KAGIGISING ko lang pero mukha na 'agad ng pinsan kong si Analie ang bumungad sa akin. Muntikan pa akong mapasigaw sa gulat, paano ba naman ang sama na nga ng panaginip ko tapos pagkadilat ko mukha niya pa ang bubungad sa akin.
Hindi ko naman sinasabing pangit siya, ang ibig kong sabihin nakakagulat lang lalo na at 'yong reaksyon ng mukha niya ay para bang natatae na ewan!
"Deb, yong jowa mo may kay kasamang ibang babae!" singhal nito sa akin ng makitang gising na ako.
Kaagad naman akong umupo sa maliit kong kama mula sa pagkakahiga. "Ano na naman ba Linggu? Ang aga mo naman mang-trip." Napakamot pa ako sa ulo.
"Nagsasabi ako ng totoo, nakita ko siya kanina sa bayan may angkas na babae sa motor niya! Kung hindi ko nga lang kasama si mama baka sinugod ko na sila," nanggigil nitong kuwento.
Hindi naman sa ayokong maniwala sa sarili kong pinsan kaya lang parang ganun na nga, char! Kilala ko naman kasi si Guian, alam kong hindi niya ako lolokohin.
Baka nagkamali lang si Linggu ng nakita.
"Baka naman kamag-anak niya o kaya kaibigan, ganun. Judgemental kapa naman."
"Wow, ako pa judgemental? May kamag-anak at kaibigan bang naglalampungan habang nakasakay sa motor?"
Bigla naman akong napaisip sa tanong niya. Nagsimula na rin akong kabahan pero hindi ko pinapahalata. Mula pagkabata magkasama na kami kaya alam kong kilalang-kilala na niya ako. Kaya niyang malamang ang iniisip ko base lang sa reaksyon ng mukha ko.
Pero sa totoo lang ganito rin 'yong naramdaman ko nang mahuli ko 'yong first boyfriend ko na may kahalikan na ibang babae at nang malaman kong ‘yong tinda naming barbecue lang pala ang habol sa akin ng huling naging ex ko.
Mali 'tong iniisip ko! Oo mali, hindi naman porket ganun ang nauna, ganun na rin si Guian. Bawal judgemental syempre.
Kahit na failed ang mga nauna kong relasyon hindi ko hahayaang maka-apekto ito sa relasyong meron ako ngayon.
"P'wede ba Linggu, baka naman mema kuwento ka lang dahil galit ka sa kaniya?"
Tinignan niya naman ako na para bang hindi niya nagustuhan 'yong tanong ko. "Ewan ko sa'yo! Bahala ka nga, basta sinabihan na kita, ha. Hindi ka talaga nadadala!" inis na tugon nito at padabog na umalis sa maliit kong kuwarto.
Napapikit na lang ako. Dapat pala hindi ko sinabi kay Linggu 'yon, pero kasi p'wede rin naman na tama ako.
Alam ko kasing tutol siya sa relasyon namin, una pa lang lagi niya na akong sinasabihan na lumayo kay Guian dahil babaero 'raw' ito. Hindi ko nga alam kung saan niya narinig 'yong ganun, hindi naman kasi tulad ng sinasabi niya ang pagkakakilala ko sa boyfriend ko ngayon.
Kahit kasi malayo ang tinitirahan namin sa isat-isa, maayos ang pagkakakilala ko sa kaniya. Mabait siyang tao at higit sa lahat magalang kay lola. Napakilala ko na rin kasi siya sa taong tumayong ina't ama ko.
Kaya ang hirap maniwala sa sinasabi ni Linggu, pero aaminin ko may parte sa akin na nagsasabing maniwala ako.
Bago pa ako sumakit ang ulo ko sa kakaisip, nagligpit na ako ng higaan ko at lumabas na ng kuwarto.
Nasalubong ko pa si lola na may dalang isang pitsel na tubig, sigurado akong magdidilig siya ng kaniyang mga halaman sa maliit niyang garden sa gilid ng bahay.
"Kumain kana riyan, bakit ba ang aga-aga at nagsisigawan na kayo ng pinsan mo."
Napangiti naman ako ng pilit, patay. "W-wala po 'yon. May chismis lang siyang sinabi sa akin," pagsisinungaling ko.
"Kayo talaga ang aga-aga chismis agad ang inaatupag." Umiling pa si lola bago umalis sa harap ko.
Buti na lang at hindi niya narinig ang usapan namin ni Linggu, mapapagalitan talaga ako sigurado.
Isa rin kasi si lola sa tutol sa pakikipag-relasyon ko, hindi dahil ayaw niya kay Guian kundi dahil ilang beses na akong nasaktan noon.
Hindi ko nga alam kung bakit ba ang bilis kong magtiwala sa isang tao. May makita lang ako na katangiang gusto ko sa isang tao, mahuhulog na agad ang loob ko.
Kahit siguro naglalako ng pandesal dito p'wede kong magustuhan.
Siguro malambot lang talaga ang puso ko, lumaki kasi akong walang mga magulang. Tanging lola lang ni Linggu ang nag-alaga sa akin at nagpalaki. Batid kong hindi ko rin siya kadugo-- na hindi ko sila totoong pamilya. Bata pa lang kasi ako sinabi na ni lola sa akin ang totoo, kahit naman ganun hindi ko naramdaman na hindi pamilya ang turing nila sa akin.
Pumunta muna ako ng banyo para maghilamos. Pagkatapos ay dumiretso na ako sa kusina para kumain ng agahan. Sinangag na kanin, itlog, at tuyo ang nasa lamesa kaya natakam akong kumain 'agad.
ISANG tunog ng motor ang nagpabangon sa akin mula sa pagkakahiga ko. Kakatapos ko lang kasing maglinis at balak ko sanang magpahinga.
Mabilis akong lumapit sa salaming nakasabit sa ding-ding ng bahay namin. Inayos ko ang hanggang bewang kong buhok at kulay itim na t-shirt na suot ko, nakasuot naman ako ng jogging pants sa pang-ibaba. Inamoy ko pa ang sarili ko kung amoy ewan na ba ako pero hindi naman, buti na lang dahil tinatamad na akong magbihis.
Conservative kasi ako, hindi ako girly manamit pero hindi rin naman boyish. Tama lang para hindi mapalo ni lola, ganiyan kami pinalaki ni Linggu.
Nang masigurong okay pa ang itsura ko agad akong pumunta sa tapat ng pintuan, nakangiti ko siyang sinalubong. Nakasuot siya ng jersey uniforme. May laro siguro sila ng basketball mamaya.
Hindi ko namang mapigilang hindi kiligin, ang guwapo niya kasi! Kaya siguro babaero tingin ni Linggu rito, kasi maraming babae ang nagkakagusto sa kaniya.
Sinuklay niya muna ang kaniyang buhok bago nakangiting tumingin sa akin.
"Sorry pala kagabi, maaga kasi akong nakatulog kaya hindi kita nareplayan."
Ngumiti naman ako pabalik. "Okay lang, nakatulog din naman ako ng maaga."
Kahit ang totoo napuyat ako kakaantay sa reply niya, ayoko lang na mag-alala pa siya.
"Namiss kita." Akmang hahalikan na niya ako pero umatras ako.
Nakaramdam ako ng ilang dahil sa ginawa niya. Kumunot naman ang noo niya.
"Bakit?" tanong nito.
"A-ano kasi, baka makita tayo ni lola."
Isa rin 'yan sa dahilan, pero ang totoo hindi pa ako handa sa mga ganiyang bagay. Hanggang boyfriend/girlfriend lang ako, 'yong usap lang ganun.
Tulad nga kasi ng sinabi ko, conservative akong tao. Kaya kahit tatlo na ang nagiging boyfriend ko, kahit isa sa kanila walang nakakuha ng first kiss ko.
Napasinghap naman siya. "Debbie, isang buwan na tayo pero kahit yakap hindi ko makuha sa'yo," bulalas niya.
Napayuko na lang ako, kailangan ba kasi sa relasyon 'yong ganun agad?
Dahil ayoko ng makipagtalo sa kaniya, humingi na lang ako ng sorry.
"Sorry, hindi pa ako handa sa ganiyan."
Mas lalo lang sumama ang mukha niya, mukhang galit na siya.
"Aalis na ako, may laro pa kami," walang emosyong sambit nito.
"Galit kaba?" tanong ko.
Tinalikuran niya lang ako na parang walang narinig.
Sumunod naman ako sa kaniya, sa loob ng isang buwan ngayon lang kami nagtalo at kasalanan ko pa. Nakakakonsensya tuloy!
Pareho kaming natigilan ng may tumigil na motor sa harap namin. Sakay nito ang isang babaeng nakasuot ng kulay pink na dress— sexy na dress, correction.
Masama ang tingin nito sa akin, nagtataka ko naman siyang tinignan pabalik.
Problema nito?
Nagulat na lang ako ng biglang siyang sumugod sa akin, nahawakan naman siya ni Guian pero naabot niya pa rin ang buhok ko. Parang matatanggal 'yong anit ko sa sambunot niya! Patulak niya akong binitawan. Naramdaman ko na lang ang hapdi sa pisngi ko.
"Anong bang problema mo?" gulat na tanong ko.
Tumawa naman siya ng mapakla. "Ikaw ang problema ko! Malandi kang babae ka, walang-wala kana ba kaya pati boyfriend ng iba papatulan mo, ha!"
Bigla naman akong naguluhan. Nagsimula ng maglabasan 'yong mga kapitbahay namin kaya pinagtitinginan na kami ngayon.
"Ano bang pinagsasabi mo?" medyo naiinis na ako, hindi dahil sa sinasabi ng babaeng 'to kundi sa ginawa niyang pananakit sa akin.
Ngayon lang ako sinaktan ng ganito at ibang tao pa talaga!
"Ako lang naman ang girlfriend ng lalaking nilalandi mo!" Turo nito kay Guian.
Para akong binuhusan ng malamig na tubig sa sinabi ng babae.
Tinignan ko si Guian sa mata. "T-totoo ba?"
Seryoso rin siyang tumingin sa akin. "Sorry," walang emosyong sagot nito.
Hindi na ako nagulat, hindi na rin naman bago sa akin na niloko ako.
"Bago ka kasi pumatol alamin mo muna kung single ba o taken! Landi-landi mo."
Bumalik 'yong tingin ko sa babae. "Sobra kana, ha. Hindi ko na alam na may girlfriend pala siya. Wag lang ako ang sisihin mo, kundi 'yang boyfriend mo," hindi ko na napigilan 'yong sarili ko.
Magsasalita pa lang sana siya ng lumabas si lola mula sa bahay, kasunod niya si Linggu. Pareho silang nagtataka kung bakit ganito ang itsura ko ngayon.
"Debbie, anong nangyayari rito ? Akala ko kung ano 'yong nagsisigawan." Tumingin sa akin so lola. "Jusko po, anong nangyari sa'yo? Bakit may sugat ka sa pisngi?"
Tumawa naman 'yong babae kaya naagaw niya ang atensyon nila Lola.
"Iyong apo niyo po, pumatol lang naman sa boyfriend ko. Pangarap po 'atang maging kabit niyan," malakas na sagot nito.
Pakiramdam ko maiiyak na ako, hindi sa sampal kundi sa kahihiyan.
Lumapit si Linggu sa akin at hinawakan ako sa braso. "Okay ka lang?"
Tumango lang ako. Masama kong tinignan si Guian, siya may kasalanan nito.
"Alam kong nasaktan ka ng apo ko, kaya ako na ang humingi ng paumanhin," sabi niya sa babae, next siyang bumaling kay Guian. "At ikaw, putulin mo na ang koneksyon mo sa apo ko. Wag ka ng magpapakita sa kaniya."
Tanging tango lang naging sagot ni Guian, pagkatapos ay umalis na sila sa harap namin.
Nice Deb, three points kana, ha! Baka naman, oh. Better Love next time na.