CHAPTER THREE

1515 Words
JAMES' POV “James, ano ba?! Tuturuan mo ba ako o hindi?!” Ang kapal talaga ng mukha ng babaeng ito kahit kailan eh! Siya na nga ang nangangailangan ng tulong, siya pa ang ganyan. Aba! Sagad sa kakapalan hindi ba? Hindi ko na lang siya pinansin sa halip, ipinagpatuloy ko ang pagbabasa ko. “James Bond!” “James Bond?” “James Bond. Hindi mo ba siya kilala?” “Kilala ko siya, pero utang na loob, huwag mo akong tawaging James Bond. James Esquivel ako, hindi James Bond!” Hindi niya pinansin ang sinabi ko. Nagpatuloy lang siya sa pagtatanong kung tuturuan ko ba siya. Sinabi kong ayoko, pero wala akong nagawa. Talo na naman ako! Eh paano ba naman? Kakagatin na naman ang balikat ko. May pasa pa nga sa kabila, lalagyan pa yung isa! Nakakabadtrip talaga itong tomboy na ito! Isa pa, James Bond? Kainis. Hindi bagay sa akin! DANIELLE'S POV Ang sabi ni James Bond, lunch break niya daw ako tuturuan. May dalawang subject pa bago iyun. Pinagdadasal ko talagang bumagal ang oras, kaso ngayon naman ako pinagkaitan ng tadhana. Dumating agad ang lunch break at pakiramdam ko, gusto ko na lang mag–cutting. Kumain na lang muna ako sa canteen nang mag–isa dahil sila Neil, tinatamad pa. Oo, pati ang pagkain, kinatatamaran nila! Mga 12:20PM, bumalik na agad ako sa room kahit ayoko pa sana. Nakita kong nakaupo na si James sa bench na nasa tapat ng room. “Hoy, James Bond!” Lumingon siya sakin at sinamaan ako ng tingin. Maya–maya lang, dumadakdak na siya. Anong oras daw ba ang maaga sa akin. Bwiset! Eh parang nanay ko rin itong lalaking ito eh. “Bakit ba? Maaga pa naman ha?” "Ang maaga, 12:00!" "Grabe ka naman! 11:45 labasan natin eh! "Tanga ka na nga , ang bagal mo pa." "Yabang!" bulong ko at umupo na lang sa tabi niya. Ang dami–dami niyang librong dala. Lahat daw ng subjects, ituturo niya. Ano ito? Lokohan?! Para namang gustung–gusto kong mag–aral no. Nagrereklamo pa ako pero ayaw niya rin magpatalo. Sa huli, wala, ako rin ang tumahimik. Tsk. “English muna. Subject–verb agreement.” "May ganyan ganyan pa. Basta alam kong is ay singular , are sa plural. Tsk!" Hindi niya ako pinansin at nagsimula na lang magturo. Sa totoo lang, magaling siya. Naiintindihan ko kaagad yung mga sinasabi niya. Sadyang kailangan ko lang talagang makinig nang mabuti. Tinanong niya ako kung naiintindihan ko at sinabi ko namang oo. Nagpatuloy pa siya sa pagtuturo pero biglang may umagaw ng atensyon ko. Si Neil, may kasamang magandang babae, at ang sweet nila. Nakaramdam ako ng kirot sa dibdib ko. Sino yun? “Hoy, amasonang tomboy!” Aray! Natauhan ako sa sigaw ni James. Bagay na bagay talaga sila ni mama. Kung kapatid ko itong lalaking ito, wala na akong tainga. Matagal ng wasak sa mga sigaw nila. “Bakit ka ba naninigaw?!” “Eh kanina pa ako salita nang salita dito! Nasasayang lang ang laway ko dahil hindi ka naman nakikinig!” Sasagot na naman sana ako nang pasigaw kaya lang, mas pinili ko na lang na kumalma. Alam ko namang hindi magpapatalo itong isang ito eh. "Lumilipad na naman kasi yang utak mo eh!" "Wala namang pakpak yung utak ko kaya hindi yan lilipad!" Sorry naman. Hindi ko mapigilang sumagot eh. Nanahimik na nga ako, kaya lang nagsimula pa siya ulit, lumabas na naman tuloy ang pagiging pilosopo ko. Tulad ng inaasahan, nainis na naman siya at kung anu-ano na namang sinabi. "Kung tinuturuan mo na kaya ako?! Sayang oras sa pagdakdak mo eh!" “So ako pa ang may kasalanan, ganun?” Inirapan ko na lang siya. Akala ko, sasagot na naman, pero pinagpatuloy niya na lang yung pagtuturo ng subject–verb agreement. Sa totoo lang, medyo naboboring na ako kaya sinabi kong unahin niya na yung mga mahihirap. Kinuha niya naman yung Chemistry book at nagsimula na ulit magturo. Ang sakit sa ulo! Pesteng mga chemicals talaga sa mundo. Tinanong pa niya ako kung may idea ba ako kung ano ang chemical reactions bago siya magsimula. Noong sinabi kong wala, nagsimula na naman ang GMRC niyang bibig (Gun Machine Ratatat Combat). Hindi ko rin maintindihan ang lalaking ito eh, sa ibang tao, mukhang tanga kasi walang reaksyon palagi, kapag kasama ko siya, armalite ang bibig. Bipolar! "Pakialam ko naman kasi diyan! Wala naman akong gagawin sa mga reaction reaction na yan. Hindi ko rin naman magagamit ang mga iyan sa buhay ko!” "Ang sabihin mo, tamad ka lang talaga!" “Pero alam mong may point ako!” “Pero your point is non-sense! Alam mong kailangan natin itong pag–aralan.” "Pero alam mo din na yung ibang pinag-aaralan natin e wala naman talagang sense!" “Wala ka ngang magagawa dahil kasama ito sa curriculum na sinusunod natin!" "Pwede naman kasing huwag ng ituro yan!” "Hindi ka ba makaintindi ng kailangan sundin? Ang kulit mo rin eh! Kung makinig ka na lang kaya sa kanila, may matututunan ka pa!" "Kahit naman makinig ako at matutunan ko iyan, hindi ko rin naman magagamit iyan!” "Hindi naman masama na pag-aralan mo ito eh!.Hindi naman dapat lahat ng natututunan mo ay magagamit mo talaga!" "Eh sa ayo---" Hindi niya ako pinatapos magsalita at nagsimula na lang siyang basahin yung mga types types ewan dun sa libro. "Bastos ka, nagsasalita pa ako eh!" "Bakit pa kita hahayaang magsalita, eh alam ko namang walang sense yang sinasabi mo?!" "O hindi ba?Sayo na rin nanggaling! Bakit kailangan ko pang makinig sa mga tinuturo ng mga teachers kung alam ko din namang walang sense?!" “May sense ang mga tinuturo nila! Hindi mo lang naaappreciate dahil isa kang dakilang tamad!” “Oo na, oo na! Magturo ka na lang!Peste ka sagad!” "Bibigay ka din pala!Aarte pa kasi!" "Sabi ko magturo!Hindi manermon!" Hindi na ulit siya sumagot at nagsimula na talagang magturo. Ipinapaliwanag niya ngayon yung simple ionic reactions. Mabuti na lang at kahit papaano, naiintindihan ko. Tsk! Siya na matalino at magaling magturo! “Naintindihan mo naman ba?” “Oo na! Simple Ionic Reactions do not involve the transfer of electrons. It is insoluble and not capable for reverse reactions.” Walang kagana–gana kong sagot. "Buti naman at naintindihan mo.Dito naman tayo sa double decomposition reactions.It occurs when two reactants are each decomposed or broken up, into a cation---" Biglang nag-flashback sa akin yung nakita ko kanina. Sino kaya yung kasamang babae ni Neil? Bakit ang sweet nila? Girlfriend niya kaya yun? Paano ko malalaman? Tatanungin ko ba siya o hahayaan ko na lang na siya ang umamin? Sobrang busy ang utak ko sa pag–iisip kung magkaanu-ano si Neil at ang babaeng yun nang may biglang tumunog nang malakas sa sahig. Sobrang lakas na napataas pa ang balikat ko. Feeling ko rin, nayanig ang mga tainga ko. Napatingin ako kay James at sa mga librong ibinagsak niya sa sahig. “Ano bang problema mo?!” “Ako pa talaga ha?! Ayokong magturo sa mga taong hindi naman nakikinig sa akin!” "Nakikinig naman ako ha?” Tinanong niya ako kung ano yung sinabi niya. Tama siya. Hindi ako nakikinig. Wala tuloy akong maisagot. “Hindi ka makasagot kasi hindi ka nakikinig!” “Sorry na!Promise, makikinig na ako!” Tumanggi siya sa akin at sinabing sagutan ko na lang ang lahat ng exercises base sa pages na nakasulat doon sa post–it na nakadikit daw sa bawat libro. Siyempre, tumanggi ako! Unang una, madami iyon. Pangalawa, hindi ko pa alam lahat ng pinapasagutan niya. Pangatlo, tinatamad ako! “Ayoko talaga sa mga bobo at tamad na kagaya mo!” “Quits lang tayo! Ayoko rin sa mga matatalinong mayabang na katulad mo!” “Ah talaga? Good luck na lang sa iyo! Sure akong magiging kaklase mo yung mga 2nd year ngayon!” “Ang yabang mo ah?! Akala mo naman, gustung-gusto kong tinuturuan mo ako!” “May sinabi ba ako? Ah basta, tumahimik ka na lang at sagutan mo yan lahat!” “Bakit ko pa sasagutan yan?! Hindi naman na ako magpapaturo sayo eh!” “Buti naman! Sinasayang mo lang naman ang oras ko!” Pagkasabi niya nun, kinuha niya yung mga librong nasa sahig at pumasok na lang sa loob ng room. Asar na asar akong napaupo ulit sa bench. Bwiset talaga yung lalaking yun! Man of my nightmares! "Argh!” sigaw ko habang nagsisisipa pa. Nakakasira talaga siya ng araw. Ayoko na! Makapagcutting na nga lang! Ayokong makita ang pagmumukha niya. JAMES' POV Nakakainis talaga 'yung tomboy na yun! Sino ba namang hindi maiinis kapag salita ka nang salita tapos 'yung kausap mo, hindi nakikinig? Magreport nga sa unahan, tapos yung mga kaklase mo, nagdadaldalan lang, nakakabwiset na eh. Bahala siya sa buhay niya! Sino ang nawalan ngayon?! Ang lakas pa ng loob mag-cutting ngayong hapon. Tsk! Siyempre, wala akong pakialam! Amasona na nga, eng eng pa. Bahala siya maging repeater!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD