CHAPTER ELEVEN

1779 Words
DANIELLE'S POV Dalawang linggo na ang nakalilipas simula noong huling usapan namin ni Neil. Hindi na kami nag-usap pagkatapos ng pangyayaring iyon. Tinupad din ni James yung sinabi niya. Kapag nakikita niyang nakatingin ako kay Neil at Alexa, bigla niya akong babatukan para maalis doon ang atensyon ko, pero ganun pa din siya. Cold, poker face forever at may time na pagiging epal naman ang trip niya. Ang balita ko, hindi pa rin ayos si Daren at Neil. Sila Chris kasi, nakipag-ayos na. Ang sabi nila, hindi naman sila nagalit kay Neil dahil naiintindihan nila ito. Hindi ko tuloy maintindihan si Daren kung bakit galit pa rin siya kay Neil. Christmas Party sa school ngayon pero nandito pa ako sa bahay. Pwede namang kahit anong oras pumasok ngayon eh. Kinuha ko na ang dress ko sa cabinet at heels na isusuot ko. Kinulot ko na rin ang buhok ko at naglagay ng kaunting make-up. Siyempre, isang malaking JOKE lang iyan. Asa namang gagawin ko iyan! Nakapants lang ako at three-fourths na kulay black ang sleeves at white ang sa trunk. Pinartneran ko lang din ng converse na black and white din. Lahat ito sa tiangge binili. Mura lang. Hindi na ako nagpaalam nang umalis ako sa bahay. Alam ko namang hindi rin ako papansinin ni mama. Ganoon naman siya palagi. Walang pakialam sa akin. Pagdating sa school, nag-uumpisa na ang palaro sa pangkalahatan. Dalawa kasi ang Christmas party. Ang isa, buong school. Umaga iyon. Ang isa naman, para sa bawat room, panghapon. Sa ngayon, mga teachers namin ang naglalaro sa stage. Ang ingay. Kanya-kanya silang pagcicheer. Hindi ko maintindihan kung bakit nag-eenjoy sila dito. Ang corny naman. Corny ang palaro. Corny ang exchange gifts. Corny mga batian nila ng Merry Christmas. In short, isang malaking CORNY ang Christmas party para sa akin. Hindi rin nagtagal at nakita ako ni Daren. Niyaya niya akong pumunta sa SB dahil nandoon daw silang lahat, maliban kay Neil siyempre. “Hi, Danny the Geat!” bati sa akin ni Chris pagkarating namin. “Huwag mo nga akong tawaging Danny the Great!” Tumawa lang sila Bryan. Tumambay muna kami sa SB nang ilang oras. Hindi na kami nakisali doon sa overall Christmas Party tutal pare-parehong boring naman para sa amin iyon. “Mas okay sana kung kumpleto tayo ano?” tanong sa amin ni Bryan. Walang sumagot sa kanya hanggang sa nagsalita ako. “Sorry, dahil sa akin, napahiwalay sa atin si Neil.” “Hindi yun ang sinasabi ko Dan. Huwag mong isipin iyan.” pagdedepensa ni Bryan. “Hindi ko naman sinasabing iyon ang point mo, ang sinasabi ko ay kung anong totoo.” “Tch. Huwag mo ngang sisihin ang sarili mo!” sambit ni Daren na may kasama pang mahinang batok sa akin. Tumawa lang ulit sila Chris. “Ikh40 lh4hn Xzap4t nu4h. Xzobwa Zxobwa pfu4h.” “Ano Chris? Na-alien ka na naman?” “Hindi. Ganyan kasi ang format ng text ng bago kong nililigawan. Inaapply ko lang kay Daren.” Natatawang sagot niya. Tiningnan lang siya nang masama ni Daren. Pagkatapos naming tumambay, dumiretso na kami sa room ng class F. Ayoko kasi dun sa A. Boring na nga ang Christmas Party, mas magiging boring pa. Badtrip iyon! Kumanta si Daren sa videokeng nirent ng mga estudyante sa F. Ang ganda ng boses niya. Dumami nga ang estudyanteng nanonood sa kanya. Pwede siyang maging vocalist ng banda. Magaling din siyang tumugtog ng gitara. Kinakanta niya ngayon ang Ngiti ni Ronnie Liang. Nakatingin siya sa mga mata ko habang kumakanta. Damang-dama ko ang emosyon niya sa bawat salitang kinakanta niya. Mukha siyang may pinaghuhugutan. Napatingin lang din ako sa mga mata niya. Ang ganda talaga kasi ng boses niya. Pagkatapos niyang kumanta, binati ko siya at pinalakpakan, pero hindi niya ako pinansin. Nakatingin pa rin siya sa mga mata ko kaya nailang ako. “Da- daren.” Palapit siya nang palapit sa akin. Naiilang na talaga ako sa ginagawa niya. “Danielle, ma----." Hindi ko na narinig ang sinabi ni Daren dahil may biglang humatak sa kamay ko. JAMES' POV Nagpupuntahan ang ibang babaeng estudyante ditto sa A kanina sa room ng F. Actually, ang daming tao dun , kaya nagtaka ako. Pumunta ako doon at naabutan kong kinakantahan ni Daren si Danielle. Nakaramdam ako ng inis sa hindi malamang dahilan. Tapos na siyang kumanta pero nakatingin pa rin siya kay Danielle. Palapit siya nang palapit. Hindi ko napigilan ang sarili ko kaya hinawakan ko ang kamay ni Danielle at hinatak siya. Napapadalas na ang paghatak ko sa kanya nitong mga nakaraang araw. Badtrip! “Uy James Bond, ano ba! Saan tayo pupunta?” Hindi ko siya pinansin at tinulak na lang siya nang mahina para sumakay sa jeep na nasa tapat namin ngayon. Kahit halatang nagtataka siya, wala siyang ginawa kundi ang sumakay din. Buong byahe, tanong siya nang tanong kung saan kami pupunta. Hindi ko pa rin siya sinasagot. Nakababa na kami at nakapasok sa mall, ang ingay ingay niya pa rin. “Shut up ok? Shut up!” “Shut up? Eh kung paputukan kaya kita? Hindi ko nga alam kung bakit mo ako biglang hinila papunta dito sa mall, tapos ikaw pa ang magagalit! Badtrip lang James?” Hindi ko siya pinansin at nauna nang maglakad. Naramdaman kong sumunod siya. Nakarating kami sa movie world. “Pili.” “Ha? Ng ano?” “Stupid! Pili ka ng floor, bibilhin natin!” “Talaga? Ang yaman mo naman James!” “You’re so stupid! Movie! Pick a movie!” Wala siyang mapili kaya ako ang nagdecide ng kung anong papanoorin. Horror Comedy ang napili ko. Noong una, ayaw niya, pero wala din siyang nagawa. 2PM pa ang schedule ng ticket namin. 12:45PM pa lang, kaya dinala ko muna siya sa Jollibee. Paborito ko doon at ganoon din siya. “Tsk! Amasonang tomboy, may sauce ka pa sa gilid ng labi.” “Ha? Saan?” Pinunasan niya ang bibig niya pero hindi niya naman natanggal ang dumi. Kumuha ako ng tissue at ako na ang nagpunas. “Kahit sa pagkain, stupid ka pa rin.” Hindi naman siya umimik. Doon ko lang narealize ang ginawa ko kaya inagaw ko na lang ang fries niya para mawala ang awkward atmosphere. Seryoso din ako sa pag-gaw dahil paborito ko ang fries. Inagaw niya naman ang sundae ko. “Tsk! Babae ka ba talaga? Ang baboy mo kumain! Bakit kapag kumakain ka ng fries, kasama ang daliri mo?” “Wala kang pakialam.” Medyo maaga pa nang matapos kaming kumain kaya nagikot-ikot muna kami. Nakakita ako sa isang store ng key chain ng lalaking may hawak ng libro at nakaupo sa bench kapartner ang babaeng nakacap at ang laki ng ngiti. Bagay na bagay kay Danielle kaya binili ko iyon. “Oh!” “Ano ito?” “Keychain!” “Eh bakit lalaki?” “Tsk. Don’t ask.” Binigay ko sa kanya yung boy keychain at na sa akin ang kapartner. Pumunta na kami sa sinehan ng mga 1:45PM. Halatang nag-enjoy si Danielle sa palabas. Tawa siya nan tawa. Paglabas ng sinehan, kinwento niya na naman ang favorite part niya. Paulit-ulit siya. “Ang ingay mo! Napanood ko din so just shut up!” “Ang sungit mo no? Tara sa quantum, ishushoot kita sa ring ng basketball dun.” usal niya at nauna nang maglakad. Natawa na lang ako sa kanya. DANIELLE’S POV Pagdating sa quantum, naglaro kami agad ng paborito kong basketball. Balak ko sanang ishoot si James sa ring kaya lang hindi ko naman siya kayang buhatin. Talkshit kasi siya eh. “Broom! Eng.Eng!” sigaw ko habang nagdadrive. Feel na feel ko kasi. Napakamot lang sa ulo si James at umalis sa tabi ko. Badtrip yun ah! Marami pa kaming ginawa. Naglaro din kami doon sa binabaril ang zombie sa screen. Tinututok ko nga yung baril kay James, baka sakaling gumana tutal mukha naman siyang zombie kaso ayaw. Iba siguro ang lahi nito. Ang hirap patayin eh. Pagkatapos naming maglaro, nakita ko ang kantahan doon. Hindi siya sa loob ng KTV room. Nasa labas lang siya at kita ng lahat ng mga tao. “James, sabi mo talented ka!” “So?” “Kanta ka naman!” sabi ko sabay turo doon sa kantahan. “Ayoko.” “Tch. KJ! Buti pa si Daren, ang gan---" Hindi niya ako pinatapos magsalita dahil naglakad siya papunta doon sa pilian ng kanta. Malapit na siya pero bigla siyang tumigil at bumalik sa akin. “Ano na naman?” “I forgot you.” tugon niya sabay kuha ng kamay ko at hinila papunta rin doon sa kantahan. Naramdaman kong bumilis ang t***k ng puso ko. Ilang tao pa ang kumanta bago kumanta si James. I’ll be by Edwin McCain ang pinili niyang kanta. “And I'll be your cryin' shoulder I'll be love suicide And I'll be better when I'm older I'll be the greatest fan of your life The greatest fan of your life.” Nakatingin siya sa akin habang kumakanta. Ang ganda din ng boses niya. Sa totoo lang, mas maganda pa kaysa kay Daren. May pagkahusky kasi ang boses ni James. Nararamdaman ko pa rin ang mabilis na pagtibok ng puso ko. Nagpalakpakan ang mga taong nanonood pagkatapos niyang kumanta. Lumapit sa akin si James at nagsimula ang asaran ng mga tao. Akala yata nila, girlfriend niya ako. Sari-saring pang-aasar ang narinig namin. Nakita kong namula si James, pero kinuha lang niya ang kamay ko at hinatak na naman palabas ng quantum. “James?” “What now?” “Y-yung k-kamay ko kasi.” Bigla niyang binitawan ang kamay ko. Nagdecide kaming umuwi na dahil baka mayari na naman ako sa bahay. Habang naglalakad kami palabas ng mall, nakasalubong namin si Erika Tablan. Kaklase din namin. “Hey, magkasama pala kayo?” Hindi siya pinansin ni James kaya ako ang sumagot. “Hinahanap kayo sa room kanina ni sir eh.” Poker face pa rin si James. Halatang wala siyang pakialam sa mga sinasabi ni Erika. Pinakilala din niya sa amin ang boyfriend niyang si Mart. “Wait , are you guys dating?” Nagkatinginan kami ni James at sabay na tumingin kay Erika at sinabing, “Kami? Hindi ah!” Nagkatinginan ulit kami tapos biglang iwas. Narinig kong tumawa si Erika at ang boyfriend niya. “Chill! Napaghahalataan kayo. O siya, aalis na kami.” tumalikod na si Erika at si Mart pero my pahabol pa siyang sinabi. “By the way guys, both of you are blushing!” Nagkatinginan na naman kaming dalawa ni James. Awkward.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD