CHAPTER ONE

1283 Words
DANIELLE'S POV “Hoy Daniella! Gumising ka na! Tanghali na at may pasok ka pa! Peste ka talagang bata ka, wala ka talagang kwenta! Hala, tayo!” Grabe talaga ang alarm clock ko tuwing umaga! Nakakainis! Eh sa tinatamad akong pumasok eh! Ano bang Itinuturo sa eskwelahan? Carbon Dioxide? Nitrogen? Argon? Anong gagawin ko sa mga chemical reactions? Kailangan ko bang i-compute ang angles ng lahat ng triangles na makikita ko kaya dapat pag-aralan ang Geometry? Kailangan ko pa bang malaman ang buhay ni Rizal mula pagkapanganak niya? Kailangan ko pa bang sauluhin ang kasaysayan ng bawat lugar sa mundo?! Eh ano namang gagawin ko d'yan Makakatulong ba yan kapag nagkatrabaho na ako? Hindi ko pinansin si mama. Isinuksok ko ang earphones sa aking tainga at itinodo ang volume ng music sa cellphone ko. Mumurahin lang ang phone ko. "De pindot." Ayoko ng touch screen dahil mahal na nga, kumplikado pa. Humiga ako nang patagilid para sana matulog ulit nang may biglang humampas sa balikat ko. "Aray!" “Hindi ba ang sabi ko, gumising ka na? Hindi ka na nahiya. Ang laki-laki mo na, kailangan ka pang gisingin. Wala ka talagang silbi dito. Tsk!” "Ma! Ayokong pumasok! Aray!” Napasigaw ako nang dahil sa biglaang pagpingot niya sa tainga ko. "Pakinig-kinig ka pa ng music diyan ha? Papasok o papasok?!” "O!" "Daniella Louise Abad Mendoza!" Aray. Halos mabingi ako sa sigaw ni mama. Ang sakit sa eardrums. "Oo na! Oo na! Papasok na nga eh!” Tumayo na ako at nagsimulang mag-ayos. Mula sa pagkain, pagligo, pagbihis hanggang sa papaalis na ako, nanenermon siya. Hindi na ako nagpaalam nung umalis ako dahil busy pa rin siya kakadakdak. Ako si Daniella Louise Abad Mendoza. Danielle ang tawag nila sakin. (Dan-nyel) 15 years old at 3rd year high school na. Sa katunayan, 3rd grading na ngayon. Halos tatlong taon na akong nagtitiis makinig sa mga walang kwentang lessons sa school. Wala akong kapatid. Ang papa ko, OFW sa Saudi pero kasama ko sa kalokohan yun. Si mama naman, laging mainit ang ulo sa akin. Minsan iniisip kong ampon ako, pero kamukha ko naman siya. Dumaan muna ako sa room ng class F bago pumasok sa A para puntahan ang mga kaibigan ko. Sa kasamaang palad, kasama ako sa A. Pero hindi ako matalino. May tiyahin lang akong teacher dito. "Backer." Wala naman akong pakialam sa mga section na yan. Pwede nga nila akong ilagay sa Z kung may Z pa kaysa sumama sa mga estudyanteng buwis buhay makakuha lang nang matataas na grado. Pagdating sa F, isa–isa akong binati ng mga kaibigan ko sa sarili nilang pamamaraan. Paano yun? Edi 'yung may kasamang panlalait! Lima ang kaibigan ko dito sa F. Sina Mark Esguerra, Chris Jansen Mulawin, Bryan Lloyd Dimatalo, Daren Herrera at ang crush na crush kong si Neil John Acosta. "Wow. Hiyang-hiya naman ako sa kasipagan niyo no?" reklamo ko matapos nila akong batiin, o laitin yata ang tamang term? Pinapamukha nila sa aking tamad ako, e sila nga ang nangunguna sa katamaran! Tumawa lang silang lahat. Puro lalaki ang tropa ko dahil mas may thrill silang kasama. Kahit latest na sasakyan mapag-uusapan niyo. Hindi katulad ng mga maaarteng babae na wala ng ginawa kundi pag-usapan ang boyfriends, crushes o kung sinumang lalaki. "Uy , Chicks" Napatingin kaming lahat sa tinitingnan ni Daren. Nakita namin ang babaeng maikli ang palda, sexy tingnan sa blouse niyang medyo maikli, naka 2 inches heels, shoulder bag, at nakalugay ang mahabang buhok na halata namang pina-rebond. Binatukan ko siya nang dahil sa sinabi niya. Ang landi kasi eh. Pero heto siya, pinipilit at pinapamukha na naman sa akin na palibhasa raw ay tomboy ako. “Anong masama sa ayos ko at sa rubber shoes kong converse pero sa palengke lang binili?” Muli na naman silang nagtawanan. "Correction! Ang buhok mo ay nakatali na parang maglalaba ka. Nakalaylay pa 'yang bangs mong mahaba naman sa mukha mo. Ang blouse mo, mas malaki sa size mo. Mahaba din yang palda mo, at bakit hindi mo itry mag-black shoes tutal yun naman ang required?” “Ayoko nga! Magmumukha akong mabuting estudyante!.” Nagtawanan lang silang lahat sa sagot ko. Muli na naman silang nang-asar pero sa kabutihang palad, pinigilan na sila ni Neil at sinabi sa aking pumasok na lang ako sa room ko. Isa-isa nila akong binatukan nang mahina bago ako umalis. Ang sasama talaga nila. Pagdating sa room, nakita ko na naman ang mga estudyanteng nagbabasa ng librong puro sulat ang laman, nagrereview at kung anu-ano pang puro masisipag lang ang gumagawa. Maya-maya , napansin kong ang daming babae sa tapat ng room namin. Dumating na kasi ang top 1 na si James Esquivel. Sikat siya dahil nasa kanya na daw ang lahat. Marami ding nagkakagusto sa kanya sa A pero patago. 'Yun lang yata ang maganda sa section na ito. Ako? Ayoko sa kanya. Ang gusto ko, 'yung mga katulad ko at ni Neil. Ayoko ng mga mababait at matatalino dahil nakakakonsensiya. Kapag niyaya mong mag-cutting, pipigilan ka lang at sasabihing sayang ang ginagastos ng magulang mo. Sila kasi yung mga tipong akala mo papatayin kapag hindi nakagawa ng assignments o hindi nakapasa sa quizzes man lang. Sa wakas at dumating na ang Math teacher namin. Ang aga-aga, Math ang bumubungad sa akin!. "Good morning Class A. Nacheckan ko na yung exam niyo last week at nandito na rin ang results.” May iba’t–ibang reaskyon na naman ang mga estudyante. Yung ibang one point na lang pasado na at yung mga one point na lang perfect na, nagsimula nang mag-emote. Kanya-kanya na ring compare sa mga papel nila. Pinuri ng teacher namin si James dahil sa pagkakuha niya ng perfect score. Pinalakpakan din namin siya, pero nananatili siyang naka-poker face. Wala yatang alam na reaksyon yun! “Ahmmm, Danielle, mukhang hindi mo naintindihan yung lesson natin dahil ikaw ang may pinakamababang score. I suggest na magpatutor ka kay James para naman maipasa mo yung departmental test mo.” Tiyaka ko lang tiningnan ang papel ko at nalamang 3/20 lang ang score ko. Hindi kasi ako interesado kanina. “Opo.” inis at pilit kong sagot. Diri-diretso lang ang naging klase namin. Kasabay ko sila Neil nag-lunch at kinwento ko ang nangyari. Ang mga loko, galak na galak. Sana pala hindi na lang ako nagkwento. Nung hapon, ang saya ko dahil sinabi na wala ang English teacher namin. Ibigsabihin, pwede na kaming umuwi dahil siya ang last period. Tamang-tama dahil gusto ko nang matulog. "Saan ka pupunta?!” "Ay palaka!.” Napalingon ako sa pinanggalingan ng boses. "Ja-James? He-he" Nakalimutan kong PINIPILIT nga pala akong magpatutor. "Pumasok ka sa loob." sabi niya nang poker face. "Ayoko. Tiyaka na lang. Marami pa namang vacant time. Tinatamad ako." "Pumasok ka na sabi eh!" "Ayoko nga. Pwede mo namang huwag gawin yun eh." "Ako mapapagalitan niyan eh." Sobrang tagal pa naming nagtatalo para lang ma-convince niya akong pumasok at para lang ma-convince ko siyang tiyaka na lang. Siyempre, hindi ako magpapatalo kaya aalis na lang sana ako at iiwan siya pero hinila niya yung backpack ko na tinanggal ko naman. HINDI NGA KASI AKO MAGPAPATALO! Wala naman din akong pakialam sa bag ko tutal wala namang laman yun. Tumakbo na ako palayo pero hinabol niya na naman ako. Tsk! Nakakabwisit siya. "Tara na kasi! Ang arte mo! Buti nga, nabigyan ka pa ng chance na magpaturo sa akin." "May tinatago ka rin palang kayabangan no?!" Sumama na ako dahil ang kulit ng lahi niya. Bumalik kami sa room tutal wala naman ng tao dun. Tiyaka lang nagsink in sa utak ko na makakasama ko siya nang ilang oras?! Parang ayoko na!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD