk. That’s Radians and Degrees."
“Tsk.”
Hindi niya na ako pinansin at nagsimula na lang magturo. Nakinig na lang din ako kasi wala naman akong choice.
Maya-maya, naramdaman kong nagbavibrate ang phone ko sa bulsa ng palda ko kaya nawala ang atensyon ko kay James. Nakahalata naman siya kaya tumigil din siya.
Kakakuha ko pa lang ng cellphone ko at hindi pa tinitingnan kung sino ang tumatawag pero biglang hinablot ni James at itinabi.
“Ano iyon?”
“Ayokong magturo sa hindi nakikinig.”
JAMES’ POV
Ang totoo niyan, nakita ko ang pangalan ni Daren sa caller ID kaya hinablot ko ang cellphone ni Danielle. Ewan ko ba. Kanina pa ito. Noong nakita ko silang magkasama pagkatapos ng klase, nakaramdam din ako ng inis kaya kahit may tatapusin ako ngayong araw, napagdesisyunan ko pa rin na turuan si Danielle.
Alam kong nainis siya dahil sa iniasta ko kahapon. Nadala lang naman kasi ako. Bumalik lang naman ang taong dahilan kung bakit naging cold ako na nawalan ng tiwala sa kahit kanino. Pareho lang sila ni papa eh. Mga mahilig mang-iwan.
Hinabol ko si Danielle nang tumakbo siya pero tumigil na ako nang makita kong sumama siya kay Daren. Hindi ko talaga alam kung bakit, pero ang laki ng inis ko sa Daren na iyon ngayon.
Napatigil na naman kaming dalawa ni Danielle nang bigla na namang magvibrate ang phone niya sa lamesa. Nakita niya kung sino ang tumatawag. Kukunin niya sana pero inunahan ko na naman siya.
“Ano bang problema mo?”
“Nagrereview ka!”
“Nagrereview? Paano kung emergency iyan?Hindi naman tatawag si Daren nang walang dahilan.”
“Tumahimik ka. Nasa library tayo.”
Inis na inis naman siyang umupo. Nilapag ko ulit yung cellphone sa lamesa.
“As I was saying, ang isang radian ay equal sa 57.3 degrees. Approximately lang iyon, pero iyan ang ginagamit sa pagsosolve. Itong portion na ito, equal na yan sa 1 rad. Kapag ito na---”
Nagvibrate na naman ang cellphone ni Danielle. Sa sobrang inis ko, kinuha ko iyon at pinatay bago inilapag ulit sa table.
Biglang tumayo si Danielle at inis na kinuha ang cellphone niya. Kinuha niya na rin yung bag niya.
“Hoy! Saan ka pupunta? Hindi pa tayo tapos!”
Hindi niya ako pinansin at dumiretso ang sa paglakad. Sinaway ako ng librarian dahil sa pagsigaw ko. Nakakainis. Kinuha ko din ang mga gamit ko at dali-daling hinabol si Danielle. Humarang ako sa dadaanan niya. Pinipilit niyang umiwas pero hindi rin siya makaalis.
“Bumalik ka doon.”
“Tsk. Alam mo James, andun na nga ako sa point na nag-aaral ako at tinuturuan mo ako, pero ang hindi ko maintindihan, bakit ayaw mong makausap ko si Daren? Paano kung importante iyon ha? Nakakainis kasi eh! Ano ba naman ang limang minuto man lang o kahit tatlong minuto na makipag-usap ako sa kanya para malaman yung dahilan kung bakit siya tumawag, hindi ba? Hindi ko maintindihan kung bakit nangingialam ka eh! Kasi sa totoo lang, naiinis ako sayo ngayon! Naiinis ako sayo at sa pagmumukha mo!" tuluy-tuloy niyang sabi.
Awtomatiko akong napaiwas sa dadaanan niya. Ganoon pala siya kagalit sa akin?
Hindi ko na naman maintindihan ang sarili ko.
Wala naman akong inalok o tinanong sa kanya, hindi ko naman siya niyaya sa kahit ano.
Pero somehow..
Somehow...
I felt rejected.