DANIELLE'S POV
Mabilis na lumipas ang mga araw ng bakasyon namin. Naghahanda na kami ngayon para sa medya noche. Naging maayos naman ang Christmas namin. Walang batian sa pagitan namin ni mama. Sa katanuyan, sama-sama kaming nag-Pasko kila Daren maliban kay Neil. Iyon ang normal na Pasko sa akin. Sanay naman ako dito. Sa bahay, kahit may okasyon, parang wala pa rin. Naghahanda lang si mama ngayon dahil pupunta si Tita kasama ang pamilya niya. Dito sila magdidiwang ng New Year.
“Daniella, bumili ka nga ng tomato sauce doon!”
Kinuha ko ang perang nakalagay sa lamesa at bumili sa tindihan. Kapapasok ko pa lang sa loob ng bahay, nag-utos na naman si mama na bumili ako ng paminta. Naulit pa iyon. Kada papasok pa lang ako, may panibago na naman siyang utos. Medyo nakakainis. Bakit hindi na lang kasi muna tingnan ang lahat ng kulang sa niluluto niya bago siya mag-utos para isahan na lang. Hindi ko tuloy maiwasang magdabog.
“Hoy Daniella! Pinagdadabugan mo ba ako? Tigil tigilan mo ako ha? Huwag kang magreklamo diyan dahil wala ka namang silbi dito.”
Hindi na lang ako sumagot kay mama. Alam ko namang hahaba pa ang usapan kapag nagsalita pa ako.
Mga bandang 8PM, dumating sila Tita at tito. Panganay na kapatid ni mama si Tita Lorraine.
Hindi nila kasama ang anak nila nang dumating sila. Magkapareho kami ng edad ng anak ni tita. Si Leona.
Binati nila ako at sinabing ang laki ko na. Iyon naman ang karaniwang sinasabi ng mga tito at tita kapag nakikita nila ang pamangkin nila. Pumasok sila sa bahay at tuwang-tuwa si mama nang makita si Tita. Matagal na rin kasi silang hindi nagkakausap. Papasok na sana ako sa kwarto nang nagsimula na silang kumain pero tinawag ako ni tito Randolph, asawa ni tita Lorraine. Ang sabi niya, sumabay na daw akong kumain. Ayoko sana dahil parang ayaw ni mama, pero pinilit na rin ako ni tita kaya umupo na lang ako sa lamasa.
“Oo nga pala ate, nasaan si Leona? Ilang taon ko na ring hindi nakikita ang batang iyon ah?”
“May dinaanan lang daw Louisa. Pinahatid ko na siya sa driver niya papunta dito. Dadating din iyon maya-maya.”
Asensado na ka sila Tita. 5 years old ako nang pumunta sila sa Manila para sa trabaho ni tito Randolph. Nagpatuloy lang kami sa pagkain. Masayang binabalikan nila mama ang alaala nila noong mga bata pa lang sila. Ngayon ko lang din narinig ang mga kwentong iyon.
Nalaman kong sobrang malapit si mama kay lola. Hindi naman kasi siya nago-open sa akin kaya hindi ko alam kung gaano sila kaclose ni lola. Pero bakit ganoon? Kung close siya kay lola, bakit malayo siya sa akin? Malapit din si mama at tita Lorraine. Minsan tuloy, napapaisip ako na kung may kapatid ako, siguro, malapit din kami. Siguro may masasabihan ako ng problema. Siguro may makakaintindi sa akin.
“Mom?Dad?Are you there?”
Napatayo silang tatlo dahil sa boses na iyon. Pumasok ang isang magandang babae na kasing edad ko.
Biglang tumakbo si mama papunta kay Leona at niyakap siya.
“Leona! Ang laki laki mo na. Ang ganda ganda mo. Namiss ka ni tita.”
Bigla akong nakaramdaman ng kirot sa puso ko. Kahit kailan, hindi pa ako niyayakap ni mama. Kahit kailan hindi niya pa ako pinuri. Iyon ang mga bagay na ginagawa niya kay Leona ngayon. Hindi naman ako nagseselos sa pinsan ko, nasasaktan lang ako dahil sa nanay ko.
Umupo siya sa tabi ko para sumabay sa pagkain. Binati niya rin ako pero tinanguan ko lang siya. Bumalik na rin si mama sa upuan niya at nagpatuloy sa pagkain.
“Ang ganda talaga ng anak mo ate.Sigurado rin akong matalino siya gaya mo.”
“Ano ka ba, maganda din naman si Danielle, at matalino pa. Ang balita ko, section A siya, hindi ba?”
Hindi ako umimik. Naramdaman kong tumingin si mama sa akin bago sumagot kay tita.
“Hindi iyan matalino. May backer lang iyan sa school. Kapatid ni Daniel. Pinakiusapan ko lang na isection A siya. Pero ate, hindi iyan matalino, wala nga iyang silbi ditto sa bahay.”
Napayuko ako sa sinabi ni mama dahil nakaramdam ako ng hiya. Nagtinginan silang lahat sa akin.
“Kahit kailan, hindi iyan napasali sa top.Laging pasang awa din ang grades.Bagsak sa quizzes at departmental tests.Hindi ko nga alam kung may mapapala yan sa buhay niya.Malakas nga ang kutob ko na hindi aasenso iyan eh.Ngayon pa lang, halatang wala na siyang pangarap sa buhay niya.”
Tumayo ako nang sabihin iyon ni mama.
“Luisa, huwag ka namang ganyan kay Danielle.” narinig kong sabi ni tita pero hindi ko pinansin. Nagtatatakbo ako palabas habang umiiyak.
Paulit-ulit sa utak ko ang mga sinabi ni mama. Sobrang sakit dahil nanggaling pa iyon sa sarili kong ina. Hanggang ngayon, hindi ko maisip kung bakit siya ganito sa akin.
Nakakapagod na. Labing limang taon na siyang ganyan nang walang malinaw na dahilan.
Hindi na malinaw ang dinadaanan ko dahil sa mga luhang nakaharang sa mata ko. Wala rin akong pakialam kung pinagtitinginan na ako. Gusto ko munang lumayo.
Kakatakbo ko, bigla akong nadapa dahil sa nakaharang na bato. Lalong lumakas ang pag-iyak ko. Hindi dahil sa pagkadapa ko, kundi dahil sa sakit na nararamdaman ko.
“Sakay.”
Napatingin ako sa lalaking nasa harapan ko ngayon. Nakaluhod siya pero nakatalikod sa akin.
“Bingi ka ba?Ang sabi ko, sakay!”
“A-ano bang---"
Hindi niya ako pinatapos magsalita. Kinuha niya ang dalawang kamay ko at iniyakap sa balikat niya. Tumayo siya nang dahan-dahan at hinawakan ang binti ko.
“James…” sambit ko sa pangalan niya.
“Huwag kang maingay.”
Ibinaon ko ang mukha ko sa balikat niya at doon umiyak.
Ilang minuto ang nakalipas at ibinaba niya ako sa isang lugar kung saan tahimik at puro tunog ng hangin at puno ang maririnig mo.
Ang lamig. Nakamalaking t shirt ako at jogging pants pero ramdam ko pa rin yung hangin.
Maya-maya, naramdaman kong may nagsuot sa akin ng jacket. Napatingin ako sa kanya, pero wala siyang reaksyon.
“Lalamigin ka! Hindi ko kailangan nito!” tanggi ko sabay abot sa kanya ng jacket.
Itinulak niya iyon pabalik sa akin.
“Kailangan mo iyan.”
Nanaig sa amin ang katahimikan hanggang sa nadatnan ko na lang ang sarili kong nagsasabi sa kanya ng problema. Lagi na lang ganito. Hahayaan niyang ako mismo ang magsalita.
Napaiyak na naman ako nang maalala ko iyung sinabi ni mama. Walang sinabing kahit ano si James pagkatapos kong magkwento. Nakatingin lang siya sa langit.
Ilang oras ang lumipas, lumiwanag na din ang kalangitan. Napuno ito ng mistulang makukulay na bituin.
Napatingin muli ako kay James at nadatnan ko na siyang nakatingin sa akin.
“Happy New Year amasonang tomboy! Forget the past. Ang bagay na iniyak mo kanina, noong nakaraang taon pa iyon kaya kalimutan mo na. Face the new year with a smile on your face.”
Hinawakan niya ang pisngi ko at nagsalitang muli. “Smile.” Sabay sinamahan ito ng isang ngiti.
First time kong makita na ngumiti si James. Kadalasan kasi, naka poker face siya. Kung tumatawa naman siya, may kasamang pang–aasar sa akin.
Napangiti na lang din ako.
“Happy New Year James Bond.”