CHAPTER THIRTEEN

1748 Words
DANIELLE'S POV Nagsimula na naman ang pasukan. Para akong zombie na naglalakad ngayon. Tinatamad akong pumasok tapos sa bahay parang wala akong kasama dahil parang hindi naman ako nag-eexist sa harapan ni mama. Sinabi sa amin ni Sir Domit na next week na daw ang final exam namin ngayong 3rd grading period. Hinanap niya rin si James. Oo, hindi pumasok si James. Hindi ko alam kung bakit. Sigurado akong may dahilan iyon dahil ang mga matatalinong kagaya niya, ayaw na ayaw umabsent. Minsan, kahit may lagnat, papasok pa rin. Buwis buhay nga sila! Pero hindi ko rin maiwasang mapaisip. Ano naman ang dahilan niya? Pagkatapos ng klase naming kay Sir Domit, lumabas din ako para pumunta sa banyo. Madadaanan ko yung faculty bago makarating sa CR ng girls. Nakita kong nasa labas ng faculty si Sir Domit. Nakatalikod siya at mukhang may kausap. Balak kong dumaan sa gilid tutal wala naman akong pakialam kung sino ang kausap ni sir, pero awtomatikong tumigil ang mga paa ko nang marinig kong nagsalita si James. “Ok po sir. Pasensiya na po talaga.” “I understand James. I know, you’re telling the truth. Pero sana, nagpacheck-up ka na lang muna.” Napatingin ako kay sir. Bakit naman dapat magpacheck-up si James? Nagtataka talaga ako. Maya-maya, pumasok na si sir sa faculty kaya nilapitan ko si James. Hindi niya ako inimik. Nag’tsk’ lang siya bago tuluyang umalis at nilagpasan ako. Napapailing ako naglakad papuntang banyo. Hindi ko rin maintindihan ang sarili ko kung bakit masiyado akong nagtataka sa sinabi ni sir. Nang lunch break, sabay-sabay kaming kumain nila Daren. Kumpleto kami. Oo, andito na si Neil. Nalaman kong nagkaayos din sila nung New Year. Masaya kaming nagkainan. Nagkausap na din kami ni Neil. Hindi na ako naiilang sa kanya. Ewan ko. Bigla na lang nawala iyong pakiramdaman na iyon. “Daren! Manlibre ka na kasi ng drinks! Fre! 1.5 lang, para sa ating lahat!” Kanina pa inaasar ni Chris at Bryan si Daren tungkol sa paglibre ng softdrinks. Si Daren naman, siyempre, todo tanggi. Natatawa lang kami nila Neil at Mark. “Ayoko na nga! Ikaw na ang magpalibre sa kanya Bry! Itetext ko na lang itong bagong nililigawan ko. Sa kanya ako magpapalibre!” “Ang daya mo Chris! Iniiwan mo ako sa ere.” Hindi na pinansin ni Chris si Bryan kaya inirapan siya nito at bumaling ulit kay Daren. “Kapag hindi mo kami nilibre, sasabihin ko ang sikreto mo!” Tumaas ang kilay ni Daren at tinanong si Bryan kung anong sikreto niyang alam nito. Hindi sumagot si Bryan pero lumapit siya sa akin at akmang may ibubulong. Nanlaki ang mga mata ni Daren na bigla na lang tumayo at sumigaw ng “Oo na!Oo na! Ako na sagot sa drinks.” Natawa na lang sila Mark at Neil. Naghigh five naman si Chris at Bryan. Nagtataka ako. Ano kaya iyon? Ang weird nila. Habang kumakain kami, napatingin ako sa table kung saan mag-isang kumakain si James. Kahit sa pagkain, wala siyang reaksyon. Hindi ko talaga alam kung mabubwiset ako sa kanya. Bumalik na naman tuloy sa alaala ko 'yung check–up na sinasabi ni Sir Domit, kasi mukha naman siyang okay. JAMES’ POV “James Bond, bakit ka nga nalate kanina?” Pagkatapos na pagkatapos pa lang ng klase naming, lumapit agad sa akin si Danielle para itanong lang iyan. Hindi ko siya pinapansin pero ang kulit niya talaga. “Ang ingay mo no?” “Eh kung sagutin mo na lang kaya? Bobo.” “Tsk. Nalate ako kanina kasi hindi ako makalakad, okay na?” Halatang naguluhan siya kaya nagtanong na naman siya. Wala na akong nagawa kundi ang magkwento sa kanya. Sinabi ko ang nangyari. Kaninang umaga, pagkagising ko, wala ng tao sa bahay. May trabaho na kasi si mama at si ate naman ay maaga ang pasok ngayon. Pagkatapos kong mag-ayos ng lahat ng kailangan, handa na sana akong pumasok. Naglalakad ako palabas ng pintuan pero bigla na lang akong napaluhod. Hindi ko alam kung bakit. Parang biglang nawalan ng lakas ang tuhod ko. Sinubukan kong tumayo ulit at ihakbang ang paa ko, pero namamanhid pa rin ito. Bumalik tuloy ako sa sofa at naupo muna. Ilang minuto na ang lumilipas pero hindi pa rin nagiging okay ang binti ko hanggang sa nakatulog na pala ulit ako ng dahil sa paghihintay. Iyon ang totoong nangyari. Bigla na lang napailing si Danielle kaya napakunot ako ng noo. “Alam ko na ang sakit mo.” “Wala akong sakit!” “Tsk! Tamang tama. Malamig pa ang panahon ngayon. Tama din ang mga sinabi mong sintomas.” Ano bang pinagsasasabi nito? Tumango tango siya at sinabing “Mayroon kang juvenile rayuma James.” “Wait.What?” “Juvenile rayuma! Malamig ngayon kaya namamanhind iyang mga binti mo. In short, may juvenile rayuma ka!” “You’re non-sense!” usal ko bago kinuha ang bag at lumabas ng room. Hinabol pa rin ako ni Danielle. “Ano ba James! Bakit ba yaw mong maniwala sa akin?Tama ang hypotenuse ko! Tingnan mo lang, papatunayan ko iyan sa iyo!” Napatigil ako sa paglalakad at humarap sa kanya. “Anong sabi mo?” “Ang sabi ko, tama ang hypotenuse ko!” Hindi ako tanga. Alam ko kung ano ang hypotenuse pero hindi ko maintindihan kung anong koneksyon nito sa sinasabi niya. “What?” “James, ang bobo mo! Bakit ka kaya naging top 1? Hypotenuse! Tandang-tanda ko iyon eh. Hypotenuse is an educated guess!” Naintindihan ko na ang sinasabi niya at hindi ko mapigilan ang sarili kong mapatawa nang bahagya. Pinigilan ko muna iyon at muli siyang tinanong. “Tsk! Ang bobo naman oh! Hypotenuse! Scientific Method! Make an observation, ask a question, form a hypotenuse.” Hindi ko na napigilan ang sarili ko at napatawa na naman ako. Napahawak na ako sa tiyan ko. Pakiramdam ko, lalabas na ang ngala-ngala ko sa sobrang tawa. “Sabog ka ba?” tanong niya nang seyoso. “I-ikaw ang sabog! Hypothesis iyon! Hindi hypotenuse!” sambit ko at nagsimula na namang tumawa ng tumawa. Badtrip! Siya lang talaga ang nakakapagpatawa sa akin ng ganito. Sagad sa kabobohan itong babaeng ito. Napapikit na ako kakatawa. May mga luha na ring lumalabas sa mga mata ko. “JM?” Sa isang iglap, nawala lahat ng kaninang saya ko nang makita ko ang babaeng nasa harapan ko ngayon. DANIELLE’S POV Pinagdadasal ko ngayon na mamatay na sana si James kakatawa. Bwiset! Malay ko bang hypothesis pala iyon. Babatukan ko na sana siya kaya lang bigla siyang tumigil sa kakatawa at napatingin sa likuran ko. Napaharap din ako sa kanya at nakita ko ang isang babaeng, oo, maganda. Nawala ang saya sa mukha ni James at napalitan ng walang kwenta niyang reaksyon. Poker face! “JM, may I talk to you?” “I am James.” “Ok fine. James, may I talk to you?” “No. I don’t talk to strangers.” “Sino ka?” Hindi ko na napigilan ang sarili ko kaya napasabat ako sa usapan. “I am Rhiane Joy, but you can call me Arjay. Ikaw, sino ka naman?” sagot niya sabay taas ng kilay sa akin. “Hindi ako sinuka, inere ako! Tsk.” Halata sa babaeng hindi nainis siya pero hindi niya na ako inimik at bumaling na lang kay James. Hinawakan niya ang dalawang kamay nito at muling nakiusap na pakinggan ang paliwanag niya. Nang sandaling hawakan niya ang kamay James, nakaramdam na lang ako ng inis. Ang alam ko lang, gustung-gusto ko silang paghiwalayin ngayon. “James, please.” Tinanggal ni James ang pagkakahawak ni RJ ‘kuno’ sa kamay niya. “I don’t know you.” tugon niya bago tuluyang tumakbo paalis. Tiningnan ko lang ang babaeng iyon na nakatulala lang kay James at parang iiyak na. Pinabayaan ko na lang siya at nagsimulang habulin si James. Napadpad na naman kami sa may school garden. “James, wait!” Napatigil siya pero hindi pa rin siya lumilingon. “Bakit ka nagkakaganyan? Sino ba siya?” Hindi siya sumagot pero napabuga lang siya ng hangin. “Hoy James Bond! Magsalita ka nga! Sino ba siya? Pwede ka namang magsabi sa akin eh! Malay mo, may maitulong ako. Kahit bobo ako, may mapapala ka naman sa akin no!” Bigla siyang humarap at ngumiti.Ngiting hindi nakakatuwa. “Why would I ask an advice from a dumb person like you?” Napanganga ako sa sinabi niya. Naintindihan ko iyon! Ang hindi ko maintindihan, ay kung bakit ako nasaktan. Bakit nasaktan ako sa paraan ng pagsasalita niya ngayon kahit madalas niya naman akong tawagin na tanga at bobo? Naramdaman ko na lang na parang gusto kong umiyak kaya napatingin ako sa taas bago tumingin sa ibang direksyon. Bumuga rin ako ng hangin sa sobrang inis, sa sakit at sa pagkadismaya. “Wow ha? Ang galing mo talaga James.” sabi ko bago tuluyang umalis. Pagtalikod na pagtalikod ko pa lang sa kaniya, bumagsak na ang mga luha ko. Naiinis ako sa sarili ko. Bakit ba ganito ang nararamdaman ko? Tumakbo na lang ako pauwi sa bahay, baka may makakita pa sa akin at kung ano pang isipin. Pero habang tumatakbo ako, bigla akong may nabangga. Yumuko ako at humingin ng pasensiya. “Danielle?” Napaangat ako ng tingin dahil kilala niya ako. Si Daren pala ito. Tinanong niya kung bakit ako umiiyak. Hindi ako makasagot kaya dinala niya na lang ako sa court. Doon kasi ang tambayan niya. “Danielle, bakit ka ba kasi umiiyak?” Hindi ko maintindihan kung bakit hindi ko magawang sumagot kay Daren. Naiiyak at naiinis pa rin ako ng maalala kong muli ang sinabi sa akin ni James, ‘Why would I ask an advice from a dumb person like you?’ “Dan, bakit ba hindi ka makapagsabi sa akin?” Wala rin akong maisagot kay Daren kaya umiling iling lang ako habang umiiyak. “I am always willing to help you. I am always willing to listen to you.. I am always willing to give you an advice. I am always willing to serve as your pillow. I am always willing to give my shoulder for you to lean on, but.” Napatingin si Daren sa akin kaya napatingin din ako sa kanya. “You never tried to ask me, whenever you need someone else.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD