DANIELLE'S POV
Kagabi, nakausap ko si papa sa isang video call. Tinanong ko siya kung dapat ba akong umamin kay Neil.Siyempre, hindi ko sinabi na ako yun.Ang tanong ko lang, ‘Kung may nagugustuhan kang tao, aamin ka ba kahit alam mong pwedeng masira ang pagkakaibigan niyo?’ Ang sagot ni papa, oo, mas mabuting kumapit sa kakaunting chance kaysa pagsisihan bandang huli. It’s better to lose in that way, than to lose without even trying. Hindi ko naintindihan yung huling sinabi niya.Buti na lang, naintindihan ko yung una. Paenglish English pa kasing nalalaman, alam niya namang tanga ako pagdating diyan.
Nakausap ko si Neil kanina at tinanong kung ano ang ideal girl niya. Ang sabi niya, mas gusto niya ang mga simpleng babae. May tinuro siya sa aking halimbawa. Isang estudyanteng masunurin. Nakasuot ng proper uniform, nakalugay lang ang magandang buhok, nakablack shoes at nakabag na pambabae. In short, malayong malayo sa akin. Nawalan na ako ng pag-asa nang sinabi niya iyon, pero may dinagdag siya. Ang sabi niya, hindi niya kailangan ng matatawag na ‘ideal girl.’ Ang kailangan niya ay ang babaeng makakapagpaimagine sa kanya ng kanyang ‘ideal life.’
Nabulabog ako sa malalim na pag-iisip nang biglang may bumahing ng pagkalakas-lakas sa tabi ko.
“Yuck James! Medyo baboy ha? Talsik mo, lumalaway!”
“Baliktad ka, tanga!”
“Sadya iyon. Ano ba iyan, hindi nagets! Ang bobo naman oh!”
Hindi niya ako pinansin dahil napabahing siyang muli. Kumuha siya ng tissue sa bag niya at pinunasan ang ilong niyang namumula na.
“Ang maho mo.'
Natawa ako nang bahagya.
“Hano habi mo?”
Inirapan niya lang ako at nagpatuloy sa pagkuha ng panibagong tissue. Muli na naman siyang bumahing.
“Bakit ka ba nagkasipon?”
“Nagpaulan ako kagabi.”
“Bakit?”
“Wala, may tinitingnan lang ako.”
“Ano naman iyon?” tanong ko habang nakataas ang isang kilay.
“Stars. Kaunti lang ang stars kagabi. Ang sabi nila, kapag kaunti ang stars, ibigsabihin, uulan. Kahit walang malinaw na explanation dun, naniniwala ako, kasi yun ang madalas mangyari. Madalas, kapag kaunti ang stars, kaunti rin ang chance na hindi matutuloy ang ulan.That’s the same with one’s feelings. When your feelings towards one person got started, it will be harder for you to prevent yourself fom falling. Few stars refers to one’s feelings, and the supposedly rain refers to the stage where you are already falling.”
“Oh, eh bakit ka nga nagpaulan?”
“Eh kasi nga, nakatulog na ako sa garden kakatitig sa kakaunting stars kagabi. Hinihintay ko kung uulan. Ibigsabihin, kapag umulan, hindi ko na mapipigilan ang nararamdaman ko. Tama nga, nagising ako dahil biglang umulan ng malakas.”
“Edi sana, pumasok ka sa bahay niyo!”
“Ewan ko ba, I just stayed there and watch every raindrop to fall.”
“Tsk! Ewan ko sa iyo, hindi kita maintindihan! Diyan ka na nga!” usal ko at naglakad na palabas ng room. Tapos na rin naman ang klase ngayong araw. Sadyang napatambay lang ako saglit dahil nag-iisip nga ako.
“Hoy, ano ang hindi mo maintindihan?!” narinig kong sigaw ni James.
“Lahat!” huling sagot ko bago tumakbo palabas ng school. Nakapagdesisyon na ako.
Kinabukasan, sinubukan kong mag-ayos ng sarili ko. Inilugay ko lang ang buhok kong madalas nakatali na parang naglalaba, ni-ribbon ko nang maayos ang tie ko sa uniform, nagsuot din ako ng black shoes at ginamit ko ang bag na matagal ng nakatago sa kwarto.
Body bag iyon at hello kitty ang design. Regalo iyon ng tita ko last year. Hindi ko ginagamit kasi ayoko nga ng mga nakakababaeng bag. Ginawa ko lang ito ngayon para kay Neil. Baka sakaling magustuhan niya ako.
Pagpasok ko sa school, hindi makapaniwala si James sa akin. Hanggang ngayon, sinisipon pa rin siya. Tsk! Sinisipon na nga, nagawa pang pansinin ang ayos ko.Umupo ako sa bench na nasa tapat ng room tutal ilang minuto pa bago magsimula ang klase. Katabi ko si James na may hawak na namang librong puro sulat ang laman.
“Tsk! Anong ginawa mo sa sarili mo? Hindi bagay! Mas lalo kang nagmukhang tanga! Ayos babae ka nga ngayon, pero kilos lalaki pa rin. Tingnan mo nga iyang upo mo! Daig mo pa ang mga maton sa kanto. Tsk.” puna niya sabay balik sa pagbabasa.
Inirapan ko lang siya. Maya-maya, nakita kong padating na sila Neil. Dahan-dahan akong tumayo at dahan-dahan ko ding inipit ang buhok ko sa kaliwang tainga ko. Tumigil sila pagdating sa tapat ko. Nagsimula namang tumawa sila Chris at Bryan. Tinatanong nila kung nasasapian ba daw ako. Maski si Mark na tatahitahimik ay parang pinipigilan lang ang tawa niya. Si Daren, nakatingin lang sa akin pero hindi nagsasalita. Napasimangot ako dahil sa pagtawa nila Chris at Bryan. Kanina, pinuna din ako ni James. Hindi ba talaga bagay sa akin ito? Hindi ko na ito uulitin.
“Tama na iyan! Tama na iyan! Pumasok na nga tayo sa room. Kayo talaga, wala ng ibang ginawa kundi asarin si Dan.”
Nagpaaalam silang lahat sa akin pero patuloy pa rin sa pagtawa. Hindi ko maiwasang madismaya. Sayang lang ang effort ko sa pag-aayos.
“Ang ganda mo Dan.” narinig kong bulong sa akin ni Neil bago siya sumunod kila Daren.
Napaangat ako ng ulo at napakagat sa labi ko. Unti-unting nabuo ang ngiti sa mukha ko. Napatingin ako kay James.
“Tsk!” singhal niya sa akin bago pumasok sa room.
Wala kaming ginawa sa time ni Sir Domit. Nagmeeting lang sila para sa darating na Christmas party. December na kasi kaya pinaghahandaan na iyon. Wala naman akong pakialam doon kaya lumabas na lang ako.Saktong nakita ko si Neil sa tapat ng section C. Nagtataka ako kung bakit siya nandoon kaya nilapitan ko siya.
“Neil!”
Ngumiti rin siya noong nakita ako.
“Uy, Dan.”
“Anong ginagawa mo dito?”
“Ah. Wala. Wala. May tinitingnan lang.”
Pareho kaming umupo sa bench na nasa tapat ng class C. Naisip kong maaaring ito ang tamang pagkakataon para umamin ako sa kanya. Tama si papa. Mas mabuting sumubok. Mas mabuting kumapit sa kaunting chance.
“Neil/Dan.” sabay naming sambit kaya napatingin kami sa isa’t isa.
“Ikaw muna.” dagdag niya.
Huminga ako nang malalim para bumwelo. Kinakabahan ako.
“May sasabihin sana ako sa iyo eh.”
“Ano iyon Dan?”
“Neil. Kasi ahmmm. Mahal… Mahal..”
“Mahal?”
“Ano kasi. Mahal…”
“Ano bang mahal Dan? Mahal na ang bigas? Mahal na ang gas? Mahal na ang kendi? Mahal na ang flat tops? Mahal na ang gamot? Ma---"
“Mahal kita.”
Halos hindi ako makahinga nang masambit ko iyon. Parang sasabog na ang dibdib ko sa kaba. Kinakabahan ako pero wala ng atrasan ito. Maya-maya, biglang tumawa si Neil.
Masiyado daw akong sweet. Mahal niya din daw ako. Mahal niya bilang kaibigan. Doon ko naramdaman ang sakit. Masakit ang umasa sa kakaunting chance, pero mas masakit pala kung hindi ka pagkatiwalaan ng taong mahal mo sa tunay na nararamdaman mo.
“Neil. Seryoso ako. Mahal kita. Hindi lang bilang kaibigan.”
Nanaig ang katahimikan sa aming dalawa. Nakatulala lang sa akin si Neil. Ako naman, mukhang tangang naghihintay ng isasagot niya.
“Hubby! Sorry, ngayon lang ako nakalabas. Ayaw kasi kaming payagan ng president namin kanina. Dapat daw, makiisa sa meeting lahat para sa Christmas Party. Sorry kung pinaghintay kita ha?”
Hubby? Ano ito? Hindi ko maintindihan. Wala pang paliwanag pero mas lalong bumigat ang pakiramdam ko. Bakit ganito ang nararamdaman ko? Napabaling naman sa akin ang babaeng lumabas mula sa section C.
“Oh, hello Danielle. I am Alexa. Alexa Magalona.”
Inabot niya sa akin ang kamay niya matapos niyang sabihin iyon. Nanginginig ako habang itinataas ang kamay ko.
“H-hi. A-ano ka ni Neil?”
“I am his girlfriend. Balak niya daw akong ipakilala sa inyo mamayang hapon pero mukhang napaaga ang pagkikita natin. Madalas ka niyang naikukwento sa akin. Nice to meet you Danielle.”
Paulit-ulit sa utak ko ang salitang girlfriend, at bawat ulit, pasakit nang pasakit. Napatingin ako kay Neil.
“T-totoo ba iyon N-neil?” pilit na nagpapakatatag kong tanong. Alam kong anumang oras, maaring lumabas ang mga luhang nagbabadyang tumulo sa mga mata ko.
“Oo Dan. Girlfriend ko si Lex.”
Hindi ko alam ang sasabihin ko. Bubuka ang bibig ko at sasara ulit. Ano ba ang dapat kong gawin?
JAMES’ POV
Pupunta ako sa faculty room para ipasa kay Sir Domit ang outline na napagmeetingan namin para sa Christmas Party. Kung tutuusin, wala naman akong pakialam dito. Ako lang ang president kaya kailangan kong gawin ito.
Bago ako makarating sa faculty, nakita kong nag-uusap si Neil at Danielle sa may bench sa tapat ng class C. Dumaan ako sa harapan nila, pero hindi nila ako napansin. Masiyado silang seryoso, lalo na si Danielle.
Nang maipasa ko ang outline, nagulat ako nang iba na ang maabutan ko sa labas. Nakatayo si Danielle at Neil at may isa pang babae na katabi ni Neil. Narinig ko ang sinabi niya na girlfriend siya nito. Hindi ko maiwasang mapatingin kay Danielle. Nasasaktan siya. Alam ko.
Wala dapat akong pakialam, pero hindi ko lubos maisip kung bakit kusa na lang bumuka ang bibig ko at tinawag siya bago tuluyang lumapit sa kanila.
“Danielle! Saan ka ba nagpupupunta? Gagawa pa tayo ng project! Halika na!”
Hindi ko na siya hinintay pang makasagot sa halip, hinawakan ko ang kamay niya at inilayo sa dahilan kung bakit siya nasasaktan.
“James, pwede mo ba muna akong samahan? Kahit saan. Huwag lang dito.” malungkot na sabi niya.
Hindi ako sumagot pero pumasok ako sa room at kinuha ang mga gamit ko pati ang gamit niya. First time kong magcutting. Bahala na.
Dinala ko siya sa park. Isang sakay ng jeep mula dito sa school. Naupo kami sa isang bench at doon siya nagsimulang umiyak.
“Bakit ganun James?Hinanda ko naman yung sarili ko eh.Akala ko, matatanggap ko kahit anong sabihin niya. Sinubukan kong baguhin ang sarili ko dahil baka sakaling magustuhan niya ako. Wala na James. Wala na, kahit umpisa pa lang, wala na talaga. Ang tanga tanga ko talaga! Masakit na nga yung mahal ka niya bilang kaibigan, masakit na nga na hindi niya ako pinaniniwalaan, tapos madadagdagan pa pala ang sakit nang malaman kong may iba na agad siyang mahal.”
Hindi ako umimik sa mga sinabi niya. Iniangat ko ang dalawang kamay ko at pinahid ang luha niya sa pisngi gamit ang thumb ko.
“Hindi talaga ito napaghahandaan Dan. Hindi ka matututo hangga’t hindi ka nasasaktan. Walang mali sa ginawa mo. Nagmahal ka lang naman. Higit sa lahat, hindi mo kailangang baguhin ang sarili mo. Kung hindi nakatali ang buhok mo na parang naglalaba, kung hindi nakaharang ang bangs mong mahaba sa mukha mo, kung hindi maliit na bagpack na may lamang isang notebook ang dala mo, kung hindi ka nakarubber shoes na sa palengke lang binili at kung hindi ka naglalaro ng pogs sa edad mong iyan, hindi ikaw si Danielle. Dahil ang taong iyon? Ang babaeng amasona, super slow, hindi sumusunod sa lahat ng rules at bobo sa lahat ng subject, iyon ang tunay na Danielle. Iyon ang Danielle na kilala ko.”
Unti-unting humina ang pag-iyak niya.
“Mahalin mo ang taong tatanggapin kung sino ka. Tanda mo ba yung stars at ulan? Maaring bumagsak nga ang ulan. Pero hindi panghabang-buhay iyon. Mawawala din iyan Danielle. Mawawala din ang sakit.”
Natigilan ako nang biglang yumakap sa akin si Danielle. Naramdaman ko na naman ang malakas na pagtibok ng puso ko. Napapadalas na ito.