PROLOGUE
Tahara’s POV
"Daddy, huwag diyan nakikiliti ako... Ahh."
Ngunit hindi huminto si Eric sa mapaglarong halik na iginagawad nito sa mga hita ko. Papataas ang maliliit at nakakakiliti niyang halik kaya halos mapugto na ang hininga ko.
"Don't be naughty and stay still, baby."
His warning came more like a tease and made me feel hotter inside. Paano ba kumalma kung parang pakiramdam ko ay lalagnatin na ako sa init ng nararamdaman ko?
Damang-dama ng bawat himaymay ko ang kiliti mula sa mainit niyang hininga na dumadampi sa balat ko. idagdag pa ang mapaglarong dila niya na nakakabaliw.
"Hmm, Eric! Ah!" malakas akong suminghap nang muling dumampi ang dila niya sa balat ko. Lalo pang tumataas ang paghalik niya na halos maabot na ang pagitan ng mga hita ko.
I could feel the moist in between my thighs. It was hot and alluring. I've never felt this kind of pleasure in my entire life. What he was giving me were just tiny kisses, and yet enough to make me lose my mind.
"Call me, Daddy, sweetheart! You're such a naughty little dove," he whispered. Grabe, iyong lalim at timbre ng boses niya ay higit pa sa sapat para lalo akong mag-init.
"Ahh! s**t!"
Halos tumirik ang mga mata ko nang sa wakas ay marating ng mga labi niya ang pakay niya. Umarko ang katawan ko at halos mapasigaw sa pag-atake ng nakaliliyong kilabot.
Parang kinokoryente ang p********e ko at lalong namasa iyon. Gumapang ang kiliti sa buong sistema ko nang maramdaman ko ang init ng mga labi niya sa sensitibo kong laman.
"Daddy! Oh! Dad–"
-------
"Yaya! Yaya, gising na po! Yaya!"
Malakas akong napasinghap at biglang napadilat nang marinig ang malakas na boses ni Olivia. Niyuyugyog niya ang balikat ko kaya tuluyan akong nagising.
"Yaya, why are you calling daddy? Are you having a nightmare?" inosenteng tanong naman ng kakambal ni Olivia na si Oliver.
Napalunok ako at biglang nawalan ng sasabihin.
Lintek na iyan! Napanaginipan ko na naman pala si Sir Eric. Nasapo ko ang dibdib ko dahil ngayon ko lang napagtanto kung gaano kalakas ang kabog ng dibdib ko.
Bakit napapadalas yata ang pananaginip ko ng ganito? Masyadong senswal at detalyado. Am I fantasizing him? Nagnanasa nga ba ako sa amo ko? Oh, my God! No way!
Hindi dapat ako nag-iisip ng ganito sa isang lalaking mas malamig pa sa yelo. He is ruthless and only see women as tools to satisfy his inner desires! At hindi ako papayag na maging isa sa mga babaeng parausan lang niya.
"Yaya, I'm hungry!" daing ni Olivia.
Nabalik sa reyalidad ang isip ko. Nandito ako para magtrabaho, at hindi para makaramdam ng ganito sa tatay ng mga alaga ko.
Huminga ako nang malalim at ngumiti sa kanila.
"Okay, kids. Mauna na kayo sa ibaba at ipahanda ninyo sa chef ang gusto ninyong breakfast. Magwa-wash lang ng face and mouth si yaya, okay?" banayad kong tugon.
Sabay naman silang tumango.
"Make it fast please, okay? We're really hungry!" hiling ni Oliver.
Natawa ako at tumango. "Yes, baby!"
Kasunod niyon ay lumabas na sila ng silid ko. Muli akong nagbuga ng hangin. Dalawang buwan pa lang ako rito ay hindi na makakain ang mga bata kung hindi nila ako kasama.
Sa unang buwan ay medyo nahirapan akong kunin ang loob nila. Pero kalaunan ay nagawa ko rin.
Tumayo ako at naglakad papunta sa banyo para lang matigilan. Naramdaman ko ang basa at medyo malagkit na bagay sa panty ko.
Shit! Ito ba ang tinatawag nilang wet dream? Iyong kahit panaginip lang ay puwedeng mangyari pa rin sa totoong buhay?
Napailing na lamang ako. Kailangan ko na talagang mas mag-focus sa trabaho ko at tigilan na ang pag-iisip kay Sir Eric.
Marahas akong nagbuga ng hangin at nagpatuloy na sa nais kong gawin. Naghihintay na rin sa akin ang mga bata.
Pagkababa ko sa dining area ay agad kong narinig ang malalakas na boses ng kambal. Halatang-halata sa kanilang mga mukha ang matinding gutom habang nakatingin sa mga pagkaing nakahain sa mahabang mesa.
“Yaya! Finally! Gutom na gutom na kami!” reklamo ni Oliver habang hinihila ang upuan niya.
“Me, too! I can eat ten pancakes!” dagdag naman ni Olivia.
Natawa ako sa sinabi niya. “Ten pancakes? Sigurado ka ba, baby? Baka hindi mo na kayanin ang pangatlo.”
“Yes, I can! I'm a big boy!”
“I'm a big girl, too!” singit ni Olivia.
“Okay, okay. Pareho kayong big kids. Now, sit properly and wait for me.”
Ngunit nang iangat ko ang paningin ko patungo sa kabilang bahagi ng mesa ay bigla akong natigilan.
Nandoon na pala si Sir Eric. Nakaupo na siya sa nakasanayan niyang puwesto habang tahimik na kumakain. Nakasuot siya ng isang mamahaling long-sleeved polo na nakatiklop hanggang sa mga siko ang manggas.
Maayos ang pagkakasuklay ng itim niyang buhok, at gaya ng dati, napakalamig ng ekspresyon ng mukha niya. He looked effortlessly handsome. At iyon mismo ang problema.
Biglang bumalik sa isip ko ang mga tagpo sa panaginip ko kanina. Ang mukha niya. Ang boses niya. Ang mga halik na nagpagulo sa isip ko at ang paraan ng pagtawag niya sa akin sa panaginip.
Oh, my God! Tahara, stop!
Napabilis ang paglunok ko kahit wala naman akong kinakain. Para akong nahuling gumagawa ng isang napakalaking kasalanan kahit wala naman akong ginawa kundi managinip!
Pero bakit ba kasi kailangang si Sir Eric pa ang bida sa mga kalokohang iyon ng subconscious mind ko?
Sa dami ng lalaking puwede kong mapanaginipan, bakit ang lalaking mas malamig pa sa yelo ang napili ng utak ko?
At bakit ganoon na lamang iyon kadetalyado? I pressed my lips together and took a deep breath. It was just a dream. Nothing more.
“Yaya, come here!” tawag ni Oliver.
Doon lang ako nabalik sa reyalidad. Mabilis akong lumapit sa kanila.
“Dito ka sa gitna namin!” utos ni Olivia habang tinatapik ang bakanteng upuan sa pagitan nilang dalawa.
Napailing ako ngunit napangiti rin. “Alam niyo, kaya naman ninyong kumain kahit wala ako sa gitna ninyo.”
“No!” sabay nilang pagtutol.
“Pero gusto naming katabi ka namin, Yaya Hara,” nakangusong sabi ni Oliver.
“Please, Yaya. Sit with us,” lambing naman ng kakambal niya.
Napabuntong-hininga ako. Paano ko nga ba matatanggihan ang dalawang ito kung halos hindi sila makapagsimula ng pagkain kapag hindi ako nakaupo sa pagitan nila?
“All right, all right. Here I am.”
Agad akong umupo sa gitna nila. “Happy now?”
“Yes!” masiglang sagot ng kambal bago nagsimulang kumuha ng pagkain sa kani-kanilang plato.
Kumuha rin ako ng kaunting scrambled eggs at toast. Sinikap kong huwag tumingin sa kabilang panig ng mesa, kung saan naroroon si Sir Eric. I could feel his presence even without looking at him.
At lalong hindi nakatutulong ang katotohanang ang lalaking iyon ang dahilan kung bakit hindi ko maalis sa isip ang isang napakaeskandalosong panaginip.
Focus, Tahara. Breakfast lang ito. Hindi ito isang romantic date.
“Yaya, you know what happened at school yesterday?” masiglang bungad ni Oliver.
“What happened, baby?”
“Joshua said he's faster than me, but I beat him during our race!”
“That's not true!” agad na salungat ni Olivia. “Joshua tripped, remember?”
Oliver turned to his sister with an offended expression. “But I still won!”
Napatawa ako. “Okay, champion. At least, you had fun, right?”
“Yes! And our teacher said we're going to have an activity next week.”
“What kind of activity?”
“We're going to make something for our parents!”
“Really? That sounds exciting,” sagot ko. gumagaling na talaga akong mag-English lalo sa bahay na ito.
“I'm going to make mine for you, Yaya!” masayang sabi ni Olivia.
“And mine, too!” dagdag ni Oliver. “But mine will be bigger!”
“Why does yours have to be bigger?” tanong ni Olivia.
“Because I'm a boy!”
Napailing ako habang pinipigilan ang tawa. “And what does being a boy have to do with making a bigger project?”
Hindi nakasagot si Oliver. Sa halip ay bumaling siya sa ama nilang tahimik na kumakain.
“Daddy, what do you think?”
Doon ko lamang napansing tumigil sa pagnguya si Eric. Bahagya niyang iniangat ang mukha at tumingin sa anak.
“I think the size doesn't matter. What matters is the effort you put into it.”
The twins nodded as though their father had just delivered the most important lesson in the world.
“Okay, Daddy!”
“Daddy, did you know that I got a star from our teacher?” biglang tanong ni Olivia.
“Did you?”
“Yes! Because I answered a question correctly!”
“What was the question?”
Olivia straightened proudly in her seat. “She asked us what we wanted to be when we grew up. I said I wanted to be a boss like you!”
Napanganga ako nang makitang biglang ngumiti si Sir Eric. Marunong naman palang ngumiti ang lalaking ito!
“Then you'll have to study hard.”
“I will! And I'll take care of you when you're old, Daddy!”
Nakisali na rin sa usapan si Oliver. “Then I'll be a businessman! I'll earn lots of money and buy Yaya a big house!”
Muntik na akong mabilaukan sa iniinom kong juice.
“A big house? Why would you buy me a big house, sweetheart?”
“So, you can live with us forever!”
Halos matunaw ang puso ko sa kainosentehan ng sagot niya. Bahagya akong lumapit sa kaniya at dinampian ng halik ang pisingi niya.
“Oh, baby. That's so sweet of you.”
“And I'll buy you a swimming pool, too!”
“A swimming pool?” I laughed. “What am I going to do with a swimming pool?”
“You can swim when you're sad!”
Hindi ko napigilan ang pagtawa dahil sa napakasimpleng logic niya.
“That's a very good idea,” Sir Eric suddenly remarked.
Napalingon ako sa kanya. He was looking at Oliver, but there was a hint of amusement in his eyes.
“Daddy, right? I'll buy Yaya a big house and a swimming pool!”
“Then you'll have to work hard to earn that much money.”
“I will!”
Nagpatuloy sa pag-uusap ang kambal. Napupuno ng mga boses nila ang buong dining room. Hindi rin matapos-tapos ang kuwentuhan nila tungkol sa mga kaklase nila, sa teacher nila at sa lahat ng mga nangyayari sa kanila sa school.
Nakikinig naman si Sir Eric habang kumakain ng almusal niya. Paminsan-minsan ay nagtatanong din siya. Although he wasn't particularly talkative, he never dismissed their stories.
At ang ganitong mga moment ang gustong-gusto nitong kambal. Kapag nasa kanila ang atensyon ng kinikilala nilang daddy, totoong masaya sila.
“Daddy, next time, can you come to our school?” tanong ni Oliver.
“For what?”
“For our school activity! All the other kids have their parents come!”
Sandaling natahimik si Sir Eric. Sinipat ko siya sa pamamagitan ng gilid ng mata ko. Alam kong abala siya sa trabaho niya. Minsan nga ay halos hindi na siya nakikita ng mga bata sa umaga dahil maaga itong umaalis. Gayunman, hindi ko maitatangging nami-miss din nila ang presensiya ng kanilang Daddy Eric.
“Send the details to my secretary,” sagot niya sa wakas. “I'll see what I can do.”
“Promise?” tanong ni Olivia.
Tumingin si Sir Eric sa bata. “I'll do my best.”
Hindi man iyon isang tuwirang pangako, sapat na iyon upang lumiwanag ang mga mukha ng kambal.
“Yay! Thank you, Daddy!”
“School activity lang kailangan pa talagang ipagpaalam sa secretary?” bulong ko sa sarili.
“May sinasabi ka, Tahara?” biglang untag ni Sir Eric kaya napalunok ako at mabilis na umiling.
“Ah, wala po, Sir,” palusot ko. Pagkatapos ay umiwas ako ng tingin. Grabe kasi siyang makatitig, parang lalamon ng tao. Sabagay, halos lapain na niya ako sa panginip ko. Charot!
Napangiti ako habang pinagmamasdan ang mga bata. Sa kabila kasi ng malamig na personalidad ni Sir Eric, hindi naman maikakailang mahal niya ang mga pamangkin niya.
Maaaring hindi siya sanay magpakita ng lambing, ngunit nakikinig siya sa kanila at sinisikap na tugunan ang kanilang mga pangangailangan.
Napapaisip na lang talaga ako kung magkakaroon kaya ng pagkakataon na mayroon din siyang babaeng mamahalin.
Agad akong napakurap. Wait. What? Bakit naman napunta roon ang isip ko?
Hindi ba't ilang minuto pa lamang ang nakalilipas ay pilit kong kinakalimutan ang panaginip ko tungkol sa kaniya? Bumalik na naman ang init sa aking mukha.
“Tahara.”
Muntik ko nang mabitawan ang kutsara nang marinig ang boses niya.
“Yes, Sir?”
Napatingin sa akin ang kambal. Sir Eric's eyebrows drew together slightly.
“Are you all right?”
“Opo naman, Sir!” Masyadong mabilis ang sagot ko.
He studied me for a moment.
“You seem distracted.”
“Hindi po ako distracted, Sir. Okay lang po talaga ako.”
“Really?”
“Yes po.”
“Then why have you been staring at your plate without eating?”
Napatingin ako sa plato ko. Anak ng…!
May ilang minuto na nga akong nakatitig lamang sa pagkain ko, hindi ko namamalayan. Siya naman kasi, laging nanggugulo sa isip ko.
It’s your fault, Sir! Sigaw ng utak ko.
“Ah, iniisip ko lang po ang mga gagawin ko ngayon araw, Sir,” palusot ko.
Sir Eric leaned back slightly in his chair. “Your schedule?”
“Yes, Sir.”
“And what exactly is so complicated about it?”
Napakurap ako. Hindi ko inaasahang magtatanong pa siya.
“Wala naman po Sir.” Bakit ang dami ninyong tanong? Gusto ko sanang idagdag, pero hindi ko na itinuloy. Baka mabugahan pa niya ako ng apoy.
“Then I suppose you can tell me about them after breakfast.”
“Hindi na kailangan, Sir. I can handle them myself.”
“Very well.”
Muli siyang bumalik sa pagkain. Akala ko ay doon na matatapos ang usapan namin, ngunit biglang nagsalita si Oliver.
“Daddy, why is Yaya's face red?”
Halos tumigil ang paghinga ko. “Oliver!”
“What? It's red!”
Lumapit si Olivia at tinitigang mabuti ang mukha ko.
“It's true! Yaya, are you sick?”
“No, sweetheart. I'm not sick.”
“Then why are you blushing so much?”
Children! Bakit ba ang dami ninyong tanong ngayong umaga? Pati Daddy-Uncle niyo parang imbestigador!
Pero pinilit ko na lang ang tumawa. “Ah siguro, kasi medyo mainit ngayon dito sa dining room.”
Tahimik na tumingin si Sir Eric sa air conditioner sa kisame bago muling ibinalik ang paningin sa akin.
“Is that so?”
Palihim ko siyang tiningnan nang masama. Huwag kang magsimula, Sir Eric. Ikaw ang dahilan kaya parang sinisilaban ang katawan ko nang gumising ako!
“Perhaps I should ask the staff to lower the temperature,” dagdag niya, bahagyang kumikibot ang mga labi.
The twins immediately cheered. “Yes, Daddy!”
“Thank you, Daddy!”
Samantalang ako, gusto ko na lamang ibaon ang mukha ko sa plato. Mukhang alam niya ang pagkailang na nararamdaman ko.
Hindi ko alam kung ano ang alam niya, pero pakiramdam ko ay may napapansin siya sa kakaiba kong kilos. At hindi ko gusto iyon.
Lalo na't hindi ko kayang ipaliwanag na ang dahilan ng pamumula ng mukha ko ay ang isang panaginip na wala namang kinalaman sa totoong buhay.
“Tahara,” muli niyang tawag.
Napatingin ako sa kaniya.
“P-pass the orange juice, please.”
Nasa harapan ko mismo ang pitsel, kaya agad ko iyong kinuha at iniabot sa kaniya.
“Here, Sir.”
Our fingers brushed as he accepted it. Isang napakaliit na pagdikit lamang. Wala iyon. Wala talagang ibig sabihin. Pero bakit para akong nakuryente?
Mabilis kong binawi ang kamay ko at ibinaling ang atensyon sa kambal, na tila walang napansing kakaiba.
“Come on, you two. Finish your breakfast. You'll be late for school.”
“Okay, Yaya!”
Patuloy silang nagkuwento habang kumakain, at pilit ko namang pinanatiling abala ang sarili sa pag-aasikaso sa kanila.
Hindi ako titingin kay Sir Eric. Hindi ko iisipin ang panaginip ko. At higit sa lahat, hindi ko hahayaang maapektuhan ng mga pantasya ko ang trabaho ko.
Because Sir Eric was my employer. He was the father of the children I had grown to love. At wala akong kahit katiting na karapatang pagnasaan siya.
Dreams are just dreams, Tahara. Paulit-ulit kong paalala sa sarili ko habang inaabot ang baso ng tubig.
Unfortunately, the more I tried to convince myself, the more I remembered the dream. At sa unang pagkakataon, nagsimula akong matakot sa isang bagay na hindi ko kailanman inakalang magiging problema ko.
What if my heart was beginning to want something my mind knew I should never have?