DEBBIE' POV "LING, mukha kang tanga," natatawang sabi ko sa pinsan kong nakatunganga sa harap ko ngayon. May usapan kasi kami ni Fe na isasama ko si Ling ngayong sabado, pero hindi matutuloy. "Bakit kasi kahit sabado may pasok kami? Tapos magaanounce biglaan pa! Nakakainis naman." Nasambunutan niya pa ang sarili sa inis. Nagkaroon kasi sila ng biglaang klase ngayon kaya hindi siya makakasama. Sobrang excited pa naman niya. "Bawi kana lang next time," pang-aasar ko pa. "Nakakainis talaga! Maliligo na nga lang ako." Padabog siyang lumabas ng kuwarto. Naiiling na lang akong natatawa sa itsura niya, kawawa naman ang pinsan ko. Inayos ko na lang ang sarili ko para makaalis na. Tapos na rin naman kami mag almusal kanina pa. Maaga rin umalis si tita Linda dahil may trabaho pa siya.

