DANIELLE'S POV
The next day, normal naman ang lahat ng nangyari. Sinigawan ako ni mama at sinabihan ng walang kwenta para lang magising ako nitong umaga. Tinatamad pa rin akong pumasok sa school. Hindi pa rin ako makapaniwalang nakapasa ako sa special exam. Nabubwiset pa rin ako kay James at wala pa ring pakialam sa akin ang mga estudyante dito. Mali. Naiba yung dulong sinabi ko. Halos lahat ng atensyon ay nasa akin ngayon. Hindi ko alam kung bakit. Nakakainis ang mga tingin nila at ayoko nito!
Hindi ko sila pinansin. Wala din namang dahilan para pansinin ko sila. Sige! Tingnan nila ako hangga’t gusto nila pero huwag na huwag lang silang mananakit. Dahil kapag sinaktan nila ako--"Aray!”
Kasasabi ko lang na huwag akong sasaktan eh! Papunta ako sa canteen ngayon nang may babaeng pumatid sa akin. Nakahalukipkip pa siya at abot na sa tuktok ng noo niyang kasing lapad ng chopping board ang taas ng kaliwang kilay niya.
Tumayo agad ako at pinagpagan ang uniform kong nadumihan.
“Ano bang problema mo?!”
“Ikaw!Sino pa ba?”
Maya-maya, dumami na ang mga estudyanteng nasa paligid namin. Karamihan ay mga babae. Kung anu-anong sinasabi nila. Pinakita nila sa akin ang picture kung saan magkasama kami ni James na papasok sa bahay nila. Iyon lang ang pinaglalaban nila! Nakakainis! Paulit-ulit sila sa pagsabi ng b***h at slut! Naiintindihan ko ang b***h pero hindi ko alam kung ano ang ibigsabihin ng slut, bwiset!
“Malandi ka talagang babae ka! Nagkukunwari ka lang na tomboy, pero ang totoo, malandi ka! Hindi ka pa nakuntento sa mga boys ng F at idinagdag mo pa si James! You fugly slut!”
Aba, bwiset itong babaeng ito ha? Hindi ko na nga maintindihan ang slut, dinagdagan pa ng fugly!
“Una sa lahat, hindi ako nagkukunwaring tomboy! Babae ako pero hindi ako kasing lalandi ninyo!Pangalawa, tropa ko ang mga lalaki sa F, kaya huwag kayong mag-inaso kahit mga mukha kayong aso! Pangatlo, hindi kami ni James. Galing lang iyon sa mga nakakaawa niyang stalkers! Pang-apat, kung hindi kami bagay, wala akong pakialam! Panglima, hindi ko maintindihan kung ano ang fugly slut! Pang-anim, mawalang galang na kahit hindi kayo kagalang-galang, padaanin niyo na ako dahil nagugutom na ako!Pangpito..”
“What?”
“Wala na akong maisip. Sige, mauna na ako ha?”
Lahat sila napanganga. Hindi ko alam kung bakit. Wala naman akong nasabi na dapat ikanganga! Mga baliw yata itong mga babaeng ito eh. Mabuti na lang at pinadaan na nila ako. Papasok na sana ako sa canteen pero biglang may pumalakpak nang dahan-dahan sa may pintuan. Tatlong palakpak iyon! Natatakot akong lumingon. Naalala ko iyong palabas na pinanood namin kila Daren noong nakaraang araw. ‘The Conjuger ba iyon?’ Basta, iyong may do you want to play hide and seek?
“Hoy!”
“Ay, pesteng conjuger! Layo!”
Biglang nagtatawa si James sa reaksyon ko. Sumulpot kasi siya sa harapan ko kaya napasigaw ako. Iniisip ko pa kasi yung conjuger eh!
“Priceless ang mukha mo amasonang tomboy! Tsk. Babatiin lang naman kita dahil ang ganda ng speech mo kanina sa mga babaeng iyon, hindi ko naman alam na magugulatin ka pala.”
Nagsimula na naman siyang tumawa nang tumawa. Inirapan ko lang siya at dumiretso na sa pila.
“Hoy Daniellang tomboy! Ano yung conjuger?”
“Tsk! Tumahimik ka!”
“Bilis na! Ano nga iyon?”
“Conjuger! Horror movie na may tatlong palakpak at do you want to play hide and seek na sinasabi.”
“Ha? May ganyan bang title ng horror movie?”
“Oo! Iyon ang pinakabago ngayon! Ang tanga mo naman, hindi mo alam iyon?”
“Hindi. Wait. Iyon ba yung may babaeng nakabigti sa puno?”
“Oo!Oo, iyon nga! The Conjuger!”
Nagsimula na naman siyang tumawa. Mas malala kaysa kanina. Nakahawak na nga siya sa may bandang tiyan niya. Ako naman, nananatiling walang reaksyon habang nakatingin sa kanya. Nang makamove-on na siya sa pagtawa, inayos niya ang sarili niya at seryosong tumingin sa akin.
“The Conjuring iyon, bobo!”
Sabi niya bago tuluyang pumila at iniwan akong nag-iisip. Conjuring ba iyon? Akala ko, conjuger.
JAMES’ POV
“Hoy, amasonang tomboy! Tiyaka ka na maglakwatsa, pasagutan mo muna itong mga questionnaires!”
Uwian na kami ngayon at ewan ko ba kung bakit nagmamadaling lumabas si Danielle. Pinapasagutan ko na yung mga questionnaires dahil iyon na lang ang kulang sa project namin. Sinabihan ko siya kanina pero tumanggi siya. Pinairal na naman ang katamaran.
“Hoy, ano ba!”
Noong maabutan ko siya, hinawakan ko siya sa kaliwang braso at iniharap sa akin. Nagpupumilit siyang makawala pero hinigpitan ko pa ang kapit ko.
“Pasagutan mo muna ang mga ito!”
“Tiyaka na nga!”
“Hindi kita papakawalan.”
Nagpakawala siya nang isang malakas na buntong hininga bago tumingin sa akin ng kalmado.
“Ok. Sige. Bitawan mo muna ako.”
Dahil mukhang seryoso na siya, binitawan ko ang braso niya at iniabot ang mga questionnaires pero..
“Aray!”
Napapikit ako sa sakit. Pagdilat ko, nakatakbo na ang babaeng kumagat na naman sa balikat ko. Hinabol ko siya hanggang sa makarating kami sa likuran ng mga rooms ng first year. N
Nagtataka ako dahil wala namang mga estudyante ang nagpupunta dito. Hindi kaya, nagdadrugs si Danielle?
Kahit nagtataka ako, sinundan ko pa rin siya. Naabutan kong hinuhubad ni Danielle ang blouse niya sa harap ng limang lalaki na madalas niyang kasama.
“Hoy, hoy! Bawal iyan!”
Napatigil si Danielle at napatingin silang lahat sa akin.
“Anong bawal?” tanong ni Danielle.
“I-iyan! Iyang ginagawa mo! Ba-bawal iyan! N-naghuhubad ka sa harapan nila. Mahiya ka naman! P-parte pa rin ito ng school!”
“Ano bang sinasabi mo diyan?”
Hinawakan na naman niya ang blouse niya at akmang huhubarin pero sumigaw ako.
“Hoy, hoy! Itigil mo sabi iyan eh!”
Inirapan niya lang ako at itinuloy ang ginawa niya.
“Huwag O.A pwede? May T-shirt ako sa loob. Tsk! Bakit ka ba nandito?”
Dahan dahan kong ibinaba ang kamay kong nakaturo na sa kaniya kanina.
“W-wala. Hinabol k-kita.” Utal-utal at pahina nang pahina kong sagot.
Nakaramdam ako ng hiya. Badtrip! Hindi rin naman sumagot si Danielle pero nakita kong umirap na naman siya.
“Pare. Neil nga pala.” panimula ng lalaking sumundo kay Danielle noong nakaraang linggo.
“Mark.” pagsunod ng lalaking mukhang pinakatahimik sa kanila.
“Chris pare.” banggit ng isa na hindi man lang tumingin sa akin. Busy siya sa pagtetext.
“Pagpasensiyahan mo na iyang si Chris! Ganyan naman iyan palagi! Busy sa pagtetext. Mahilig kasing manligaw sa text iyan!” paliwanag ni Neil.
Napatingin ako doon sa lalaking katabi ni Chris. Siya ang lalaking nag hysterical noong naabutan nila ako sa library na nakatingin kay Danielle. Masama ang tingin niya sa akin.
“Ah. Huwag mo siyang pansinin. Siya si Daren. Ako nga pala si Bryan.Welcome dito sa aming SB.”
“SB?” takang tanong ko.
“SB. Secret Basement.” nagmamalaking sagot ni Bryan.
“Ako ang nakaisip nito.” dugtong niya.
“Secret basement?” pag-uulit ko.
“Oo. Secret basement.”
Tumingin ako sa paligid. Malawak na damuhan lang naman ito at may nagiisang puno. Mahangin din sa lugar na ito.
“Secret Basement?” pagtatanong kong muli.
“Danielle, sigurado ka bang si James ito? Siya talaga ang top 1? Ang bobo eh! Kanina pa siya paulit-ulit ng tanong. Hindi ba niya alam ang secret basement?” mahinang sabi ni Bryan kay Danielle pero narinig ko pa rin.
“Tsk. Basement is the lowest part of wall or building, and obviously, this is not a basement so why you keep on calling it as your secret basement? I know what you wanted to say earlier ,but base is more acceptable than using basement.”
Lahat sila napanganga, maliban kay Daren na masama pa rin ang tingin sa akin.
“Stupid. ” huling sambit ko bago tuluyang umalis. Wala rin naman akong mapapala dito.
Narinig ko pang nagtanong si Bryan kay Danielle kung ano ang stupid, pero sumagot siya nang hindi rin daw siya sure.