DEBBIE'POV "BABAENG malakas humilik, gising." Isang boses ang gumising sa akin mula sa pagkakatulog. Bakit ba nanggigising itong si Ling? Inaantok pa ako ng sobra. Nakakapagod kaya magli--- Dinilat ko ang mga mata ko, teka! Nanaginip 'ata ako. Bakit mukha ni Chadie ang bumungad sa akin? Bakit magkasama kami? Bigla namang nag flash back sa akin iyong nangyari kanina. Mula sa paglilinis namin ng pinsan ko hanggang sa pagdating ng lalaking ito sa bahay para hatakin ako at dalhin sa kotse niya. Pero, teka! Nasaan na ba ako? Dinilat ko iyong mga mata ko at umayos ng upo. Sumilip ako sa bintana para tignan ang paligid-- may mga puno, may nakita rin akong mga yate. Teka, yate? Umayos ako ng upo para makita ng maayos iyong paligid. Bakit may dagat dito? "Nasa resort tayo," sambi

