CHAPTER SIX

1812 Words
DANIELLE'S POV Last day na ng pagrereview ko ngayon. Bukas na ang exam. Hindi naman ako kinakabahan pero siyempre, napapaisip pa rin ako kung maipapasa ko ba talaga yung mga exam na ibibigay sa akin. Buong araw ko tuloy hindi nakita si Neil dahil sa review na ito. Wala naman talaga akong mapapala dito eh. Kung hindi lang para kay papa, magbubulakbol na lang talaga ako. Noong lunch break, pumunta na kami ulit ni James sa library. Tinuruan niya na naman ako ng sandamakmak na lessons. Mabuti na lang at naiintindihan ko. Oo na! Magaling talaga siyang magturo. Kapag nahihirapan ako, magbibigay siya ng mga halimbawa na madaling intindihin. JAMES’ POV “Ito naman. Subukan mo munang basahin. Gusto kong malaman ang mga naintindihan mo after mong basahin iyan.” Inabot ko kay Danielle yung batikan sa Filipino na kinuha niya rin naman. Nagsimula na siyang magbasa nang tahimik samantalang nakatingin lang ako sa kanya. Ilang minuto na ang nakakalipas pero nagbabasa pa rin siya at patangu-tango pa. Mabuti naman at naiintindihan niya na. Ang hirap niyang turuan, seryoso. Pagkatapos niyang magbasa, ibinalik niya sa akin ang batikan. “Anong pagkakaintindi mo doon sa kwento?” Tumingin siya sa akin nang seryoso at ako naman, mukhang tanga na naghihintay sa sagot niya. Dahan-dahan siyang umiling. “Wala akong naintindihan.” Napatingala ako sa sobrang inis. Akala ko naiintindihan niya yung binabasa niya, bwiset naman oh! Napahilamos pa ako sa mukha ko. “Wala ka talagang naintindihan?" “Wala nga! Paulit-ulit tayo, ganun?” “May utak ka pa ba?” “Check mo, bilis.” Napairap na lang ako sa kawalan nang dahil sa kabobohan niya. Isang malakas na buntong-hininga ang pinakawalan ko bago ko ipinaliwanag kung ano ang binasa niya. Wala ng pag-asa ang isang ito. DANIELLE'S POV Sa wakas at nakapag-aral din ako. Ilang subjects pa lang ang natatapos namin dahil may klase kami kinahapunan. Bumalik lang ulit kami sa library pagkatapos ng klase. Nagpasama ulit ako kay James dahil syempre, tuturuan niya ulit ako. Naging okay naman ang lahat kaya lang, pinapauwi na kami ng librarian. 6PM na daw kasi at hanggang 6PM lang itong library. Agad-agad akong tumayo at naunang maglakad pabalik sa room namin. “Oy, oy! Saan ka pupunta?” “Sa room. Medyo tanga?” “Alam ko! Hindi ka pa ba uuwi?” “Hindi pa. Mag-aaral ako.” “Sa bahay niyo na lang ipagpatuloy iyan!” “Ayoko dun. Sesermunan lang ako. Umuwi ka na kung gusto mo!” Pumasok ako sa room at umupo sa arm chair na nasa bandang dulo. Sumunod din naman siya at umupo sa tabi ko. “Hindi kita pwedeng pabayaan. Hindi mo naman maiintindihan iyan kung hindi kita tuturuan.” “Wow ha? Thank you!” “You’re entirely welcome!” Hindi na kami umimik pareho pagkatapos niyang sabihin iyon. Naging seryoso naman siya sa pagtuturo at ako naman ay naging seryoso na sa kunwaring pakikinig ko! Oo. Nakikinig ako, pero feeling ko kunwari lang. Ewan! Ang gulo na naman ng utak ko. JAMES' POV “O ano, naiintindihan mo---" Hindi ko na naituloy ang sasabihin ko dahil biglang bumagsak ang ulo ni Danielle sa balikat ko. Napatingin ako sa maamo niyang mukha na natutulog. Mukha siyang anghel. Matulog na lang kaya siya palagi? Kahit nakakangalay ang pwesto ko, hinayaan ko na lang siya. Dahan-dahan kong inilagay ang isang kamay ko sa ulo niya at hinawakan ang buhok para mas humimbing lalo ang tulog niya. Ewan ko ba. Hindi naman ito ang gusto kong gawin pero ito ang nangyayari. “Mukha ka naman palang babae kapag tulog eh.” sambit ko atsaka dahan-dahang ipinatong ang ulo ko sa ulo niya. Maya-maya, nakaramdaman na rin ako ng antok. DANIELLE’S POV Ngayong araw ng exam ko. Excuse ako sa klase dahil buong araw akong magsasagot sa library. Walong subjects yun! Goodluck na lang talaga sa utak kong walang laman. Mga 9PM na kami nakauwi kagabi. Pagkagising ko, nakatayo na si James at nakasandal pa sa pader habang nakikinig ng music sa cellphone niya. Tinanong ko siya kung bakit hindi pa siya umuuwi, pero hindi niya ako pinansin. Bastos talaga yun kahit kailan! Pinagalitan ako sa bahay dahil ang akala ni mama, naglalandi daw ako. Palagi namang tamang hinala yun eh. Isa-isa na naman akong inasar nila Daren bago magsimula ang exam. Valedictorian na daw ako nito. “Dan, goodluck sa iyo. Galingan mo ha?” bati ni Neil. Tumibok nang malakas ang dibdib ko. Wala naman siyang sinabing kakaiba pero naging wild na naman ang puso ko. “Sa-salamat.” utal-utal kong sagot. “Wow ha? Nagiislutter ka na ngayon Danielle!.” pang-aasar na naman ni Bryan. “Slutter?” sabay-sabay naming tanong. “Slutter. Slutter lang, hindi niyo pa alam! Utal-utal, mga tanga kayo.” buong pagmamalaking sabi ni Bryan. Nagsimula namang humalakhak si Chris. “Stunner yun! Ang bobo mo!” Lahat kami, nagsipagtanguan. Aba, mukhang tumatalino itong si Chris ha? “That’s stutter.” Napatingin kaming lahat kay James na nakapamulsang katabi ko na ngayon. Ayan na naman yung mukha niyang walang reaksyon. Sininghalan niya lang sila Chris na parang sinasabing ‘tanga’ bago tumingin sa akin at nagsabi ng goodluck. Hindi nga? Si James? O siya, totoo na ang himala! Pero teka, bakit napapangiti ako? Maya-maya lang, ipinatawag na rin ako sa library. Madali naman ang naging exam. Halos lahat, naituro ni James. Siya na talaga! Hindi na ako kumain ng lunch kaya 3PM pa lang, tapos na akong magsagot sa lahat ng subjects. Ang sabi rin ng teacher na nagbabantay sa akin, makukuha ko daw agad ang resulta ngayon kung maghihintay ako ng hanggang 6PM. Gusto ko na g malaman kaya dumiretso muna ako sa school garden at doon natulog. JAMES’S POV Hindi na kami pinasukan ng English teacher namin ngayong hapon dahil pinapaasikaso na lang ang project namin. Busy naman ang class A sa pagpaplano ng gagawin nila sa project kaya lumabas na lang ako. Tinatamad ako dun at wala rin naman akong makakausap dahil wala ang ubod ng talino kong partner. Naglakad ako papuntang school garden. Naalala ko na naman yung nangyari kanina. Lunch break nung time na iyon at balak ko sanang pumunta sa canteen pero sa library ako napadpad at palihim na tiningnan si Danielle. Naabutan ako ng mga kabarkada niyang nakatingin sa kanya at hindi ko alam kung bakit pero bigla na lang naghysterical yung isa sa kanila at gustung-gusto akong suntukin. Inawat lang siya ni Neil at nung iba pang kasama nila. Ano kayang problema ng lalaking iyon? Pagpasok ko sa kubo, nakita kong natutulog si Danielle. Itong babaeng ito, kung saan-saan natutulog. Hinayaan ko lang siya. Umupo ako sa katapat niya at pinagmasdan siya. Napapadalas na ang pagtitig ko sa kaniya. Nakakainis na ito. Hindi rin nagtagal, tumunog na ang bell at naglabasan na ang mga estudyante. Nagdadalawang-isip ako kung gigisingin ko ba ang babaeng ito o iiwan na lang siya. In the end, mas pinili ko pa ring gisingin siya. “Danielle.” "Ma! Mamaya na! Maaga pa!" Ilang beses kong tinawag ang pangalan niya pero puro ‘Ma! Mamaya na’ ang sagot niya. Sa sobrang pagkaasar ko, binatukan ko na lang siya. “Aray ko! Bakit ka ba nangbabatok!” “Ang hirap mo kasing gisingin eh!” Sumagot sagot pa siya pero hindi ko na pinansin ang mga sinasabi niya. Naagaw kasi ng atensyon ko yung weird na tunog na narinig ko. Ewan. Hindi ko maexplain. Nakahalata din naman si Danielle kaya napatigil din siya. Muli na naman naming narinig yung tunog. Napahawak si Danielle sa tiyan niya. “Anong nangyari sa iyo?” “Pakialam mo ba? Umalis ka na nga!” Muli na namang tumunog ang tiyan niya, pero tinatanggi niya pa ring nagugutom siya. “Kung gutom ka, bakit hindi ka bumili ng pagkain?” May kinuha siya sa bulsa niya tapos iniharap sa akin. “Saan makakarating ang tres?” “Hindi ka ba binibigyan ng baon ha?” “Binibigyan! Pinangbili ko lang ng pogs kanina. Ang astig kasi ng mga picture.” “Ang laki laki mo na, nagpopogs ka pa!” “Sinabi nang huwag mo akong papakialamanan eh!” “Tsk.” iyan lang ang sinabi ko bago ako umalis. DANIELLE'S POV Bastos talaga ang lalaking iyun kahit kailan! Aalis na lang ng walang pasabi. Nakakainis. Nagugutom na ako. Ang cute kasi ng images dun sa pogs kaya binili ko. Pokemon. Nakahawak lang ako sa tiyan ko habang pakanta kanta ng twinkle twinkle little star. Wala lang. Trip ko lang. Maya-maya, bigla na lang may naglapag ng brownies at plus apple sa lamesa. Napatingin ako kay James na siya namang umiwas ng tingin. “Huwag kang mag-isip ng kung ano diyan! Binili ko lang iyan kasi nakakaasar iyang tunog ng tiyan mo.” sabi niya habang sa ibang direksyon nakatingin. Sininghalan ko lang siya. Pati ba naman ang tunog ng tiyan ko, papakialaman pa? Kinuha ko na yung pagkain dahil gutom na talaga ako. Umupo naman siya sa tapat ko at kinain na rin yung pagkain niya. “Thanks.” bulong ko pero sapat para marinig niya. Hindi niya ako pinansin at nagpatuloy lang sa pagkain. Sinabi niya rin na sasamahan niya akong maghintay ng resulta. Hindi na ako nagtanong kung bakit. Mas mabuti na rin iyon para may makasama ako sa paghihintay. Napag-usapan rin namin na pupunta ako sa bahay nila bukas tutal Sabado naman. Noong una, sinabi niyang siya ang pupunta sa amin, pero siyempre, tumanggi ako. Hello! Edi nabusog kami sa words of wisdom ni mama. Magkasama kaming pumunta sa faculty pagkatapos naming kumain. Nakasalubong namin sila Neil at isa-isa akong sinabihan ng goodluck para sa pagkuha ko ng resulta. Hindi ko nga alam na nakatambay pa sila sa room nila eh. Pagpasok ko sa faculty, lumapit ako kay Sir Domit na agad din namang binigay ang resulta. M Masiyado akong nabigla, kaya nagpasalamat lang ako kay sir at nagtatatakbo palabas. Narinig kong nagtatanong sila Neil kung anong nangyari pero ewan ko kung bakit hindi ko maintindihan. Nakita kong papalapit si James kaya ngumiti ako at tumakbo papunta sa kaniya. “James! Napasa ko! Napasa ko!.” tuwang-tuwang sabi ko sabay yakap kay James, pero hindi siya umimik. Bumitaw ako sa pagkakayakap at ngumiti sa kanya. “Napasa ko.” muling sambit ko. Nananatili siyang nakatulala. “Huy! Hindi ka ba masaya para sa akin?” “Sye-syempre masaya. Nagulat lang ako sa pag-pagyakap mo.” Doon naman ako natauhan. Inayos ko ang sarili ko at inalis ang ngiti sa mukha ko sabay sabing, “Ginawa ko yun? Asa ka! Hindi ko ginawa yun.” Nauna na rin akong maglakad. Narinig ko namang tumawa siya nang bahagya mula sa likuran ko, at sa hindi malamang kadahilanan, napangiti na lang din ako.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD