CHAPTER TWO

1132 Words
DANIELLE'S POV “Para makuha mo 'yung angle ng right triangle, pwede kang gumamit ng phytagorean theorem.” Blah.Blah.Blah.Blah. Wala na akong maintindihan sa mga sinasabi niya dahil una sa lahat, wala rin akong pakialam. Nilalaro ko lang 'yung bangs kong mahaba nang bigla niya akong tanungin kung nagets ko ba. Siyempre, sinabi kong oo, para naman makauwi na ako kahit ang totoo niyan ay wala talaga akong naintindihan maski isa. May pinapasolve siya sa'king isang equation ngayon. “Huwag na! Nagets ko naman na eh!” "Kaya nga i-solve mo to.” Kinuha ko na lang yung ballpen at nagsulat sa papel kahit wala doon ang utak ko. Maya-'-maya, bigla siyang sumigaw kung anong ginagawa ko. "Ha? Nagsosolve ? Ang sabi mo isolve ko?" "Tanga! Solve ba yan? Eh bakit puro 1+1=2 nandiyan?" 'Yun talaga ang naisulat ko! Gustung–gusto ko na kasi talagang umuwi eh. Nabubuwisit na talaga ako sa lalaking ito. Nagsabi siyang uulitin niya raw ang pagtuturo pero tumanggi na ako. Ayoko na talaga. Feeling ko, mamamatay ako kapag puro numbers ang nakikita ko, kaya tumayo na rin ako. "Hindi pwede. Hindi ka uuwi hangga’t hindi mo natututunan ito." "Leche! Bakit ba ang sipag sipag niyong mag-aral?" "Eh bakit ba ang tamad tamad mong mag-aral?" Sa sobrang inis ko, umupo na lang ulit ako. Hindi rin kasi ako makaalis dahil pinalagay niya ang phone ko sa bag ko na kinuha niya rin. Siyempre, sapilitan ang paglagay ko dun. Nagsimula na naman siyang magturo. Na-gets ko na yung pagkuha ng right triangle kaya sinabi ko na namang uuwi na ako. Ang kaso, ayaw pa niya dahil may ituturo pa raw siya tungkol sa acute acute EWAN! Nasagad na ang kabwisitan ko sa kanya, kaya desidido na ako. Gagamitin ko na talaga ang ultimate Danielle’s move. Huminga ako nang malalim at nagkunwaring nakikinig nang mabuti sa kanya. Habang salita siya nang salita, ako naman, papalapit nang papalapit sa balikat niya. Malapit na ako! Heto na! Ang ULTIMATE DANIELLE’S MOVE! "Dito naman ta-Araaaaaaaaaaaay!" Sakto! Nabitawan niya yung bag ko kaya kinuha ko kaagad at tumakbo palayo. Kinagat ko lang naman siya sa balikat with full force. Nung nasa pintuan na ako, inasar ko pa siya. Ang epic ng itsura niya habang abalang-abala sa pagchecheck ng balikat niyang kinagat ko. "Lagot ka talaga sa akin bukas!" rinig kong sigaw niya pero hindi ko na pinansin. Ang mahalaga, malaya na ako! Yes! JAMES'S POV Bwisit! Ang sakit mangagat ng babaeng yun! Amasona yata yun eh! Tomboy pa! Amasonang tomboy! Nakakainis! Buti nga, tinuturuan pa siya. Kasalanan ko bang bobo siya?! I am James Marvin Damayo Esquivel. 16 years old, top 1 sa buong batch ng junior high. Hindi ko pa nararanasang mag cutting, bumagsak, pagalitan ng teachers o kung anu–ano pang mga eng-eng lang ang nakakaranas. Ayoko sa lahat ay 'yung mga babaeng kagaya niya, tanga, slowpoke at bobo. Tsk! Hindi ko naman dapat tuturuan yun kung hindi lang nakiusap sa akin ang mga teachers pati na rin ang tita niya. Wala daw kasing makakatulong dun dahil ang mga kaibigan niya, puro lalaki din at section F pa. Mukhang hindi naman siya malandi, kaya tingin ko tomboy siya. AMASONANG TOMBOY! Ramdam ko pa rin yung sakit ng kagat niya sa balikat ko. Nabubwisit ako! Gusto ko siyang tirisin! DANIELLE'S POV Ang saya ko ngayon dahil nakauwi na nga ako, nagantihan ko pa siya. Kaya lang, lagi talagang may kontrabida sa buhay. Lumabas si mama galing kwarto ko at nanermon na naman kung bakit 3/20 lang ang score ko sa exam. Nangialam na naman ng gamit ko. Tsk! Kung anu–ano na namang sinabi niya na nakarating pa sa point na katulong daw ang labas ko dahil sa pagbagsak ko sa exam na yun. “Ano Daniella? Sagutin mo ako! Bakit 3/20 lang ang exam mo?!” "Eh mahirap nga kasi iyan! Long exam lang naman iyan, bakit ba galit na galit kayo? Kayo naman itong nagpumilit kay tita na ilagay ako sa section A eh, alam niyo namang hindi ako matalino!.” "Talagang sasagot-sagot ka pa ha?!” Ang gulo niya! Sabi niya, sagutin ko siya. Inis kong kinuha ang papel kong hawak niya at pumasok na lang sa kwarto ko. Ayoko nang maghapunan. Nawalan na ako ng gana. Kinabukasan, ginising na naman ako ni mama sa sigaw niyang daig pa ang sirena ng ambulansiya. Ganun palagi ang bumubungad sa akin tuwing umaga. Pagdating sa school, nakasalubong ko yung mga kaibigan ko na walang ginawa kundi asarin na naman ako at ipaalala yung bangungot na tutorial session ko kasama ang taong bangungot din ng buhay ko. Pangalawa siya, una si mama. Pero dahil andiyan ang crush na crush kong si Neil, inawat niya na naman sila Daren sa pang-aasar at pinapasok na ako. Kinikilig ako dahil lagi niya na lang akong inililigtas sa mga pang-aasar ng mga epal na ito. Naglakad na lang ulit ako papunta sa room pero bigla akong tinawag ni Neil. “Oh?” tanong ko nang hindi nagpapahalata. "Goodluck sa tutorial session mo!.” sabay tawa nilang lahat. Parang gusto ko nang bawiin 'yung sinabi ko kanina. Bwisit, isa rin pala siya! Pagdating sa room, ninanamnam ko pa lang yung pag–upo ko sa upuan nang may estudyanteng tumawag sa akin at sinabing pinapapunta ako sa Math department ni Sir Domit na siya ring adviser ng class A. “Sir, pinapatawag niyo daw po ako?” Pinalapit ako ni sir sa table niya at doon ipinaliwanag ang dahilan ng pagpapatawag niya sa akin. Ano pa nga ba? E di, tungkol na naman sa grades ko. Sinabi niya sa aking bibigyan daw ako ng special examination ng lahat ng teachers ko dahil delikado ang mga grades ko sa lahat ng subjects maliban sa Values Education. Kapag hindi ko naipasa ang exams na ito, malaki ang posibilidad na maging repeater ako. “Nakausap na rin namin si James at pumayag siyang turuan ka sa lahat ng subjects.” Nang marinig ko yun, nagpantig talaga yung tainga ko. Kaliwa at kanan. Hindi ko naiwasang mag-reklamo at kwestyunin kung bakit kailangan ko pang magpaturo sa matalinong mayabang na lalaking yun! “Danielle, choice mo rin yan. Depende sa iyo kung gugustuhin mong bumagsak na lang at maging repeater. Honestly, nahihirapan kami sa grades mo. Ayaw naman naming mangbagsak, kaya tinutulungan ka pa rin namin. Now, kung ayaw mo talaga, wala kaming magagawa. Just face the consequences.” Badtrip! Kahit ganito ako, ayoko namang maging repeater no. Kawawa naman si papa na nagpapakahirap sa ibang bansa, at siguradong masasabihan na naman ako ni mama ng walang kwenta. Sabagay, wala namang bago dun. Pero kahit na, mas inaalala ko si papa. Tsk! Hayaan na nga, hindi naman ako mamamatay kapag nagpaturo ako sa kanya!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD