CHAPTER 23

1535 Words

“BAKIT ba galit ka?” tanong ni Anje kay Ted. Nakamaang lang siya rito at ito naman ay nakakunot pa rin ang noo habang nakatingin din sa kanya, na para bang may kinaiinisan itong kung ano. Umatras ito nang isang hakbang at marahas na ginulo ang buhok. Noon lang niya iyon nakitang ginawa iyon. Sa katunayan ay noon lang niya ito nakitang nawalan ng composure. Huminga ito nang malalim saka tinitigan siya. “It irritates me to see another man getting too close to you. I don’t know why but I hate it!” Napamaang uli siya rito. Nagagalit ito dahil malapit siya kay Brad? Na para bang… nagseselos ito? Pero hindi ba noon pa man ay talagang ayaw na nito kay Brad? Pero hinalikan ka niya. Napakurap si Anje sa bulong na iyon ng isang bahagi ng isip niya. Bumaba ang tingin niya sa mga labi nito. Nag

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD