CHAPTER SEVEN

1531 Words
DANIELLE'S POV Andito ako sa bahay nila James ngayon. 1PM kami nagkita sa school. Nagalit pa nga siya dahil saktong 1PM ako dumating. Nakakabobo talaga ang lalaking iyon minsan. Tsk. Ang ganda ng bahay nila. Hindi naman ganun kalaki, pero maganda. May taas sila at kulay black and white ang pintura kaya elegante tingnan. May garden din sa labas. Ang ganda talaga. Nakaupo ako ngayon sa sofa dito sa salas nila James. Pinilit kasi siya ng mama niya na magtimpla muna ng juice para sa akin. Ang bait nga ng mama niya kaya nagtataka ako kung saan nagmana si James. “Ikaw pala si Danielle.” “Opo, ma’am.” “Tita na lang.” usal niya sabay ngiti. “Si-sige po tita.” “Nakukwento ka sa akin ng anak ko.” “A-ano pong sabi?” “Ang sabi niya, mayroon daw siyang kaklaseng ubod ng tanga at kabobohan tapos tomboyin pa daw.Ikaw pala yun.” Ramdam na ramdam ko ang pagngiwi ng mukha ko at ang pag-akyat ng dugo sa ulo ko. Hayup na James iyon! Nahiya naman ako masiyado sa mga descriptions niya no! Hindi na lang ako sumagot kay tita at pilit na ngumiti. “Juice mo! Tsk.” Pagkadating ni James, at saktong pag-alis ni tita, agad-agad ko siyang binatukan. Aba, dapat lang na magbayad siya sa ginawa niya! “Huwag ka na ngang maginarte! At least yung mga sinabi ko, totoo. Kung may nagtanong sayo na idescribe ako tapos sinabi mong panget, iyon ang karapat-dapat ipaglaban!” “Ang yabang mo talaga no?” “Totoo naman eh! Nakita mo? May mga stalkers pa ako kanina.” Oo. Tama siya. May mga stalker siya dahil nakakita kami ng pagflash ng camera kanina habang papasok kami sa loob ng bahay nila. Wala ng pag-asa iyung mga babaeng naghahabol sa kaniya. Ako ang naaawa para sa kanila eh. Nagpatuloy kami sa pagtatalo nang biglang may super duper mega hyper na babaeng bumaba mula sa itaas at diri-diretsong pumunta kay James at yumakap. “Ate, ano ba!” Hindi siya pinansin nito dahil sa akin naman siya bumaling. “Oh, hi! I am his sister. I am 20 years old. I guess you are his girlfriend. Oh well, it’s my pleasure to meet you pero bumaba lang talaga ako para yakapin ang brother ko. Paalis na din kasi ako. You know, graduating student sa college so medyo busy talaga, bye bye. Nice to meet you, ahmm, what’s your name?” “Da-Dnielle.” “Yeah, Danielle, so, see yah! Bye!.” sabay tumakbo ulit palabas ng bahay. Gusto kong magreact sa sinabi niya pero hindi ako makapagsalita. My after shock pa rin ako sa kahyperan niya . 20? 20 na yun sa lagay niyang yun? “Pagpasensiyahan mo na si ate. Childish kasi yun.” “Anong pangalan niya?” “Hey Danielle! I am Jamie Michelle Esquivel, in case you want to know!” pahabol ng ate niya. Bumalik pa talaga siya dito para lang sabihin iyon?Hingal na hingal pa nga siya eh. Grabe, buti nakakatagal sa isa’t-isa ang magkapatid na ito. “Pwe! Gago ka James!” Tinungga kasi ni James yung laman ng baso sa bibig ko. Hindi ko naman kasi alam na nakanganga na pala ako. Malamang nasamid ako. Ang sama sama talaga ng ugali nito. Pinunasan ko na parang lalaki ang bibig ko. Paano yun? Basta, yung hindi mahinhin! “Tara na sa taas.” walang emosyong sabi ni James at saka naunang maglakad. “Tsk. Grabe ka.” bulong ko na lang. JAMES' POV Nandito kami sa kwarto ngayon. Ilang minuto na ang nakaraan pero nganga pa rin akong nakatingin sa laptop at siya naman ay nganga din. Nganga sa pagkain! Kanina niya pa nilalantakan yung Pringles na inakyat ni mama sa kwarto eh. Dalawa yun! Yung pinakamalaki. Ubos na yung isa at paubos na yung isa pa. Take note! Hindi pa ako kumakain niyan. “Wala ka pa bang naiisip?” “Wala. Huwag mo akong tanungin diyan. Moral support lang ako. Iyon lang ang kaya kong itulong.” ani niya na kung umasta ay wala talagang pakialam. Nang maubos yung nilalantakan niya, tumayo siya at nilibot ang kwarto ko. Napadpad siya doon sa mini library ko. Kumuha siya ng isang libro, binuklat niya sabay binalik ulit. Ganun lang ang ginawa niya. Paulit-ulit! “Mahilig ka talagang magbasa ng librong puro sulat ang laman no?” “Novel ang tawag diyan, tanga ka!” “Hindi ko naman tinatanong kung anong tawag ditto, mas tanga ka! Tsk. Basa basa ka pang nalalaman, wala naman akong mapapala kapag binasa ko ang lahat ng ito.” Dahil sa sinabi ni Danielle, nagkaroon ako ng idea. Reading Comprehension na lang ang gagamitin naming topic para sa action research. Since wala namang maitutulong ang tomboy na ito, siya na lang ang magpapakalat ng questionnaires. Muntikan pa siyang magreklamo, pero siyempre, hindi na ako pumayag. Nagsimula na akong magtype sa laptop habang siya ay nananatiling nganga. Nganga! As in wala talaga siyang ginagawa. “James, wala na ba kayong Pringles?” “Tibay mo din no? Medyo makapal ang mukha ha? Bawas-bawasan! Tsk tsk.” “Kapag binawasan ko ito, ninipis ang balat ko, magiging sensitive ako. Mas okay na ang kasing kapal ng balat ng kalabaw.” Tumingin ako sa kanya nang hindi makapaniwala. Grabe mag-isip ang babaeng ito. Maya-maya, pumasok si mama na may dalang cupcakes. Nagbake na naman siguro siya. “Grabe ka James! Hindi mo man lang binigyan si Danielle ng Pringles!” singhal ni mama sa akin habang hawak hawak yung Pringles na wala ng laman. Si Danielle naman, tahimik na tumatawa. Ewan ko kung paano niya nagagawa iyon. “Ako agad? Hindi ba pwedeng siya?” “Hindi. Imposibleng maubos ni Danielle iyan.” “Grabe! Imposible nga!” Inirapan lang ako ni mama at lumabas na ulit ng kwarto. Tiyaka naman nagpakawala si Danielle nang malakas na tawa. Iyon lang ang ginawa niya. Kumain , mang-asar at tumawa. Ang laking tulong, hindi ba? Tsk. “James, ang papa mo?” Natigilan ako sa pagtatype nang dahil sa tanong ni Danielle. “Anong meron sa papa ko?” “Nasaan siya?” Nagpakawala lang ako nang malakas na buntong hininga at bumalik na lang sa pagtatype. Hindi ko sinagot ang tanong niya. “Alam mo, si papa? Namimiss ko na. Apat na taon na ang lumipas simula noong nangibang bansa siya. Ang lungkot sa bahay. Wala akong kapatid. Si mama naman, puro sermon palagi. Hindi niya nakikita ang mga tamang nagagawa ko, puro mali na lang palagi.” Direrso lang ako sa pagtatype at nagkunwaring hindi nakikinig sa kanya. “Alam mo ba kung gaano kasakit masabihan lagi ng walang kwenta? Ang sakit! Sobrang sakit dahil sa sariling nanay ko pa mismo nanggaling. Ang sabi nila, nanay mo ang unang susuporta sa iyo, pero bakit sa akin, siya ang unang nagdadown? Lahat ng gawin ko, mabuti o masama, walang kwenta para sa kanya.Ako mismong anak niya, walang kwenta.” Nakarinig na ako ng paghikbi mula kay Danielle, pero pinunasan niya agad ang luha niya gamit ang mga braso niya. “Napakamiserable ng buhay ko no?” tanong niya sa akin sabay tawa nang pilit. Tumigil ako sa pagtatype at tumingin sa kanya nang seryoso. “Iniwan na kami ni papa.” Hindi ko alam kung tama bang sabihin ko sa kanya ito pero hindi ko rin maintindihan ang sarili ko. Ang gaan ng loob ko sa kanya at alam kong safe kahit sabihin ko ang problema ko.Minsan na rin kasi akong niloko at iniwan ng dahil dito, ayoko nang maulit. “Iniwan kami ni papa noong 6 years old pa lang ako. Sumama siya sa ibang babae. Wala siyang malinaw na dahilan. Nagising na lang kami isang araw na wala na siya sa bahay. Atleast ikaw, may nanay ka, may tatay ka na babalik sa inyo. Ako? Ni hindi ko alam kung nasaan siya at mas lalong hindi ko alam kung babalik pa siya.” Tumahimik siya at halatang nakikinig sa akin. Pinipigilan ko ang mga luhang nagbabadyang tumulo sa mga mata ko.Hindi ako papayag na kaawaan niya ako dahil yun ang pinakaayoko sa lahat. “Hindi ka miserable Danielle.Malayo man sa iyo ang papa mo, ganun man sa iyo ang mama mo, at least, kumpleto kayo. May mga kaibigan ka din. Andiyan sila Neil para sa iyo. Ako? Wala. Ang mama at ate ko lang ang meron ako. Wala akong ama. Wala akong kaibigan.” “James.” “Pero alam mo? Kahit ganun ang ginawa sa amin ng magaling kong ama, mas nananaig pa rin yung kagustuhan kong makasama siya ulit.” Hindi ko na napigilan ang sarili ko at may luha ng pumatak sa kanang mata ko. “Tsk! Cupcake!” sabay subo sa akin ni Danielle ng buong cupcake. “Ano ba!Ang laki laki ng cupcake, sinubo mo sa akin ng buo! Tanga mo talaga eh no!” sigaw ko matapos kong pagdusahan ang pagnguya sa buong cupcake. Ang hirap kaya! Hindi naman siya sumagot at ngumiti lang. This girl, she knows how to change the mood.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD