CHAPTER TEN

1244 Words
DANIELLE’S POV Napagdesisyunan kong huwag na lang ipahalatang nasasaktan pa rin ako. Kinabukasan, pumasok ako na parang normal lang ang lahat. Nakita ko sila Daren. Kulang sila. Wala si Neil. Alam na nila ang nangyari at ang balita ko, sinuntok pa ni Daren si Neil kahapon. Nakokonsensiya ako. Parang nasisira na ang samahan ng barkada namin dahil lang sa kagagawan ko. Hindi naman sila dapat madamay. Pero naiintindihan ko namang medyo nakakailang para kay Neil na sumama pa rin sa kanila lalo na’t nagalit din si Daren sa kanya. “Danielle, sigurado ka bang okay ka lang?” tanong sa akin ni Daren. Halata sa tono ng pananalita niya ang pag-aalala. “Oo nga! Okay na okay! Ano ba kayo! Huwag niyo ngang isipin iyon! Tsk.” Walang sumagot ni isa sa kanila. “O sige na! Pumasok na nga kayo sa room niyo! Iniistorbo niyo ko eh.” pabirong usal ko. “Pero Dan---" “Okay nga lang ako! Ano ba? Paulit-ulit na lang ba tayo?” “Sige na nga! Aalis na kami. Basta kapag kailangan mo ng masasabihan ha? Andito naman kami para sa iyo eh.” “Ang drama mo Bry! O sige na. Layas!” Alam kong nag-aalala talaga sila para sa akin. Pero ayoko rin namang magsabi sa kanila dahil alam kong maiiipit sila sa aming dalawa ni Neil. Tsk. Kasalanan ko talaga ito. Kung hindi na lang sana ako nagsalita. Kung tinago ko na lang sana ang nararamdaman ko. Hindi sana kami magkakaproblema. Minsan, mas maganda talagang hindi umamin kapag gusto mo ang isang tao lalo na’t kaibigan mo. Pumasok ako sa room. Napatingin ako sa upuan ni James. Sinisipon pa rin siya. Gumaan ang loob ko sa kanya dahil sa ginawa niya kahapon. Lalapit sana ako sa kanya pero sininghalan niya lang ako at bumalik na sa pagbabasa. Ano na namang problema niya? Bipolar talaga kahit kailan! Umupo na lang ako sa pwesto ko. Nainis na naman tuloy ako sa kanya. May time talagang epal siya. Matatapos na ang klase namin ngayong hapon pero hindi pa rin ako iniimik ni James. Lagi siyang may hawak ng librong puro sulat ang laman kapag vacant time. Bahala siya sa buhay niya. Nagring na ang bell. Senyales na tapos na ang klase. Nagpaiwan muna ako sa room. Nagsialisan na ang mga kaklase ko. Cleaners at ako na lang ang natitira dito. Napabuntong hininga na lang ako at naisip na naman si Neil. JAMES’ POV Bwiset! Nakakainis talaga ang mga taong mapagkunwari. Halata naman kay Danielle na hindi pa siya okay tapos aarte siya na parang walang nangyari. Hindi ko naman sinasabing magpaka-emo siya, ang akin lang, kung nasasaktan siya, aminin niya. Dahil kung itatago niya iyon, mas lalo lang siyang masasaktan. Tanga talaga kahit kailan! Pauwi na ako sa amin nang may bigla akong naalala.Nasaan na yung libro kong dala? Hawak ko lang iyon kanina eh. Tumakbo ako pabalik sa school. The Notebook ang title ng librong iyon. Sinulat ni Nicholas Sparks kaya hindi ko pwedeng maiwala. “Atin cu pung singsing Metung yang timpucan Amana que iti Quing indung ibatan Sancan queng sininup Queng metung a caban Mewala ya iti E cu camalayan.” Iyan lang naman ang naabutan ko sa loob ng room. Nakatulala si Danielle habang kinakanta iyan. Mistulang dinuduyan niya rin ang upuan. “Danielle?” hindi ko maiwasang tawagin siya dahil nawiweirdohan ako sa ginagawa niya. Bigla siyang tumingin sa akin ng masama. “Huwak mo akong papakialaman! Hindi ako si Danielle! Ako si Danica.” Matapos niyang sabihin iyon, bigla siyang tumayo at nagpakawala ng isang nakakapanindig balahibong tawa. Lumalapit siya sa akin. Hinawakan niya ako sa pisngi na parang bata. Lalo akong kinikilabutan sa kanya. “Da-danielle, ano ba!” “Ssssshhhh! Ilang beses ko bang sasabihin sa iyo? Ako si Danica.” Palapit siya nang palapit , samantalang ako ay paatras nang paatras. Naramdaman ko na lang na nakasandal na ang likuran ko sa pader. Wala na akong maaatrasan pa. “Da-danielle.” Hindi siya sumagot. Seryoso lang siyang nakatingin sa akin ng ilang minuto bago tumawa. “Badtrip! Mukha kang tanga! Pwede na pala ako maging bagong Rhodora. Tsk. Tsk.” sabi niya na parang nagmomonologue. Tumingin siyang muli sa akin. “Mukha kang tanga, promise!” sambit niya sabay kuha ng bag at lumabas ng room. Bwiset na babaeng iyon! Pinagtripan na naman ako! Napabuga na lang ako ng hangin. Hindi ako makapaniwala sa pinaggagagawa niya. Nakita ko ang libro ko at lumabas na rin ng room. Nabubwiset pa rin ako kapag naaalala ko ang nangyari kanina. Bigla akong natigilan sa paglalakad nang makita ko si Danielle sa school gate na nakaharap kila Neil at Alexa. Lumapit pa ako nang kaunti para marinig ko ang usapan nila. “H-hi Neil, Hi Alexa!” “Hi Danielle! Pauwi ka na?” tanong ng babaeng kasama ni Neil. “Oo eh. K-kayo?” “May nakalimutan kasi ako sa room. Babalikan ko lang. Sinamahan lang ako ni hubby.” Biglang natahimik si Danielle. Ito na nga ba ang sinasabi ko. “A-ano pala. Bagay kayo! Bagay kayo ni Neil!” utal-utal na sabi niya. Halata sa boses niyang naiiyak siya. “Wow. Ang sarap pakinggan ng bagay na iyan sa matalik na kaibigan ni hubby ko. Salamat Danielle.” Lumapit ako kay Danielle at muli siyang hinila. Hindi ko na pinansin ang naging reaksyon ni Neil at Alexa. Dinala ko siya sa may school garden. Pabagsak kong binitawan ang kamay niya pagkarating namin doon. “Bakit ka ba ganyan?!” sigaw ko. DANIELLE’S POV Napatingin ako kay James sa biglaang pagsigaw niya. Sa totoo lang, hindi ko alam na siya ang humatak sa akin. Sumama lang ako dahil gusto ko na ring makaalis sa harapan nilang dalawa. Nang makita ko sila, akala ko magagawa kong harapin sila nang maayos. Akala ko, kaya kong magpanggap na okay lang ako sa harapan nila. Nagawa ko iyon kila Daren, pero bakit kay Neil, hindi? Nagpaulit-ulit pa sa utak ko ang sinabi ni Alexa. ‘matalik na kaibigan.’ Ang sakit! Ang sakit dahil alam kong iyon ang totoo. Agad-agad kong pinunasan ang luha ko bago ako muling tumingin kay James. “Oy James! Bakit nandito ka pa? Siguro, gagantihan mo ako sa pantitrip ko sayo kanina no?” Nakatitig lang sa akin ang walang reaksyon niyang mukha. Sinusubukan kong magsimula ng usapan, pero hindi siya sumasagot. “Gusto ko lang naman iwasan yung sakit James eh.” Hindi ko alam kung bakit bigla na lang akong umamin sa kanya. Tumulo na ang mga luhang kanina pa gustong lumabas sa mga mata ko. Napayuko na lang ako. Ramdam ko ang pagtaas baba ng balikat ko dahil sa labis na pag-iyak. Nagulat ako nang biglang yumakap sa akin si James. Nakakagaan sa kalooban ang yakap niya. Hindi ko maipaliwanag, ngunit nakatulong talaga ng malaki ang yakap niya. “Let me.” “Huh?” Hihiwalay na sana ako sa kanya pero lalo niyang hinigpitan ang pagyakap sa akin. “Let me.” pag-uulit niya. “Let me ease the pain.” Hindi ko alam kung bakit niya ito sinasabi ngayon sa akin, pero may parte ng puso ko ang nagtitiwalang matutulungan niya ako. Namalayan ko na lang ang sarili kong yumakap na rin pabalik sa kaniya na mas lalong nakapagpagaan ng kalooban ko. Malabo sa akin ang lahat, pero sa ngayon, gusto ko munang manatili kaming ganito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD