LING'POV SOBRANG sarap naman ng hangin ngayon. Magdidilim na sa isla, kaya andito ako ngayon sa dalampasigan. Malapit lang naman ito sa resthouse. Ilang hakbang mula sa puwesto ko may dadaanan na pathway papunta sa resthouse. Ganda nga ng design, bahay kubo inspired. Iyon nga lumabas muna ako para abangan ang sunset, para rin sana i-message si Shamoon pero hindi pa pala siya nagrereply. Baka isipin niya masyado akong papansin pero nag effort talaga akong bumaba para i-message siya. Masyado na akong nasasarapan sa usapan namin-- ibig kong sabihin natutuwa, ganun. Iniwan ko pa nga muna sila Debs sa kuwarto, dahil medyo mahina signal ko roon. Oks din naman na bumaba ako, gusto ko rin kasi makita iyong sunset at syempre makunan ng pictures. Medyo marami na rin akong nakuhaan simula

