CHAPTER FOUR

1744 Words
DANIELLE'S POV Late na akong papasok ngayon sa school. Nagpapanic na ako! Hindi ako pwedeng malate! Siyempre, kalokohan 'yan! Dahil late ako, ayoko nang pumasok. Magka-cutting na lang ulit ako. Wala naman sigurong masama dun? Kapag nalaman ng teacher namin na nag-cutting ako, sasabihin kong 'yung guard ang may kasalanan dahil sinarado niya 'yung gate. Ang tali-talino mo talaga Danielle! Maya–maya, bigla akong napatigil sa paglalakad dahil nagriring ang cellphone ko. Kapa here. Kapa there. Kapa everywhere. Wala! Saan ko nilagay 'yon? Hinubad ko 'yung maliit kong bagpack at pinakinggan yun. Tumutunog kasi. Hindi ko alam na high-tech pala ang bag ko. Ganda pa ng tono ng tunog eh. Pumikit ako habang pinapakinggan 'yung tugtog. Napapasunod pa yung ulo ko. Pero teka. May naalala ako! Agad-agad kong binuksan yung bag ko at nakita ko dun ang cellphone ko! Badtrip, nandito lang pala ito! Tumatawag ang crush na crush kong si Neil! "Hello?" "Hello, Danielle. Tinry kong tawagan ka. Akala ko nga, hindi mo masasagot. May klase ka kasi ngayon 'di ba?" "Ah . Hindi. Wa---" "Danielle! Ibababa ko na 'yung phone. Nandyan na raw 'yung teacher namin. Sabay tayo maglunch mamaya. Bye." "Eh pero teka---" Binaba niya na yung phone. Ayaw mag sink-in sa utak ko yung sinabi ni Neil. Sabay kaming maglulunch mamaya? Bakit? Anong meron? Sa ngayon, isa lang ang alam ko, at yun ay ang dapat akong pumasok! Saan ako dadaan? Sarado na yung gate 1! Hanggang sa may naisip ako. Kung may gate 1, siyempre, may gate 2! Dali-dali akong naglakad papunta dun. Sarado na rin yun, pero kayang-kaya kong dumaan dun dahil mababa ang bakod. Chicken lang akyatin! Nakaakyat na ako at handang-handa nang tumalon nang may biglang lalaking sumulpot. Huli na ang lahat. Nakatalon na ako at nadaganan ko siya. Nakakahiya ito! Bwiset! “Tabi!” gulat na gulat at sabay naming sabi. “Anong ginagawa mo dito?!” sabay ulit kami. Wala munang sumagot sa aming dalawa. Pareho kaming tumayo at pinagpagan ang mga damit namin. Nang matapos kami, sinabi ko sa kanya ang dahilan kung bakit ako nandito. “Tsk. Tomboy ka talaga. Walang matinog babae ang aakyat diyan para lang makapasok.” “Babae ako, pwede ba?!” “Pero hindi ka rin matino.” Sinamaan ko lang siya ng tingin. Sinabi niyang canteener siya kaya siya nandito. T.L.E kasi ang subject namin ngayon. Noong una, tinawanan ko siya nang bonggang-bongga kasi itong likod ng canteen ang pinakamahirap linisin, pero nagsisi lang ako sa pagtawa ko. Naalala kong canteener din pala ako ngayon. Sa huli, wala akong magagawa kundi ang samahan siya dito. Kapag pumasok ako sa loob, malalaman na late ako, at siyempre, tutol ang isang ito! Deduction daw kasi yun sa grade namin as a group. Lecheng mga grades yan! Kapag minamalas ka nga naman talaga no? Bangungot mo pa ang makakasama mo sa paglilinis! JAMES' POV Hanggang ngayon, nagtatalo pa rin kaming dalawa. Hindi yata kami pwedeng magsama nang hindi nagsisigawan. Ultimong pagkuha ng walis tingting pinag-aawayan namin. Pumasok pa tuloy ako sa loob ng canteen para lang tanungin kung may walis pa sila. Hindi naman kasi siya pwedeng pumasok kasi makikita siya. Tanga kasi! Palate-late pa. Paglabas ko, naabutan ko siyang tahimik na nagwawalis ng mga dahong nakakalat. “Hoy, wala na raw walis tingting!” Hindi niya ako pinansin. Nakailang tawag na ako, pero wala pa rin. Masiyado siyang seryoso. L Lumapit na lang ako at ginulat siya. “Bakit ka ba nanggugulat diyan?” “Kanina ka pa kasi tinatawag!” Hindi na siya ulit umimik pagkatapos nun. Inirapan niya lang ako at bumalik na lang sa pagtahimik. "Kapag niyaya mong maglunch yung isang babae, anong ibigsabihin nun?” Napatingin ako sa likod ko. Wala namang tao. Ako ba kausap nito? Hindi ako nakaimik kaya napaturo na lang ako sa sarili ko. “Tsk! Malaman ikaw! Sino pa ba? Tanga naman oh!” “Sorry naman! Bakit mo ba naitanong yan?” “Basta! Sagutin mo na lang, dahil seryoso ako ngayon!” Napaisip din tuloy ako. Masiyado ngang seryoso ang itsura niya ngayon. Actually, nakakatakot nga eh. “Hindi ko alam eh. Pwedeng dahil may gusto ako sa babae, pwedeng gusto ko siyang makilala, o kaya pwede ring dahil kaibigan ko siya.” Nagliwanag yung mukha niya noong sinabi kong pwedeng may gusto ako sa babae, pero bigla naman yung nalugmok nung sinabi kong kaibigan. Ano bang problema nito? Nakakairita! Hindi ako sanay. "Kaibigan?" Narinig kong bulong niya. Hindi ko na lang pinansin at nagpatuloy na lang kami sa paglilinis. DANIELLE'S POV Hanggang ngayon, iniisip ko pa rin yung sinabi ni James. Siyempre naman, kaya ako niyaya ni Neil dahil kaibigan niya ako. Masiyadong malayo sa iniisip ko. Dumating ang lunch break at parang ayoko nang lumabas. Ewan ko ba kung bakit bigla akong nailang. Gusto ko na lang tuloy tumakas. Bigo naman ako sa plano ko kasi sinundo ako ni Neil sa room, at itong si James, ang tibay! Nagawa pang mang-asar bago ako lumabas! Hayup ito! Noong nasa canteen na kami, nilibre ako ni Neil ng pagkain. Inorder niya ang paborito naming beef kare-kare. Hindi pa rin ako makapagsalita dahil ang lakas ng t***k ng puso ko. Hindi talaga ako komportable. Sabi na nga ba, hindi nakakabuti ang magkagusto sa kaibigan eh. NEIL'S POV Kanina pa talaga ako may napapansing mali kay Danielle eh. Ano kayang problema niya? I am Neil John P. Acosta, 16 years old, section F at isa sa mga kaibigan ni Danielle. Ako yung pinaka-matured mag-isip sa aming lahat, hindi man halata. Sa unang tingin, parang lalaki talaga si Danielle. Kung hindi mo siya kilala, mapapagkamalan mo talaga siyang tomboy dahil sa kilos niya, idagdag mo pa yung pangalan niyang tunog lalaki. Pero kahit ganun, pinapahalagahan naming lahat iyan. Masiyado siyang attached sa amin at pare-pareho naming ayaw na masaktan siya. Hindi lang namin pinapahalata dahil ayaw niya nang madrama, yung mga bagay na pa-girl at kung anu-ano pang kaartehan ang tawag niya. "Danielle?" Nasamid siya pagtawag ko sa kaniya. Nagulat siguro. Agad-agad akong tumayo at inalalayan siya sa may bandang likod. Yung parang katulad ng pagpapatahan kapag may umiiyak. “Ok ka lang ba ha?” tanong ko dahil tuluy-tuloy pa rin ang pag-ubo niya. “Ok lang. Ok lang ako.” "Sigurado ka?" Tumangu-tango lang siya at ipinagpatuloy na ang pagkain. Tinanong niya rin kung nasaan sila Daren kaya sinabi kong hindi pumasok dahil nagdota silang lahat. Ang totoo niyan, balak kong tanungin si Danielle kung ano ba ang gusto nilang gawin kapag nililigawan sila ng lalaki. May nililigawan kasi ako. Wala naman akong mahingian ng tulong kaya naisip ko si Danielle. Kahit naman ganyan iyan, babae pa rin iyan. Pero sa tingin ko, tiyaka na lang siguro. Mukhang may iniisip siya ngayon eh. Si Danielle kaya? May nagugustuhan na? Siyempre, dapat din naming makilala yun kung sakali. Dapat sure si Danielle sa kanya. JAMES' POV Nagbabasa ako sa bench kanina pagkatapos kong kumain nang may biglang nagflash na camera. May kumukuha na naman ng picture ko ng palihim. Tsk. Ang gwapo ko kasi eh! Hinanap ko iyun pero iba ang nahagip ng mata ko. Si Danielle at yung lalaking Neil ang pangalan sa pagkakatanda ko. Nasa tapat sila ng room at halatang ilang na ilang na si Danielle. Akalain mong marunong magkagusto itong tomboy na ito? Tsk. Tsk. Kawawa yung lalaki panigurado. Dumating na ang last period namin na English ngayong hapon at diniscuss lang ang magiging project namin for this grading period. Isang action research na gagawin by pair. "What is our topic Ma'am?" tanong ng isa naming kaklase. "It depends upon your decision as long as it involves the students.” Tumahimik na ang mga kaklase ko at si Danielle naman ay nananatiling walang pakialam. Nagsimula nang banggitin ng teacher namin ang magkakapartner. “Lastly, Esquivel and Mendoza. You'll be passing it before our departmental examination. Is it clear now class A?" "Yes, ma'am." "Ma'am! Bakit po kami ni Esquivel ang magkapartner? Iba na lang po!” Napunta ang lahat ng atensyon namin kay Danielle na nakatayo pa ngayon at mukhang inis na inis talaga. "Mendoza, how many times do I need to tell you that you must speak in English during our period?” "Sorry Ma’am! Anyway, ma’am, I RECLAME!” buong lakas ng loob niyang sinabi na may kasama pang pagpukpok sa hangin. Ang mukha niya ay parang may pinaglalaban talaga samantalang kami ay pilit iniisip kung ano yung sinasabi niya. "Mendoza ,what are you saying? Can you make it clearer?" "Ma'am, I said , I reclame! R-E-C-L-A-M-E. Reclame!" "What the hell is she saying ?" bulungan ng mga kaklase namin. "Ok, I’ll give you my permission to speak in Tagalog to clarify what you are exactly saying.” Huminga pa nang malalim si Danielle na parang pinapahiwatig na ang tanga-tanga namin dahil hindi namin maintindihan yung sinasabi niya. "Tsk., Maam, ang sabi ko po, nagrereklamo ako. Reklamo. Reclame." Sandaling nanaig ang katahimikan sa buong klase. Makalipas ng tatlong segundo, puro halakhakan na ang maririnig. "Why are you laugh?” nagtatakang tanong ni Danielle samantalang lumakas pa lalo ang tawanan ng mga kaklase namin. Natatawang tumayo na lang rin ako. "Ma’am, don't mind her. We will do our project together.” "Alright Esquivel. Class, dismiss." "No ma’am, but I reclame!" pahabol ni Danielle pero hindi na siya pinansin dahil nagtatawanan pa rin silang lahat. Pati yung teacher namin, tumatawa na habang papalabas ng room. “Hoy, ayokong makipagpartner sa iyo!” “Edi huwag! Ikaw din naman ang mawawalan ng grade eh.” “Pakialam ko?!” “Ayaw mo talaga akong tulungan?” “Ayoko!” “Fine. Ikakalat ko na lang na may gusto ka kay Neil.” Bakas ang pagkagulat sa mukha niya nang dahil sa sinabi ko. “A-ano bang sinasabi mo diyan?” halos mabulol niyang pagtatanong. “O bakit hindi ba?” “H-hindi ah!” “Kung hindi totoo, pwede kong sabihin sa kanila? Classmates! Alam niyo ba, si Danielle ay may gus---“ “Sige na! Sige na! Tutulong na ako! Tumahimik ka lang please!” “Hindi nga?” “Oo na nga sabi eh!” "Napipilitan ka lang naman eh.” Muli siyang huminga nang malalim at unti-unting pinakalma ang sarili niya. “Promise. Tutulong na ako.” “Sige na nga. Kawawa ka naman eh.” sabi ko at ngumiti nang nakakaloko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD